PAG-GISING

1057 Words
Kabanata 4 Pinagmamasdan ko ang binibining niligtas ko sa kamay ng mga bayarang pulubi. Sino kaya siya at anong ginagawa niya sa bayan ng Gyeonggi? At bakit siya nakadamit pang kawal? Hindi ko pa siya nakita sa palasyo at walang babaeng kawal sa palasyo. Isa kaya siyang espiya sa palasyo? "kamahalan!" humahangos na pumasok sa silid ang aking kaibigan at kanang kamay na si Hyun-ri. Ako si Hae Seon ang pinakabatang naging hari sa bayan ng Gyeonggi. "hindi pa rin nagkakamalay ang binibining iyan." sabi ni Hyun-ri habang nakatingin sa binibini. "tatlong lingo na ang lumipas ngunit, hindi pa rin siya nagigising." kailan kaya magkakamalay ang babaeng ito? "Hyun-ri?" "kamahalan?" "gusto kong siyasatin mo kung sino ang babaeng ito at siguruhin mo na walang ibang makakaalam." utos ko kay, Hyun-ri. "masusunod kamahalan!" "bakit ka nga pala narito?" tanong ko sa kanya. "Kamahalan, hinahanap na kayo sa palasyo. Kailangan niyo ng bumalik bago pa may makaalam kung nasaan kayo." Naalala ko na may gaganaping pagpupulong ngayon sa bulwagan ng hari. Tumayo na ako at binilinan ang manggagamot. "ipagbigay alam mo agad sa akin kapag nagkamalay na siya." "opo. Kamahalan." nakayukong sabi niya. "bumalik na tayo sa palasyo." Lumabas na kami ng silid at bumalik sa palasyo. Bilang hari maraming mga suliranin ang kailangan kong bigyang pansin. Kapakanan ng bayan ko ang dapat kong unahin. Hindi ako makapapayag na mapasok ang bayan ko ng mga taong labas. Matagal na akong namumuhay bilang hari at mapayapa ang buhay ng aking nasasakupan. "Magbigay pugay sa mahal na hari!" "binabati namin kayo, kamahalan!" nakayukong sabay-sabay na sabi ng mga kawal at ministro ng palasyo habang papalapit ako sa trono. "umpisahan na natin ang pagpupulong na ito." kinuha ko ang isang ulat at binasa. "marami ng mga tulisan ang nakakapasok sa bayan ng Gyeonggi at ang mga mahihirap na mamamayan ng Gyeonggi ang pinapaslang nila. Ministro Jong-Bok gusto kong pahigpitan mo ang pagbabantay sa mga maaaring pasukan ng mga tulisan sa dulo ng bayan ng Gyeonggi." "masusunod kamahalan." Kinuha ko ang sumunod na ulat at binasa. "Ginoong Moo?" basa ko sa nakalagay sa ulat. "Hyun-ri, alamin mo kung sino si Ginoong Moo. Dalhin mo siya sa akin kapag nahanap mo na siya." "masusunod kamahalan!" nakayukong sabi niya. Pinagmasdan ko ang ulat. Bakit parang nabasa ko na ang pangalan na ito? Hindi ko lang matandaan kung saan. Naalala ko bigla ang binibining tinulungan ko. Kilala kaya niya si Ginoong Moo? "Kamahalan?" lumingon ako sa tumawag sakin. "ano yun Ministro Jong-bok?" tanong ko. "nababahala po kami sa inyong kalusugan." "anong problema sa aking kalusugan? Bata pa ako at malakas. Hindi niyo kailangang mabahala." "kamahalan, darating ang araw na kayo ay tatanda. Wala pa rin po ba kayong napipili na maging reyna na magiging ina ng inyong tagapagmana?" "masyado mo naman yata akong minamadali ministro. Hindi ko nakakalimutan na magkaroon ng tagapagmana ng trono. Kagaya ng sinabi ko bata pa ako at ang bayan ko muna ang dapat kong unahin. Huwag kang mag alala ministro Jong, sisiguraduhin ko na ikaw ang unang makakaalam kung sino ang aking, magiging reyna at magdadala ng aking tagapagmana." "aasahan ko iyan, kamahalan." bakit kaya masyado siyang nababahala sakin? Si Ministro Jong ay malayong pinsan ng aking ina. Matagal na siyang nanunungkulan sa palasyo at hindi lingid sa kaalaman ko na gusto niyang maging reyna ko ang anak niyang babae. Lumapit sakin si Hyun-ri at may ibinalita na ikinagulat ko. Hindi ako nagpahalata sa mga kaharap namin. "tinatapos ko na ang pulong na ito." Nang makaalis na ang lahat ng kawal at ministro kaagad akong lumabas ng bulwagan. "gising na siya kamahalan." sabi ng mangagamot pagdating ko. Lumapit ako sa binibini na nakatulalang nakatingin sa kawalan. "mabuti na ba ang iyong kalagayan?" tanong ko. -------------------- "uhmm...uhmmm..." iminulat ko unti-unti ang mga mata ko. Nasaan ako? Anong nangyari sakin? "binibini! Mabuti naman at gising ka na!" narinig kong sabi ng babaeng nakasuot ng lumang damit na hanbok. Lumapit siya sa akin. "kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya. "marahil ay gutom ka na. Ipaghahanda kita ng makakain at ipaaalam ko sa kamahalan na nagkamalay ka na." sabi niya. "kamahalan?" takang tanong ko. "oo. Siya ang nagligtas sayo sa kamay ng isang tulisan." "tulisan?" anong sinasabi niya? "hindi mo pa siguro maalala ang nangyari. Diyan ka muna at ihahanda ko ang pagkain mo." umalis na siya ng silid. Inilibot ko ang paningin ko. Nasaan ba ako? At bakit ganito ang suot kong damit? Isang napakahabang puting hanbok dress. Inalala ko ang nangyari sakin. Nabangga ako ng sasakyan habang pauwi ako sa condo. Nakita ko yung bartender sa tabi ko. At tunog ng ambulansiya. Pero bakit naandito ako sa isang silid na kakaiba ang itsura at nakasuot ng mahabang puting dress. Anong nangyari sakin? Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng silid at may pumasok na dalawang tao. Bakit ganyan ang mga suot nila at sino ba sila? Nakasuot ang isa ng kulay pulang hanbok at ang isa naman ay nakasuot ng kulay asul. "kamahalan! Ipinaghanda ko siya ng makakain." sabi ng babaeng kausap ko kanina. "maaari ka ng lumabas." sabi ng nakapulang hanbok. Yumuko ang babae at lumabas na ng silid. Ano bang nangyayari sa paligid ko? Bakit kakaiba ang kilos ng mga taong ito? Lumapit sa akin ang nakapulang damit na tinawag na kamahalan. "mabuti na ba ang iyong kalagayan? Maaari bang malaman kung anong pangalan mo?" tanong niya sakin habang pinagmamasdan ako. Ano bang ginagawa niya? Ang weird niya. Pinagmasdan ko siya. Bakit parang nakita ko na siya? Parang pamilyar ang itsura niya. May bigla akong na alala sa kanya. *flashback* Umupo sa tabi ko ang lalaki. Tinignan ko siya at ngumiti siya sakin. Tao ba siya o isang anghel? Ipinikit ko ang mata ko at ipinilig ang ulo. Nananaginip na yata ako sa kalasingan. Pagmulat ng mga mata ko nakatingin siya sakin at tumawa. "your drunk." sabi ng napakagandang boses niya. "oo sir, lasing na nga siya. Kanina pa siya nandito e." sabi ng bartender. Nakatingin lang ako sa katabi kong lalaki. Ang ganda ng hugis ng mukha niya. Siya yung sinasabi na baby face pero hunk. Maganda ang mga mata niya na kumikinang kapag tinitignan. Matangos ang ilong. Mapula ang mga labi. Makapal ang kilay. Ngayon lang ako nakakita ng napaka gwapong lalaki na gaya niya. *end of flashback* Kamukha siya ng lalaking yun! Siya kaya ang lalaking yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD