Chapter 15

2458 Words
Sumapit ang hapon, matapos ang usapan namin ay hindi ko na siya kinausap pa at lumabas ng kuwarto. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kaniya, kung ano bang dapat kong itanong. Wala akong maisip. Pero mukhang nasaktan ko siya dahil sa pagmamatigas ko, gusto kong mag-sorry pero hindi ko kaya. Jusme! Nakakaaning naman masyado itong nasa utak ko.  "Haayyy! Nakakainis!" Mariin kong bulong sa sarili habang naglulumpasay sa higaan. Gulo-gulo na rin angsapin ng kama. Lakas magpa-guilty ni Orwa. Kakainis! Bakit kasi hindi pa niya sabihin ang totoo? Bakit ba may petals sa likod niya? Anong meroon soon bakit nagiging kulay puti? Susme! Si lola Remejos alam tapos ako hindi? Nakaramdam muna ako sa paligid, mukhang tahimik sa kusina. Wala ata siya ngayon, baka natutulog o nagdidilig ulit sa labas? Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa kwarto niya pero wala siya doon. Mukha ngang nasa labas o nasa bahay nila lola Remejos. Nakasimangot pa akong lumabas, sumalubong agad sa akin ang chismoso naming kapitbahay. "Ang gwapo naman ng asawa mo," chika pa nito. "Hindi ko asawa 'yon," walang buhay kong sagot. "Susme, kunwari ka pa. Kung ako rin naman may ganoong jowa hindi na kami lalabas ng bahay. Baka nga nasa gate pa lang mag-turjakan na kami," malandi nitong saad. Kumunot pa ang noo ko sa sinabi niya. "Turjakan?" "Ano ka ba, kunwari ka pang di mo alam. Mahaba ba? Mataba?" Tanong nitong akala mo ay tropa kami. "Kamusta ka naman? Sobrang flexible siguro ng bibig mo. Nangalay ba panga mo?" Dagdag pa nito. Ano bang mga sinasabi niya? Di ko gets, I'm so very insente. Ghad! Bakit ba palagi nilang tinatanong? Hindi ko pa nga nasusukat, eh. "Ewan ko," masungit kong sabi bago tuluyang umalis sa harapan niya. Kung anu-anong tinatanong sa akin, aba malay ko ba. Bakit niya ako tinatanong kung nangalay ba panga ko, bakit manga-ngalay? Flexible ba ang bibig, duh! Paano ko malalaman kung flexible? Susme! Ayan na naman ang kamanyakan ng utak ko. Mamaya may mga kahihiyan na namang magaganap sa amin ni Orwa, mapagsamantala pa naman 'yon. Baka paglaruan na naman niya ako. Oww... paglaruan, big word. Paano ba maglaro ang isang Orwa? Shet! Palaro naman. Charot, walang laruang magaganap. Di naman kami totoong mag-jowa. Nasa tapat pa lang ako ng bahay ni lola Remejos naririnig ko na ang halinghing ni Orwa, may kinakanta siya. Tumingkayad ako para masilip siya, nakaharap siya sa isang orchid na kulay pink. Bakla ba 'to? Mahilig sa bulaklak, eh. Bakit 'yong bulaklak ko? Kailan niya balak diligan? "Tatahakin ang lahat, para lamang sa 'yo, mahal ko sa 'yo aahon..." Patuloy nitong kanta. Masaya siyang nakatitig sa orchid na ito. Bumaba ang tingin ko sa semento. Miss na niya maging orchid ulit? Miss na kaya niya 'yong dating siya? Gusto na ba niyang bumalik sa dati? Ako ba? Gusto kong bumalik sa dating ako? Gusto ko bang bumalik sa pag-iisa? "Sunshine, anong ginagawa mo sa labas? Bakit hindi ka pumasok?" Halos mapasigaw ako sa gulat nang biglang magsalita si lola Remejos. Napahawak pa ako sa dibdib ko at tumingin kay Orwa. "Wala po, tinitingnan ko lang kung andito si Orwa," napatayo pa siya matapos ko itong sabihin. "Pumasok ka na muna," aya ni lola Remejos at binuksan ang gate. Grabe, ang bait na niya sa akin ngayon. Ano kayang naganap? Noong bumalik si Orwa naging mabait na rin siya? "May kailangan ka ba mahal? Nagugutom ka ba? May masakit ba sa 'yo?" Sunod-sunod nitong tanong. Natawa pa ako dahil sa sobrang OA niyang mag-react. "A-anong nakakatawa?" Kunot noong tanong nito. "Wala, sumilip lang ako. Sabi ko na nga ba nagdidilig ka na namang ng bulaklak," sabi ko pa habang nakatingin sa pink orchid. "Oo, ang hilig nga niya magdilig ng bulaklak. Sa 'yo Sunshine? Ilang beses sa isang araw?" Biro pa ni lola Remejos. Naninibago talaga ako sa kaniya, noong bata pa ako galit na gait ito sa akin, eh. Kapag nakikita ako parang guguho na ang mundo. Ngayon sobrang bait na, baka dahil kay Orwa? Oh my! Baka jowa niya si Orwa? Baka ibang bulaklak ang dinidiligan ni Orwa kaya siya palaging andito? What the! Ayaw ni Orwa sa bulaklak kong fresh? Gusto niya 'yong kay lola Remejos? "Inosenteng mukha, sobrang wild ng imagination," muling hilamos ni Orwa ng kamay niya sa mukha ko. "S-sige po, baka nakakaistorbo po ako sa diligan dito. Babalik na ako s–" "Dito ka lang," mabilis lumingkis ang braso ni Orwa sa bewang ko at hinalikan ako sa labi. Hindi ata orchid si Orwa dati, mukhang vacuum 'to. Humihigop ng kaluluwa kapag humahalik, eh. "Susme! Sa harapan ko pa kayo?" Agad ko siyang tinulak matapos marinig ang boses ni lola Remejos. Hinawi ko pa ang buhok ko at humawak sa pisngi kong parang itinapat sa apoy, sobrang init at malamang namumula na ito. Pahamak na Orwa 'to. "Kukuha muna ako ng miryenda, sandali lang," paalam nito at naglakad na papasok sa bahay. "Halika dito mahal, tingnan mo 'to," agad ako nitong hinila sa isang orchid na kanina pa niya kinakantahan. "Ang ganda hindi ba?" Napatingin ako sa mukha niyang may malawak na ngiti, nakatitig siya dito ng wagas. Sa mga tingin nito, ito ang pagmamahal na hinahanap ko. Parang nasasagot na ang isa sa mga tanong ko. Hindi ko makita ang pagmamahal na 'yon dahil sa isang ito siya totoong nagmamahal. Sa isang Orchid na katulad niya. "Tingnan mo ang kulay niya, ang tingkad hindi ba?" Masaya nitong saad. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tingnan ang orchid na sinasabi niya. Nababaliw na ba ako? Bakit pati sa isang orchid nagseselos ako? Eh, parehas naman kaming hulmang tao ngayon. Tapos mas maganda pa ako sa isnag bulaklak. Duh! "Ang ganda nga, ang ganda ng mga ngiti mo sa kaniya." Wala sa sarili kong sambit. Naghulas ang mga ngiting ito, pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Ang manhid naman masyado Orwa, suyuin mo naman ako, nagseselos ako. "Ganito mo rin ako tingnan noon, naalala mo ba?" Parang may sumabog sa utak ko ng saglit na sabihin niya ito. Mabilis nagwala ang puso ko matapos ako nitong tingnan ng deretsyo sa mata. Pwede ba munang tumakbo dahil sa kaba na nararamdaman ng puso ko? Ganoon ko siya tingnan noon? Pero saan? Hindi ko maalala. May ganitong eksena ba kami noon? "Iyong mga tingin at ngiti mong 'yon. Paulit-ulit kong hinahanap ngayon." Malumanay at maliwanag nitong sabi. Pero bakit hindi ko maintindihan? Bakit hindi ko maintindihan ang tinutukoy niya? Hindi ko ba talaga maintindihan o talagang naguguluhan lang din ako sa sarili ko kaya maging ang mga alaala na ganito, hindi basta pumapasok sa utak ko? Ganito ko siya tingnan noon sa bakuran nila lola Remejos? Pero saglit lang 'yon. Minsan nga hindi ko pa nakikita ang orchid na 'yon dahil tinatago ni lola Remejos. Isa pa, paano niya iyon nasasabi? Nakikita niya ba ko noon? "Mamaya na kayo magharutan, kumain na muna kayo," mabilis akong napaiwas ng tingin sa kaniya at tumayo. Hindi na ako lumingon pa, nagtungo na ako sa tabi ni lola Remejos at umupo. "Bakit parang seryoso ang pinag-uusapan niyo?" Tanong pa nito. "Bakit po?" Kumunot pa lalo ang noo nito sa tanong ko. "Anong bakit?" "Bakit po kayo biglang nging mabait sa akin? Bakit po si Orwa nasa akin pa rin? Bakit hindi niyo siya kunin? Kayo po ang nag-alaga sa kaniya, kayo po ang may