Nagising ako sa ingay na nagmula sa alarm clock ko. Itinaob ko pa ito pero hindi pa rin bumabangon. Nakatulog pala ako kakaiyak, masakit pa rin sa dibdib. Hindi ako ganito dati, ayoko ng ganitong pakiramdam. Kapag ganito ako, parang pakiramdam ko nilalamon ako ng matinding kalungkutan na kahit na anong pilit kong takasan ay hindi ko magawa. ANg hirap ng ganito. Bakit ba kailangan pang makaramdam ng ganitong klase ng sakit?
Para akong tamad na tamad pero wala pa akong ginagawa. Gusto kong sumigaw pero hindi kaya ng lakas ko. Gusto kong matulog hanggang sa maging ayos ang pakiramdam ko. Hindi ko na alamkung ano pa nga ba ang tamang paliwanag sa nararamdaman ko. Kung may tama pa bang paliwanag.
Hindi ko alam kung anong drama ko, pero gusto ko lang mapag-isa. Ayaw kong pumasok ngayon, tamad na tamad ang katawan ko. Ayaw kong tumayo, ayaw kong maglakad, ayaw kong kumain, ayaw ko munang gumising. lahat na lang ng aayawan sa buhay nararamdaman ko na ngayon. Baliw na nga ata ako.
Nakakaramdam ako nang pagod'; pagod sa pagiging ako at sa sarili ko mismo.
Masayahin ako, masaya ako dapat. Masaya naman akong mag-isa, kung hindi lang sana siya dumating at ginulo iyon. Kung hindi ko lang din sana sinanay ang sarili ko sa alam kong pansamantala lang naman na dumating sa akin. Bakit sa daming kasiyahan ko sabuhay, isang kalungkutan lang ang dumating,nabago na itong lahat? Ganito ba nakakabaliw ang epekto ng pag-ibig? Nahihirapan akong ipaliwanag sa sarili ko kung ano ba ang tama at mali sa mga desisyon ko sa buhay. Pati ba naman damdamin ko kailangan ko pang problemahin.
"Mahal." Muli akong napapikit at pilit na magpapanggap matulog. Ganito na lang ba ang gagawin ko? Magpapanggap palagi? Ang drama ko na masyado.
"Gumising ka na, baka mahuli pa tayo sa trabaho." Pilit nitong iikot ako paharap sa kaniya, pero nagmamatigas ako. Bahala siya sa buhay niya.
"Tama pa rin ba 'tong ginagawa natin?" tanong kong nagpasikip muli ng dibdib ko. Hindi na dapat ako magsasalita, pero hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ba ako nagsalita.
"Anong tinutukoy mo?" Walang muwang nitong tanong.
"Lumabas ka na, mag-aayos na ako." Tamad kong utos sa kaniya. Hindi na siya nagsalita pa, hinagod lang nito ang buhok ko. Napadilat ako matapos marinig ang pagsara ng pinto.
Tamad akong nagtungo sa banyo. Nagbukas ng gripo at muling tumitig sa tubig.
Ganito ako noon, ang normal kong buhay. Aalis ng bahay mag-isa at uuwi ng nag-iisa. Pero nabago 'yon simula noong dumating si Orwa.
Ang bilis ko naman atang nahulog sa kaniya? Ganito ba kapag sobrang tagal mong naging mag-isa? Kapag may dumating para alagaan ka, bibigay ka na kaagad?
Ang hina pala ng pondasyon na nagawa ko.
Pero ano na bang dapat kong gawin? Makipaghiwalay sa kaniya? Ibalik ang orchid heart? O alamin ang totoo niyang mission sa akin?
Anong kinalaman ng orchid petal sa likod niya?
Ilang saglit na pakikipagtitigan sa tubig. Wala akong gana maligo, kaya half bath lang ang ginawa ko. Baka lalong sumakit ulo ko kapag naligo ako, ilang oras lang ang tulog ko at sobrang sakit pa ng ulo ko. Parang may pumipitik.
Matapos nito at nagsuot na ako ng uniform, ayoko talagang pumasok. Tinatamad ako, kahit pa bigyan nila ako ng memo wala akong pakialam. Pero kapag nag-stay ako sa bahay baka lalo lang ako mabaliw kakaisip. Sana may mag-aya ng walwalan mamaya sa line.
"Good morning mahal," agad akong napaiwas ng tangka nito akong halikan. Agad kong hinila ang upuan at umupo.
"Bakit nagluto ka pa? Hindi ka na sana nag-abala pa," tamad kong tanong habang nagsasandok.
Inagaw niya naman ito at siya na ang nagpatuloy. "Baka kasi magutom ka, may trabaho pa tayo," tumitig ako sa mukha nito habang ginagawa niya ang pag-aalaga na 'to.
Sino ka ba talaga Orwa? Ano ba talagang dahilan mo? Bakit sa akin ka lumapit?
"Ayan, nakatitig ka na naman sa akin. Ako ba ang gusto mong almusalin?" Napairap ako at ngumisi.
Bwisit! Nasa gitna na ako ng pagda-drama ko, eeksena na naman ang pagiging wild ng utak ko. Jusme! Almusalin kita? Tch! Bakit hindi ka pa kasi humiga sa lamesa kanina pa, edi sana nakalimutan ko na atraso mo.
"Ang cute mo talaga, ang inosente ng mukha mo pero sobrang wild ng imagination," pinyo nitong biro. Napa-ismid ako at sinimulan nang kumain.
Pasalamat siya, masarap ang pagkain ngayon kung hindi siya na talaga kinain ko.
Haayy! Sunshine, akala ko ba tinatamad ka? Bakit sa ganitong usapan sobrang sigla mo?
Napatigil ako sa pagkain at tumingin kay Orwa. Mukhang napatagal ata ang pagtitig ko sa kaniya, nakahalata at bumawi rin ng tingin.
"Bakit ganiyan mo ako tingnan?" Mabilis along umiwas ng tingin.
"Naisip ko lang 'yong mga petals sa likod mo, hindi ka ba naiirita? Kasi alam mo na, parang may kung ano sa likod mo?" Pilit kong tanong sa kaniya.
"Hindi naman, hayaan mo na lang 'to," napakibit-balikat na lang ako sa sinabi niya. Ano nga bang iniisip ko? Mukhang wala naman siyang balak na sabihin sa akin lahat.
Matapos naming kumain, ako ulit ang naghugas ng plato. May uniform na siya, binigyan na siya ng tatlo, pwede na rin itong pangsalitan.
Tungkol naman sa underwear niya, pinapalitan namin ang ibang hindi niya nagamit. Boxer na lang ata ang kinuha niya, hindi ko napansin dahil nagdadaldalan kami ni Sunny.
"Maha–"
"Wag mo na akong tawaging mahal, sunshine na lang," walang gana kong saad habang isinasara ang pinto.
"Bakit? Ayaw mo ba?" Umirap ako matapos nitong hawakan ko sa braso. Bakit sobrang inosente at parang wala siyang alam? Mga lalaki talaga walang pinag-iba. Maging totoong tao o galing sa kung saan pa.
"Bakit nga pala namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba kagabi? Anong nangyri?" Pilit nitong tanong na hindi ko pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Feeling concern, hindi naman totoo.
"Good morning Sunshine," bati ni lola Remejos na hindi ko binigyan ng pansin. Nagpatay malisya ako, tuloy-tuloy na Naglakad palayo. Tutal hindi naman siya mabait sa akin noon, balik na lang kami sa dati. Walang imikan, ngayon niya ako pinapansin kung kailan may taong nabuhay sa mga tanim niya.
Tahimik at walang imik kaming nakarating sa company. Hindi ako kumapit o himiga manlang sa braso niya, alam kong nagtataka siya pero hindi na ako tinanong.
"Sige, papasok na ako," tipid kong paalam na hindi manlang tumitingin sa kaniya. Nakaramdam ako ng guilty sa ginawa ko, pero para rin naman ito sa sarili ko. Sila nga hindi manlang naawa sa akin, talagang pinattaguan pa nila ako.
Maaga pa, walang buhay at tamad na tamad akong naglakad papasok. Hindi ko alam kung nasaan si Sunny, sa pila na lang kami magkita mamaya.
Lutang at walang pakialam sa paligid akong naglalakad, napahinto lang ako ng biglang may humarang na kamay sa mukha ko. Si Derick, suot ang skyblue uniform nila, sa office siya naka-assign kaya iba ang uniform na suot nila.
"Lalim ng iniisip ah?" Biro nitong sabay sa akin maglakad.
"Kamusta kayo ni Orwa? May bakbakan ba kagabi? Parang puyat ka," dagdag pa nitong biro.
"Loko ka kamo,"
"Okay! Kalma, si Sunny galing ako sa kanila kanina. Sabay sana kami, kaso sumusumpong ang uncler kaya hindi makakapasok ngayon," halos mabali ang leeg ko sa paglingon sa kaniya.
"Totoo? Bakit hindi niya ako tinawagan kanina?" Pag-aalala kong tanong.
"Hindi ko alam, nasa hospital sila ngayon," napahilamos naman ako ng palad ko sa mukha.
Sinasabi ko na nga ba, eh. Ibang klase pa naman siya sumpungin ng ulcer, bakit hindi manlang siya tumawag. Edi sana napuntahan ko siya. Mamayang break time ako aalis, hindi na ako papasok ng hapon. Bahala sila sa buhay nila, pagalitan nila ako. Pupuntahan ko si Sunny.
Natapos ang meeting ng walang pumapasok sa utak ko, kung ipapaulit nga nila sa akin kahit isang salita wala akong matandaan. Nag-aalala ako sa lagay ni Sunny, napapansin ko na kasing nitong mga nakaraang araw lalo siyang pumapayat.
"Sangkalan, ikaw hahawak ng line ni bulol. Apat hawak mo, 'wag kang pabagal-bagal," napairap ako sa hangin matapos itong marinig mula kay Mayora.
Ang lakas ng tama ng mga 'to, apat na line hawak ko? Ano ako robot? Para maging ganoon kabilis? Dito pa nga lang di na ako makausad, mahal na mahal ibang area na halos wala ng gawin ibang QC.
"Lakas naman ng tama ni Mayora, kung pwede lang kitang tulungan," napatingin ako kay ate Jai. Bawal kasi silang tumulong sa pag-inspection ng mga sapatos. Kami ang dapat gawa, double check lang sila kapag nasa pairing na at ready na iakyat sa taas.
Dahil tamad na tamad ako ngayon, sobrang bagal kong mag-inspect. Napansin ko pa ang pagiging aligaga ni sir Tyron, paikot-ikot siya na akala ko ay may problema silang kinakaharap. Maging sila Mayora parang may tinitingnan, wala naman akong pakialam sa kanila.
Oo nga pala, hindi pa ako nakapag-sorry kay sir Tyron.
"Ano ba Sunshine? Para kang patay na lukan! Darating mamaya si sir Sonic, tambak sa line ng palyado mong tropa," agad nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Mayora. Wala ako sa mood ngayon para magtimpi, tapos ganito pa sasabihin niya?
"Mukha bang kaya 'yan matapos? Tingnan mo nga! Sunod-sunod dating ng sapatos sa akin, anong klaseng leader ka? Sa akin mo papatapos 'yan! Tingnan mo mga nasa kabilang area, walang halos ginagawa! Tanginang pamamalakad yan! Bulok parang ngipin mo!" Bulyaw ko dito habang halos mapunit na ang tela nitong old school na ini-inspect ko.
Punong-puno na ako sa pagiging matataas nia.
"Mas magaling ka pa sa amin?! Tingnan mo nga 'yang pag-uugali mo. Akala mo naman kung sino kang magaling! Eh, kayang-kaya ka namang palitan! Palibhasa walang magulang kaya kulang sa aruga!" Sigaw nito sa pagmumukha ko.
Mabibigat ang bitaw ko ng hininga, madiin ang pagkuyom ko sa kamao ko. Nangingit-ngit ang mga ngipin at matalim ang tingin.
"Sunshine, sige na kumalma ka," awat ni ate Jai, pinipilit nitong tanggalin ang pagkuyom ng kamao ko. Pero ang alab ng galit sa puso ko patuloy na nagliliyab lalo na sa nakakalokong ngisi nito.
Alam ko pinagkakaguluhan na kami dito, nakakaagaw kami ng attention ng lahat dahil sa sigawan namin. Pero wala akong pakialam sa kanila. Wala akong makialam kahit sino pang mataas ang dumating. Wala siyang karapatang idamay ang mga magulang ko.
"Ako na bahala makiusap kila Tery para tumulong sa line ni Sunny," malumanay na awat ni ate Jai, pero patuloy ang matalim kong tingin kay Mayora.
"Akala mo kung sinong matapang, ni hindi nga nakapag-aral ng college. Wala kang kayang ipagyabang dito, Sunshine. Kaya ka naming palitan," huling satila nito at agad na umalis kasama si Chilay.
Mga hayop na 'to! Palibhasa nakatungtong kayo ng college, akala niyo kung sino na kayong mapangmataas.
Sana talaga hindi na ako pumasok ngayon. Mga walang kwentang leader!
"Sorry ate Jai," nanghihina kong bulong dito.
"Wala tayong magagawa, mas mataas sila sa atin," kibit-balikat na saad nito.
"Sige na, magtrabaho na lang ulit tayo. Makikiusap na lang ako kila Tery, para tulungan ka," sabay tapik nito sa balikat ko. Napabuntong hininga ako at tumingin sa paligid, kakaibang eksena pala ang ginawa ko kanina. Malamang, tampulan ako ng chismis dito.
"Grabe talaga 'yang leader niyo, akala mo kung sino ring magaling. Kapit lang naman sa mataas, pero hayaan mo na lang," sabat pa ng line leader. Muli akong bumalik sa pag-inspection ng mga sapatos.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung tama 'tong ginagawa ko. Basta pinipirmahan ko at ipinapasok ko na lang lahat. Kung may NG na babalik bahala sila, para mapagalitan din 'yang mayabang na Mayora na 'yan.
Ang pangit ng araw ko. Bakit kasi pumasok pa ako. Tutal andito mamaya si sir Sonic, bahala silang mangarag sa trabaho. Uuwi ako, pupunta ako kay Sunny o mag-iinom akong mag-isa.
Lahat sila sakit sa ulo, lahat sila dagdag sa stress ko.
Sa kalagitnaan ng pagiging abala ko, biglang kumirot ang dibdib ko. Saglit na pagpitik ito pero mabilis nitong naputol ang paghinga ko. Marahan akong napatigil at napahawak sa dibdib ko.
Siguro sa kakaiyak ko ito kagabi kaya hirap akong huminga. Gusto kong uminom ng tubig pero hindi ako makatayo, kapag hahakbang o mabilis akong gagalaw kumikirot ito.
"Patingin ng report mo," agad akong napatigin kay sir Tyron. Inabot ko naman ang hinahanap niyang report na nakalagay sa clipboard. Tiningnan niya ito at tumingin sa relo niya.
"Mamaya dapat updated pirma ng leader niyo, sabihin mo kay Mayora. Baka makita 'to ni sir Sonic, mapagalitan ka pa," deretsyong saad nito at agad na ibinalik sa akin.
"Sir Tyron, sorry pala sa ginawa ni Orwa," habol kong salita nang paalis na ito.
"Okay na 'yon," mabilis na sagot nito at aligagang umalis.
Sasabihin ko daw kay Mayora? Mukhang wala siyang alam sa naganap kanina. Basta bahala sila, para mapagalitan si Mayora. Uuwi ako mamaya, walang makakapigil sa akin.