Natapos ang trabaho ngayong umaga, habang ang lahat ay nagtatakbuhan para maunang makalabas.
Matapos kong magtanggal ng hairnet at maisara ang locker, dumiretsyo na ako palabas. May dumadaan na L300 dito papuntang SM. Mabuti na lang talaga ay may dala ako palaging extra t-shirt. Hindi ko na nasabihan si Orwa. Bahala siyang umuwi mag-isa, tutal saulado naman na niya pauwi.
Nag-text at tumawag ako kay Sunny pero hindi siya sumasagot. Kaya kay lola niya ako tumawag, nakalabas na daw siya ng hospital at nasa bahay na. Natutulog sa kwarto, mukhang mahirap dumalaw. Baka maistorbo ko pa siya.
Dahil mapanatag na rin ako sa kalagayan niya, nag-text na lang ako ng ilang paalala para hindi na muling umatake ang ulcer niya.
"So ano ng gagawin ko? Saan na ako pupunta?" Kausap ko sa sarili. Napatingin pa ako sa paligid, tanghali pa lang at wala akong ibang pupuntahan. Mamaya pa open ng Club Z, para makapag-inom. Tapos na rin naman akong magtanghalian.
Habang naggagala mag-isa sa mall, napadpad ako sa facelove beauty boutique. Naalala ko pa, si Seila Sandoval ang may-ari nito. May malaking poster siya sa gilid ng pinto kasama si Lyka.
Paano kaya niya na-maintain ang ganito kabatang mukha? Parang magkasing-edad lang sila ni Lyka. Ang angas talaga, kapag nakikita ko ang mukha niya parang may nagpapatigil talaga sa akin para tumitig ng matagal sa kaniya.
Walang kupas ang ganda.
Idol na idol ko talaga si Seila Sandoval, palagi akong nanonood ng mga palabas niya. Para kasing nakikita ko sa kaniya ang sarili ko kapag tanda ko.
Nagsimula rin siyang sa pamilyang mahirap, ang tatay niya magsasaka lang noon. Pinangarap na talaga niyang maging artista, nagsikap para maabot ang pangarap. Sobrang bait din nito, ang swerte ni Lyka sa kaniya.
"Ay sis, ano pang tinatayo mo d'yan? Try mo na, ako mag-make up sa 'yo," naputol ako sa pagtitig kay Seila matapos akong lapitan ng isang staff.
"Idol mo ba si ms. Seila? May pa-contest sila. Kapag nagawa nating magaya make-up niya may chance na manalo ka ng trip to Potipot Island, libre na lahat. Pati ang kasama mo," umaliwalas naman ang ngiti ko matapos itong marinig.
"Tingin mo ba kaya mo kong mapanalo 'yan?" Hamon ko pa dito. Ngumisi siya at humawak sa pisngi ko at tinagilid-tagilid ito para suriin ng mabuti.
"Sa totoo lang makinis ang mukha mo, pati hulma ng mukha niyo parang parehas. Tingnan mo, maliit lang din ang mukha ni ms. Seila. Tapos may kalakihan ang mata mo, konting ayos lang magkahawig na kayo," kumento pa nito.
Dahil gusto ko rin naman gayahin ang make-up ng idol ko, pumasok na ako sa loob para magpa-make up sa kaniya.
Bakla siya na mukhang babae, akala ko nga kanina babae siya. Pero siya na mismo nagsabi na bakla siya, transgender ba. Ang sexy ba naman at ang laki ng dibdib.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang inaayusan ko, hindi ko alam kung ano at ilang patong na make-up ito. Basta siya na ang bahala sa mukha ko, manalo o matalo ang mahalaga makikita ni Seila ang mukha ko.
Sakto rin ang libreng make-up. Pupunta pa naman ko ng Club Z mamaya.
"Ayan, tapos na. OMG! Kamukha mo talaga siya, sis!" Masayang saad nito habang nakahawak pa sa kaniyang pisngi. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko pero base sa reaction niya at ibang bumibili, mukhang nakuha nga niya ang ayos na gusto ko.
"Look at yourself. You look like Ms.Seila, batang version. Oha! Pak ganda," nanlaki lalo ang mga mata ko ng makita ang sarili kong repleksyon. Hindi maalis ang malapad kong mga ngiti.
Ako ba talaga 'to? Ang galing, ibang klase ang nagagawa ng make-up.
