Napainda ako sa sakit ng ulo ko, dahan-dahan pa akong tumagilid para umayos nang higa.
Ano bang nangyari at ganito kasakit ang ulo ko? Parang pumipitik at pinipiga ang utak ko.
"Gising ka na ba?" Seryosong tanong ni Orwa. Kumunot pa ang noo ko at idinilat ang isang mata, nanlalabo pa ito pero tanaw ko ang pwesto ni Orwa.
Nakaupo siya malapit sa kama ko at nakadikwatro, nakahalukipkip din ito habang ang kaniyang leeg ay nakatagilid. Para siyang magulang na nag-aantay sa paliwanag ng anak na may ginawang kalokohan.
Muli akong pumukit at dahan-dahang tumalikod sa kaniya, mabilis akong nagtakip ng kumot bago idinilat ang mga mata.
Nakakainis! Ano bang ginagawa nito sa kwarto ko? Hindi porket mag-jowa kami basta na lang siyang papasok sa kwarto ko.
"Tumayo ka na, baka lumamig pa ang niluto kong sabaw. Para mawala 'yang tama ng alak sa utak mo," umirap pa ko sa hangin matapos itong marinig mula sa kaniya.
Naalala ko na, galing pala ako ng Club Z kagabi, sobrang dami kong nainom at may tatlong lalaking sumabay sa akin. Ghad! Mga manyak na lalaki, muntik pang mapagsamantalahan ang katawan ko. Mabuti na lang talaga dumating itong si Orwa.
Pero in fairness, ibang Orwa nakita ko kagabi, ibang klase pala ito magalit. Akala mo kaya ng makapatay, pero galit pa rin dapat ako. Hindi niya naman pala ako mahal tapos ganoon siya umakto?
"Tapos maligo ka na, hindi ka na kasi nakaligo kagabi. Pinalitan ko na lang damit mo," mabilis nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa suot ko. Napakagat labi ng makitang nakasuot na ako ng pantulog.
"Ano pang ginawa mo?!" Bulyaw ko dito at mabilis na umupo. Nakita ko ang ngisi sa mga labi nitong mabilis rin niyang binawi.
"Ano pang ginawa ko kagabi? Tingin mo? Ano pa bang ginagawa kapag pinapalitan ng damit ng lalaki ang babae?" Mabilis akong napayakap sa sarili ko matapos nitong tumingin ng malagkit sa akin.
Susmaryosep! Anong ginawa niya sa akin kagabi? Bakit hindi ko maalala? Bakit 'yon pa ang nakalimutan ko? Pwede namang 'yon na lang ang maalala ko. Taena! Sunshine! Bakit ka nakangiti? Baka isipin pa nitong natutuwa ka pa.
Ano din kayang ginawa ko kagabi? Nahawakan ko kaya? Dalawang kamay ko ba hinawakan?
Paano siya umungol? Ako rin? Anong tono ng ungol namin? Malakas kaya? Sabay kami? Saan niya pinutok? Sa loob? Sa labas? Saan?
Salubong ang kilay kong tumingin kay Orwa habang nakangisi pa rin ito. Bwisit! Bakit ang lakas niyang mang-akit?
Nakakainis ka Orwa, isa pa dapat. Di ko maalala 'yong kagabi. Hindi pwede 'yon, dapat alam ko rin. Ang daya-daya nito, paano ko masusukat 'yon kung di ko maalala? Ilang rounds kaya? Kaya ba parang ang sakit ng panga ko? Nangalay ba? Pero ang daya talaga! Hindi pwedeng di ko matandaan lahat, unfair 'yon!
"Kumain ka na nga, kung anu-ano na namang iniisip mo," sabay hagalpak na tawa nito. Napabalik ako ng higa matapos nitong ihilamos ang malaki niyang kamay sa mukha ko.
"Sumunod ka na, kapag ako nainis. Ikaw na mismo gagawin kong almusal dito," patuloy nitong tawa.
Tameme akong nakatanaw sa kaniya habang palabas ito ng kwarto ko.
Tch! Puro salita lang, di totohanin. Duwag nito, gusto siya lang nakakaalam. Paano naman ako? Di ko talaga maalala kung sinabihan niya rin ba ako ng "I'll be gentle," tapos anong mga position namin.
Hay! Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit hindi ako nagagalit kay Orwa? Nakakaloko naman talaga.
Ilang saglit pa ay bumalik na rin ako sa realidad matapos tanggapin sa sariling hindi ko talaga maalala ang ganap kagabi. Bumuntong hininga ako bago tumayo, kunot ang noo akong lumuhod at tiningnan ang kama, inamoy ko ito. Wala namang amoy Orwa akong naamoy.
Pero anong amoy ba ni Orwa? Naamoy ko na ba siya? Naamoy ko na ba ang makapangyarihan niyang lakas? Pero bakit walang dugo dito sa kama? Bakit hindi gulo-gulo? Pota! Hindi namin sa kama ginawa? Pero saan? Sa banyo kaya?
Para akong timang na tumingin sa pinto bago lumakad papasok sa banyo, inilibot ko pa ang panginginig sa paligid. Walang kahit anong bakas, kung hindi sa kama at sa banyo, saan?
Susmaryosep! Sa kusina? As in naging hapunan niya ako? Kung sa may kusina, anong pwesto? Hay! Lord patawarin niyo po ang makasalanan kong pag-iisip.
Dahil sa kung anu-anong tagpong tumatakbo sa utak ko nagtagal pa ako sa banyo, bago ko naisipang maligo.
Pati ang panty ko ay tiningnan ko, wala namang bakas na kahit ano. Hindi kaya...
"Bwisit ka talaga, Orwa!" Mahinang gigil ko sa tabo. Nanlilisik ang mga mata at nangingitngit ang mga ngipin kong pinagdidiskitahan ang tabo.
Nakakainis! Nadali na naman niya ako sa mga tingin at mga salita niya. Bwisit! Kung anu-ano pang iniisip ko, wala naman pa lang nangyari sa amin.
Kainis walang nangyari, bakit kasi wala?
Susmaryosep! Ano na naman bang tumatakbong kasalanan sa utak ko? Mukhang kailangan kong lumakad nang nakaluhod sa simabahan, para mapatawad ako sa pagiging makasalanan ng utak ko.
Matapos kong maligo, lumabas na ako. Naabutan ko pa si Orwa na nakaupo habang kinakalikot ang cellphone ko. Oo ng pala, sabi niya marunong siyang gumamit ng cellphone. Dapat bumili na rin siya, para naman may contact kaming dalawa.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong nito habang sa sa cellphone pa rin nakatutok.
"Naligo na muna ako," seryoso kong sagot at pinipilit ang sariling huwag magbigay ng kahit anong kalokohan tungkol sa kamanyakan ng utak.
"Tumawag si Sunshine kanina, ang sabi ko masama ang pakiramdam mo kaya hindi ka makakapasok," Sabi pa nito bago ibinaba ang cellphone ko sa tabi niya. Kukuhanin ko pa sana ng bigla nitong hawiin ang kamay ko at naglagay na ng kanin sa plato ko.
May pasok nga pala ngayon, pati tuloy siya hindi nakapasok sa trabaho. Ano na kayang ganap sa area namin? Malamang pumuputok na mga bilbil ni Mayora sa galit.
"Kumain ka na, mamaya na tayo mag-usap," wika nitong parang may malaki akong atraso sa kaniya. Daig ko pang bibitayin mamaya, papakainin muna ako bago i-torture. Oww... Torture? Itatali ang kamay ko sa kama? Aylabet!
Mabilis kong inubos ang pagkain ko. Nagtaka pa siya dahil sa sobrang bilis kong kumain, mabilis akong kumain pero kapag si Orwa na kakainin ko mabagal lang para mas masarap. Bad girl!
"Ako na ang maghuhugas ng plato, pumasok ka na sa kwarto mo. Mag-uusap tayo matapos kong hugasan ito," deretsyong saad nito.
"Ayusin mo paghuhugas ha? Dapat malinis at walang amoy," napangisi pa siya sa sinabi ko.
"Wag kang mag-alala wala ring sagabal, malinis na malinis," sabay kindat nito.
Napakagat labi pa ako habang lumalakad patungo sa kwarto ko. May usapang magaganap mamaya, ano kayang usapan 'yon? Anong isasagot ko? Puro Ohhh ahhhh? Tingnan natin.
Bago ako makapasok sa kwarto ay nilingon ko si Orwa. Abala itong naghuhugas ng plato, mariin akong napakapit sa gilid ng pintuan habang bumababa ang tingin ko sa malaman at matambok nitong puwit. May harang pang short pero parang ang sarap pigain.
Shemay! Bahala na ang paalala ni lola, multuhin na niya ako kung gusto niya. Basta ang sarap pagmasdan nito, ano pa kaya kung Wala na ang sagabal niyang short?
Ilang saglit kong pinaglawayan ang matambok nitong puwit nang lumingon siya, mukhang napansin niya atang nakatitig ako.
Bakit ang bilis mawala ng galit ko? Mukha atang mabuting tao at mapagpatawad ako. Sobrang bait ko at ngayon lang magkakasala, sobrang pagkakasala.
Hindi lang puso ko ang malakas ang t***k, mukhang may puso rin ang perlas ng silangan sa ibaba. Bakit parang pati siya ay tumitibok? 'Wag kang excited ghorl, baka ang perlas ay madurog.
Pero okay lang, durugin mo ng pinong-pino Orwa, durugin mo–
"Huy! Bakit ganiyan ka lumingkis sa pader?" Kunot noong tanong nito. Gaano ko na ba katagal ginagawa ito? Bakit hindi ko napansin na nasa harapan ko na si Orwa?
Nakanga-nga at tulo laway akong nakatingin sa mukha nito, tumikhim pa ako at umayos ng tayo.
"W-wala, tinitingnan ko lang kung m-matibay ang pader," nanginginig kong paliwanag. Ngumuso pa ito at tinulak-tulak ang pader.
"Matibay ba?" Inosenteng tanong nito.
"Siguro?" Maarte kong sagot.
Kumunot ang noo nito at mabilis akong hinila at idinikdik sa pader. Hindi ko na nagawa pang makasigaw matapos nitong angkinin ang labi ko at ibinaon ako sa pader.
"Tingnan natin, kung matibay ang pagkakagawa sa pader," mapang-akit nitong wika matapos akong bitawan nang halik.
"Paan–oooww!" Halos kapusin ako ng hininga matapos nitong idikit ang kaniyang katawan papunta sa akin. Dikdik na dikdik na ako sa dalawang matigas na bagay, sa likod ang pader at sa harapan ay ang katawan ni Orwa at ang kaniyang naninigas na...secret!
Hindi na ako makagalaw, tuwid akong nakatayo habang ang dalawang kamay ni Orwa ay sinasakop ang binti ko, ramdam ko ang mainit nitong palad sa balat ko. Mas lalo tuloy akong nag-iinit sa mahinahon nitong paggalaw.
"Knock...knock..."
"Don't need to knock, if your want to enter. Do it, enter now," bawi ko dito.
Maiinit ang aming mga tinginan, ang mga apoy na nakakapaso ay gumagapang sa mga katawan namin. Nakakapaso, pero mga apoy na mukhang masarap paglaruan.
Inilapit niya ang mga labi niyang nakakapanabik sa akin, mukha nababaliw na ako sa paghigop nitong parang bagong biling vacuum.
Hinabol ko ang labi nito pero iniwas niya at tumingin sa akin.
"Hindi pwede, may atraso ka pa sa akin," sabay layo nito. Naiwan akong parang naka-glue sa pader.
What the! Ano 'yon? Bakit ganito lang? Bakit hindi niya ituloy? Tanginang 'yan, binibitin niya ba ako? Palagi?
"Ano na? Wala ka bang ipapaliwanag? Nakausap ko si Rick, hindi ka pumasok ng hapon. At isa pa, sinong nagsabing pwede kang mag-inom?" Sunod-sunod na sermon nito. Bumagsak ang balikat ko at dismayadong tumingin sa kaniya.
Kainis! Papagalitan lang pala ako, bakit hindi niya na lang ako parusahan agad? Bakit sa mga nababasa ko kapag ganito binubugbog sila sa kama, bakit si Orwa hindi na lang 'yon ang gawin? Kainis talaga!
"Ano na?" Tanong nitong muli.
"Basta!" Singhal ko dito at agad pumasok sa kwarto, pasara na ako ng pinto matapos niyang mabilis makapasok. Tingnan mo 'to, sa pinto mabilis nakapasok bakit ako hindi pa niy mabilisan pasukan? Balakajan!
"Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" Umirap ako sa hangin at tumalikod sa kaniya.
"Ano pa ba sa 'yo?" Balik kong tanong at humalukipkip.
"Hindi ko sinabing sagutin mo ako ng isa pang tanong, ang tanong ko bakit hindi ka nagpaalam sa akin kahapon?" Nakakunot ang noo at nangingitngit ang mga ngipin nito. Grabe nakakatakot pala 'tong magalit. Akala mo kakagatin ka.
"K-kasi a-ano...m-may problema ako sa line at sa l-lahat," paliwanag ko dito. Imbis na umaliwalas ang mukha nito ay lalo pang nabakas ang galit. Taena! Bakit ganito 'to?
"Bakit ba? Hindi naman tayo totoong mag-jowa, ah?" Bakit ganito siya umasta? Noon pa man walang nagbawal sa aking gawin ang gusto ko. Wala siyang karapatan, oo mag-jowa kami sa paningin at sa paniniwala niya. Pero hindi sa nararamdaman.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong nitong parang nakalimutan na ang totoong estado namin.
"Na hawak ko lang 'to at iniisip mong mahal mo ko, pero hindi talaga," unti-unti ng namumuo ang luha sa mga mata ko, pero patuloy kong pinipigil ito.
Sobrang sakit sa dibdib, parang lalo lang nitong pinapalala ang lungkot ko. Ang pag-iisip na palagi akong nag-iisa at lahat iiwan din ako. Katulad ng mga magulang ko, patuloy akong nag-iisa sa buhay.
"Ano bang sinasabi mo? Mahal kita," agad ako nitong hinawakan sa pisngi at pilit akong pinapatigin sa mga mata niya.
"Tingnan mo ko sa mata, tingnan mo kung gaano kita kamahal," pakiusap nito habang nakatitig sa mga mata ko. Katulad ng sinabi niya, tumingin ako sa mga mata niya. Pinilit kong hanapin ang sinabi niya, pero wala. Wala akong makita kahit anong damdamin. Tama nga ako, dahil nasa akin lang ang orchid heart.
"Tingnan mong mabuti, kung nakikita ng puso mong mahal kita, makikita rin 'yan ng nga mata mo," punong-puno ng pagsusumamo ang boses nito.
"Itigil na natin 'tong kalokohan natin," mabilis kong hinawi ang kamay niya sa pisngi ko at tumalikod. Kasabay ng pag-ikot ko ang pagbagsak ng luha ko, mabilis ko itong pinunasan para hindi na niya makita.
Ayokong pati ito makita pa niya, wala naman siyang pakialam sa akin. Walang kahit sinong makakasagip sa akin kung hindi ang sarili ko. Masyado lang siguro akong nagpadala sa bugso ng damdamin at sa idea nang pag-aalaga.
"Subukan mong buksan ang puso mo, subukan mong magmahal," saad nito mula sa kaniyang malumanay na boses at ramdam ko ang pagyakap nito sa akin mula sa likuran.
"Ayokong itigil 'to, ayokong matapos lahat ng 'to. Baliw na baliw na ko at mas mababaliw ako kung mawawala ka," bulong nito habang humihigpit ang yakap. Hindi ako nakatingin sa kaniya, pero ramdam ko na totoo ang mga saglitang binitawan niya.
Pero kung totoo iyon, bakit hindi naging puti ang orchid pelat? Pero bago ako nag-react. Alam ko nga ba ang meroon sa bagay na iyon?
Wala akong alam, wala akong alam maging sa kung bakit nalalagas ang petals sa likod niya at bakit kailangan nitong maging puti. Anong mangyayari sa oras na malagas lahat?