tanim sa kaniya," sunod-sunod kong tanong. Bumuntong hininga pa ito at tumingin sa gawi ni Orwa. "Kung pwedeng ako na ang sumagot ng mga tanong mo," sagot nito at dahan-dahan akong tiningnan. Maging ako ay kumawala ng malalim na paghinga at agad nagsalin ng juice para uminom. Pinunasan ko pa ang labi ko gamit ang braso ko, matapos kong maibaba ang baso. "Pwede po bang pati ako may alam? Para naman aware ako sa kaganapan, kasi po damay ako dito. Ang hirap na po kasing pigilan, napapamahal na ako kay Orwa," pakiusap ko pa dito. Pero mukhang hindi ito umipekto sa kaniya, hindi manlang naawa sa akin. Susmaryosep! Ako na naman naiipit sa sitwasyon na ganito. Hindi naman kasi ako mahal at gusto ni Orwa, bakit hindi pa ihinto ito bago pa ako tuluyang mabaliw sa taong orchid na 'yon? "May panahon para sa mga bagay na ganiyan, alam mo 'yan. Dahil maging ikaw ay mahabang panahon ang hinintay," wika nitong parang may alam sa buhay ko. "Pero kailan po ang panahon na 'yon?" Tanong kong puno ng pagsusumamo, na sana kahit isa lang sa mga tanong ko masagot nila. "Ano po ang ibig sabihin ng nga petals sa likod ni Orwa? Ano po ang ibig sabihin kapag natanggal ang isa? Naging puti o na natiling pula?" Muli kong tanong na nagbabakasakali na kahit isa lang sa mga iyon ay masagot niya. Kahit isa lang sana, pero wala. Wala siyang balak sagutin ang mga tanong na iyon. Wala siyang balak ipaalam sa akin. "Hindi ako ang makapagsasabi niyan, hindi ako ang makakasagot ng mga tanong mo, Sunshine. Alam mo ang lahat ng sagot, isipin mong lahat. Sa nakaraan, kung paano nagsimula ang lahat. Isipin mo," malumanay nitong paliwanag. Sa mga sinabi niya mas lalong dumami ang tanong sa utak ko. Mas lalong gumulo, mas lalo akong na-stress. Anong iisipin ko sa lahat? Ang naalala ko lang ay iyong gabi na nasugatan ako at nagdilig sa red orchid. May iba pa ba bukod doon? Ngayon, nagawa ko ng tumingin kay Orwa. Masaya pa rin itong nagdidilig sa paligid. Kinakantahan niya at kinakausap ang mga ito. Mabilis lumipas ang araw. Gabi na, pero ang utak ko ay napuno ng tanong. Sobrang daming tanong. Puro na lang tanong. Nakatitig sa blankong kisame at dilat na dilat ang mga mata. Gusto ko na sanang matulog pero hindi nakikisama ang mga mata ko. Bakit ba kasi ang hirap matulog kapag maraming iniisip? "Haay! Nakakabaliw!" Mariin kong sabunot sa sarili habang paupo. Para akong baliw na nakaupo sa kalye, mas okay pa nga atang maging baliw na naghihila ng lata sa kalye, kesa naman ganito. Baka sa susunod maging baliw na rin ako. Malamang sa malamang, maglalakad na rin ako sa kalye at sasayaw sa tapat ng mall kapag nakarinig ng tugtog. "Hindi ka pa tulog?" Halos mapatalon ako sa boses na iyon. Agad akong nakatingin sa pintuan, nakasilip doon si Orwa. "Mukha bang tulog ako?" Masungit kong sagot. Napangisi naman ito at nilakihan ang uwang ng pinto. "Can I enter?" Napataas pa ang isa kong kilay sa tanong niya. Anong dapat isagot? Go Orwa, enter me now. Tama ba? Tamang-tama nag-shower ako bago nagpalit ng pantulog. Mabuti na lang talaga at ready ako palagi, kapag may bakbakan at gera hindi ako matataranta. "Ang tagal mong sumagot," iritado nitong saad at agad nagtungo sa kama ko, tumalbog pa ako matapos nitong umupo. "Pampa-antok lang," mabilis nanindig ang balahibo ko matapos nitong bumulong at amuyin ako sa leeg. Shet! Nagwawala na ang kamanan ko, busog ako pero kumakalam ang sikmura ko. Mabilis na nag-init ang buo kong katawan, amoy pa lang sa leeg ginagawa niya parang gusto ko na kaagad mag-round 3. "Hindi kasi ako makatulog," napakagat labi pa ako at napatingala matapos ako nitong hilahin pahiga