"To be honest sis, mas pretty ka pa kay Lyka. Mas mukha ka pang anak ni ms. Seila," intriga pa ng isang bakla habang kinukuhanan ako ng picture.
"Idol na idol ko talaga si Seila, bata pa lang ako. Palagi na kasi siyang pinapanood at idol din siya ng lola ko," nakangiti kong wika, habang hindi maalis ang tingin sa salamin.
"Picture na kayo, for sure kayo ang mananalo. Sana all may vacation trip," sabay pa kaming natawa ni ateng nag-make up sa akin.
"Dalawa ba tayong mananalo?" Tumingala ako para tumingin sa kaniya.
"Oo, magkaiba tayo ng lugar. Sa nag-make up sa Batanes, sa 'yo naman sa Potipot Island. Sis good for 3 din 'yon ha, sasama ko dalawa kong jowa," sabay kurap nito ng maarte.
Ayos din, Potipot Island? Pangarap ko rin mapuntahan ang lugar na 'yon. Sakto, makakapunta kami ni Sunny.
Matapos ang konting chika at picture lumabas na rin ako. Nakakapanibago lang ang tingin ng mga tao, may mga nagpapa-picture pa nga sa akin at napagkakamalan na ako si Seila. Ibang klase pala talaga ang make up, malaki ang mata ko pero naayos nito na parang mga mata ni Seila, malaki rin ito pero patulis at parang mataray na malambing.
Alas-nuwebe na, kanina pang alas-otso ang bukas ng Club Z at kanina pa malamang ang uwian sa Dantilia, kaya sigurado akong walang taga doon ang makakakita sa akin. Pinatay ko ang cellphone ko para walang istorbo, si Orwa kaya? Malamang umuwi na siya.
Ano kayang naging ganap nila kanina? Naiisip ko pa lang kung paano mainis si Mayora natutuwa na ako. Bahala sila, kapag nalasing ako mamaya hindi ako papasok bukas. Pakialam ko rin ba sa kanila? Kung umasta akala mo silang nagbibigay ng buhay sa akin. Ang baba lang naman ng sahod.
Pagpasok ko agad bumungad ang malilikot at nagsasayawang ilaw na may iba't ibang kulay, kasabay ng nakakabinging tugtugin.
Sumingkit ang mga mata ko at agad nagtungo sa isang sulok. Inilapag ko ang backpack ko at sumandal sa malambot n sofa. Maya-maya pa ay may lumapit na sa aking waiter, nakasuot ito ng kulay blue na polo at may ribon sa leeg.
Hindi ko na kinuha ang inabot niyang menu, sa halip sinabi ko na kaagad ang order ko.
"Red horse stallion, isang bucket at sisig!" Sigaw ko dito. Mukhang nagulat siya sa order ko kaya inulit niya ulit ito, pero kagaya ng una niyang narinig, red horse nga ang gusto ko.
Ayoko ng patagalin pa sa mga pangmahihinang inumin, anong gusto niya sanmiig light? Sanmig apple? Ano ako bata? Gusto ko hard na kaagad, bakit kasi wala silang empre.
Sumasabay ako sa indak ng tugtugin, hindi pa ako umiinom pero lasing na ako sa ilaw at sa likot ng mga taong nagsasayaw sa harapan.
Mukha akong pakawala sa gingawa ko, pero ito ang gusto ko. Gusto kong maging malaya sa lungkot, hindi naman ako perpektong babae. Umiinom ako, at gusto-gusto ito ng katawan ko sa tuwing nalulunod ako aa lungkot at stress. Naiiba nga lang ngayon, mag-isa ako, hindi katulad noon. Palaging gimik sa birthday ng mga operator.
Natuwa ako ng bumungad sa harapan ko ang nagyeyelong red horse, agad naglaway ang bagang ko ng buksan ko ito. Walang palogoy-ligoy at tinungga ko. Wala akong pakialam sa mga nakakakita sa akin, basta ito ang gusto ko at nasa club ako. Lahat kami alak at saya ang gusto, mag-isang nga lang ko.
Sunod-sunod at walang paawat kong diniretsyo ang apat na bote, sobrang tamis nito sa panlasa ko at gusto ko pa ng mas marami.
Umiikot na ang paningin ko ng maubos ko ang pang-anim na bote, pero nakulangan pa ako.
Nag-iinit ang katawan ko, mas lalong gumaganda ang tunong ng paligid, Ang tawanan at ang ingay. Para silang mga musikang maganda sa pandinig.
Para akong nawawala sa sarili, gusto kong sumayaw sa gitna at magwala. Gusto kong kalimutan ang sarili ko.
Bakit muli akong nakakaramdam ng pag-iisa? Bakit muli kong nararamdaman ang pangungilila, hindi ba ako kamahal-mahal? Bakit ako iniwan ng tatay ko? Hindi ba ako katanggap-tanggap? Bakit si Orwa? Siya na nga lang ang akala kong makakasama ko napipilitan pa, hindi ba ako kapili-pili?
May mali ba sa akin? Sobrang dami ko bang pagkukulang? Bakit sa trabaho ko? Hindi ba ako magaling? Hindi ba ako pwedeng maging masaya?
Hindi ko ba deserve mahalin?
Ano lang ako sa mundo? Pandagdag sa mga magbabayad ng buwis?
Humihikbi at ramdam ko na ang pagtulo ng nga luha ko ng biglang may magbaba ng isa pang bucket sa harapan ko.
"Can we join?" Naningkit ang mga mata kong tumingin sa tatlong lalaki. Hindi ko gaanong matanaw o makuhanan dahil sa iilang pagtama lang sa mga mukha nila ng ilaw, umiikot na rin ang paningin ko.
"Sure, tatlo lang ba kayo? Tapos isang bucket? Hihina niyo pala eh," suray-suray na turo ko sa kanila. Nagkatinginan sila at sabay-sabay natawa.
"Ilan ba kaya mo?" Hamon pa ng isa habang umuupo.
"Kahit pa sampu," sabay lahad ko ng mga daliri ko.
"Ayos pala 'to, kaya ang sampu. Gusto mo bang ngayon pa lang umisa na tayo?" Pilyong wika ng isang lalaki at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko.
"Shige ba, buksan niyo na 'yang isha. Sha akin 'yan," sinisinok kong turo sa isang bote.
"Sa 'yo talaga 'to, para sa 'yo lang," malumanay ngunit nagbigay ng kakaibang pakiramdam ang boses na ito. Dahil sa kagustuhan kong magpakalunod sa alak ay kinuha ko ito at niagok ng walang babaan. Rinig ko naman ang hiyawan at tuwa ng tatlo.
"Good girl, maya-maya lang nasa langit ka na," napausog pa ako ng igapang nito ang kaniyang kamay sa balikat ko habang nakakagat sa kaniyang labi.
"Langit? Patay na ako?" Wala sa sarili kong tanong.
Unti-unti ng nanlalabo ang paligid, ang mga ilaw ay mas lalong nagbibigay ng hilo sa akin, maging ang ingay sa paligid ay unti-unti ng humihina.
"Oo, papatayin ka namin sa sarap," mabilis nanindig ang balahibo ko matapos nitong bumulong, kahit nahihilo ay amoy na amoy ko ang alak sa hininga nito.
"Sorry, I think I'm drunk na. Uuwi na ako," paalam ko, pero agad akong napakapit sa braso niya ng mahilo at nahirapan akong tumayo.
"Tara, umuwi na tayo. Maglalaro pa tayo ng langit lupa," alalay ng isa pang lalaki. Gusto ko silang itulak palayo pero nanghihina ako.
Hindi naman ako ganito ka grabe kanina, isang dagdag na alak lang naman ang ininom ko.
"A-anong nilagay n-niyo sa...sa alak?" Kahit putol-putol ay nagawa ko itong itanong habang pilit ko silang itinutulak. Pero hindi ko magawa, nanghihina ako at tatlo pa sila.
"Wag ka ng mag-isip. Relax ka lang, mapapagod ka samin mamaya," sabay tawa ng isa.
Lutang at wala ako sa sariling akay nila. Nawala na ang mga makukulay na ilaw at ang ingay ng paligid. Wala na rin akong matanaw kung hindi ang iilang mga sasakyan. Sa palagay ko ay nailas na nila ako sa Club Z.
"s**t! Magagamit na rin natin bago kong camera. Naiisip ko pa lang naglalaway na ako," manyak na wika ng lalaki.
"B-bitawan niyo ko..." panghihina at pilit kong tulak sa kanila. Pero hindi ako makawala, sobrang higpit ng hawak nila.
"Sabi kong relax ka lang, mamaya pa tayo maglalaro. Mapapagod ka mamaya, kaya 'wag ka ng magulo," sabay himas nito sa buhok ko.
Gusto kong magsalita, gusto ko silang suntukin, gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Lutang ang utak ko at hindi makapag-isip ng maayos. Pero isang pangalan lang ang patuloy kong binabanggit sa isip.
Si Orwa, sana lang naririnig niya ngayon ang desperada kong paghingi ng tulong.
"B-bitawan niyo sinabi ako..." Pagpupumilas ko nang pilit nila kong ipinapasok sa loob.
Wala man sa matinong pag-iisip alam kong mapapahamak ako sa kamay ng mga 'to. Gusto ko lang namang mag-inom at makalimot kahit papaano. Pero hindi ko sinabing gusto kong gamitin ng mga manyak na 'to.
"Sig–"
"Bitawan niyo siya!" Nanlaki ang mga mata ko at mabilis nanindig ang balahibo matapos marinig ang boses na 'yon. Mabilis rumagasa ang mga luha ko at mariin na napapikit.
Salamat, Orwa.
"Angas nitong gago na to! Sino ka ba?" Napabitaw ang isang lalaki kaya agad akong napaupo. Maging ang isa pa ay bumitaw sa akin para lumapit kay Orwa.
Nanlalabo ang paningin ko pero pilit ko silang tiningnan mula sa pagkakaupo ko sa semento.
"Mukha namang iisa lang din ang gusto natin, bakit hindi na lang tayong apat ang paglaruan siya?" Maangas na wika ng isang lalaki.
Nakapalibot silang tatlo kay Orwa, habang ito at nakatayo at deretsyong nakatingin sa akin. Gusto kong umiwas sa mga mata niya pero hindi ko nagawa, daig ko pang kinokonsensya ng mga tingin niya.
"4 in 1? Much better," halakhak ng lalaki at agad itong binalingan ng matatalim na mata ni Orwa, natanaw ko naman ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Bakit parang ibang Orwa ang nakikita ko? Para siyang may ibang katauhan.
"Umalis na kayo," malumanay na utos ni Orwa, pero hindi natinag sa mga tingin nito ang tatlong lalaki. Sa halip mas lalo pa silang nagtawanan.
"Loko ka rin, eh no? Ikaw na nga lang hahatian namin sa pagkain. Gusto mo pang solohin? Pare, mamitas ka na lang ng ibang prutas sa loob," wika ng isang lalaki sabay hawak nito sa balikat niya.
"Sa.amin.siya," diing sambit ng isa pang lalaki.
Napahawak si Orwa sa kaniyang panga at marahang pinatunog ang kaniyang leeg.
"Sa lahat ng ayoko may umaangkin ng pag-aari ko," mariing saad nito at walang anu-ano ay sinunggaban ng isang malakas at buong pwersang suntok ang lalaki. Napapikit pa ako matapos marinig ang paglagutok ng panga nito, sa pakiramdam ko pati ngipin nito ay natanggal.
Masyadong mabilis ang pangyayari maging ang dalawa ay hindi nakaporma, dahil magugulat pa lang sila nasuntok na sila. Tig-iisang suntok lang pero agad na bumulagta ang tatlo. Mukhang hindi kontento dito si Orwa dahil sa panginginig ng kaniyang kamao at mabibigat nitong paghinga.
Napatungkod ako ng kamay ng mas lalong nanlalabo ang paningin ko.
"Mahal," agad nitong salo ng tuluyang bumagsak ang mga talukap ko.
Sobrang sakit ng ulo ko, sobrang sakit ng dibdib ko, sobrang takot ako. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ngayong andito siya, lahat ng takot ko nawala?
Nakakaramdam ako ng pagiging ligtas sa tabi niya. Kahit pa alam kong hindi niya ako mahal, kahit pa alam kong iiwan niya rin ako, kahit pa alam kong sa dulo ako pa rin mag-isa. Bakit hindi ko siya magawang ipagtulakan palayo?
Totoo na ba 'tong nararamdaman ko para sa isang taong hindi naman ako totoong mahal?
Normal ba 'to sa nagmamahal?
O normal ito sa nagpapaka-tanga?