sa kama. Susmaryosep! Lola ito na po talaga 'yon. Walang free trial to, full subscription na tayo sa pagbibigay ng Bataan. Lola, si ms.V aalis na ngayon. Raragasa na siya sa matinding gera. Ang bulaklak ni Sunshine malulunod na sa pagdilig, wala ng tagtuyot. Palagi na 'tong sagana sa bitamina ni Orwa. Napapikit pa ako ng humigpit ang yakap niya sa akin mula sa likod, ramdam ko pa ang mabibigat at mainit nitong hininga mula sa aking batok. Shet na malupet! "Goodnight mahal," mabilis akong napadilat at mabilis naglaho ang ngiti sa labi ko matapos itong marinig. What the! Goodnight? Anong goodnight, goodnight? Walang matutulog! Akala ko ba gusto niya pampa-antok? Bakit niya ako tutulugan? Paano na ang mga tumatakbong scene sa utak ko? Nagpa-practice na ako ng pag-ungol na high pitch tapos ganito lang sasabihin niya? Goodnight? "Anong goodnight?!" Bulayaw ko dito at agad umupo, nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kaniya. "Bakit? Matutulog na tayo," inosenteng sagot nito habang nagkakamot sa ulong umuupo. "Akala ko ba magpapa-antok? Bakit ka matutulog agad?" Reklamo ko pa. Tanaw ko ang pag-alog ng balikat nito at unti-unti ng natawa. "Ano bang iniisip mo? Pampa-antok, gusto kong kayakap kang matulog," pilyo nitong sagot habang patuloy ang pagyugyog ng kaniyang balikat. "Ayon lang 'yon? Yakap lang? Tulog lang?" Inis kong tanong sa kaniya. Nakakainis na siya, ha! Hindi na nakakatuwa ginagawa niya, gusto niya palagi lang akong mag-imagine, gusto niya palagi ko siyang pinagpapantasyahan. "Oo naman, matutulog lang tayo. Kaya ikaw, mahal kong Sunshine. Huwag kung anu-anong pumapasok sa utak, okay?" Sabay pisil nito sa ilong ko. Agad kong hinampas ang kamay niya dahil masakit. "S-sino namang nagsabi na, i-iba ang iniisip ko?" Tanong ko dito. Bwisit talaga! Bakit ba nanginginig ang boses ko? Baka isipin pa nitong kinalabahan ako. "Wala ka bang ibang iniisip?" Malambig nitong tanong at unti-unting inilapit ang mukha sa akin. Sa kakaatras ako ay tuluyan akong napahiga sa kama. Panay ang lunok ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Nakakainis! Bakit ba ganito kaingay ito? Baka marinig pa ni Orwa, isipin pa nitong kinalabahan ako. "Kahit na gaano ka pa karupok, hindi ko basta-basta sasamantalahin 'yan. Hayaan mo, kapag ikinasal tayo kawawa ka. Dahil sa bawat sulok nitong bahay, lahat 'yan mamarkahan natin ng iba't ibang posisyon," sambit nito at malumanay ako nitong hinalikan sa labi. Maingat ang mga halik nito, napapikit ako at isinukbit ang dalawa kong braso sa kaniyang leeg at gumanti sa mga halik nito. Ang bawat halik nito ay puno ng emosyon at punong-puno ng pag-ibig, hindi ko madama dito ang pagnanasa. Hindi ako expert sa pagsusuri ng halik dahil sa kaniya ko lang ito nararanasan, pero nararamdaman ito ng puso ko. Tumigil siya sa paghalik at naramdaman ko ang pagngiti nito, dumilat ako at bumungad sa akin ang mga mata nito. Bakit ngayon ko nakikita ang kinang nito? Bakit kanina noong galit ako hindi ko makita ang hinahanap kong pagmamahal? Bakit ngayon ko nakikita ito? Ngayon ko nakikita ang pagmamahal na hinahanap ng puso ko, ang mga tingin na ito. Ang mga tingin na alam kong tuluyan akong babaliwin. "Kung nakikita na ng puso mo ang pagmamahal, makikina na rin ng mga mata mo. Tingnan mong mabuti, Sunshine. Kasi mas higit pa diyan ang pagmamahal na kaya kong ibigay," Tuluyan na akong nabingi sa mga salitang ito, tuluyan na akong nabingi sa lakas ng t***k ng puso ko. Siguro nga, kung hahayaan ko ang puso kong makita ang pag-ibig sa kaniya, makikita rin ito ng mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD