Bandang alas-nuwebe na ng gabi kami nakauwi sa bahay. Pagod silang lahat at mukhang talagang nag-enjoy. Hindi ko nakita si ms. Jen, malamang hindi pinayagan ng nanay niya.
"Hay grabe! Ang sakit sa likod," napapikit pa ako sa sarap ng paglapat ng likod ko sa kama. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at ang ingay na dulot ng paglapag ng bag.
Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman kung napalabas na ba si Orwa.
"Nakakapagod, wala naman tayong ginawa," mahina pa akong tumalbog ng bigla itong humiga sa tabi ko. Na natili akong nakapikit pero ramdam ko ang hininga nito sa leeg ko, maya-maya pa ay yumakap ito sa akin.
"Wala naman tayong ginawa kanina, baka naman pwedeng padagdag ng pagod?" Agad sumabog ang kakaibang pakiramdam at kilabot sa katawan ko matapos nitong bumulong.
Napabalikwas ako ng tayo. "Baliw ka!" Sabay yakap ko sa sarili ko.
Napangisi naman siya at umupo, sumingkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Baliwin mo pa ko lalo," sabay kagat nito sa kaniyang labi.
Agad kong nanigas at nawala sa wisyo matapos ako nitong hilahin at ihiga sa kama.
"Orwa!" Sita ko pa dito pero parang wala siya sa sariling nakatitig sa akin. Napalunok ako dahil sa pakiramdam ng panunuyo ng lalamunan, hindi pa rin niya inalis ang mga mapang-akit niyang tingin. Pumatong siya sa akin at mariin akong hinalikan.
"Owww..." inda ko matapos niyang higitin at mariin na hawakan ang bewang ko.
Napapikit ako sa patuloy nitong pag-angkin sa labi ko, madiin ngunit may alalay. Maging ako ay tuluyan ng nawawala sa sarili, lalo na sa mga sandaling lalo niyang idinidiin ang halik. Pati ako ay tuluyang nagpapalunod at tila nagpapadarang sa maiinit at mapupusok nitong halik.
Halik na punong-puno ng emosyon...at temtasyon.
Tuluyan kaming nagbitaw at tila hingal na hingal sa paghabol ng hininga. Bumaba ang mukha niya sa tainga ko at bumulong.
"Goodnight," malumanay ngunit mabibigat ang hininga niyang binitawan ang mga salitang ito.
Tumungkod siya at tumayo, inalalayan niya rin ako para makaupo. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ito, pero para akong lutang at tila may hinahanap ang pawis kong katawan. Mabibigat ang paghinga ko habang tutok sa mukha ni Orwa.
"Matulog ka na mahal, maaga pa ang pasok bukas," napaiwas ako ng tingin matapos nitong humalik sa noo ko.
Tulala at wala sa sarili kong sinundan ito palabas ng kwarto, huminto pa siya at ngumiti bago tuluyang isinara ang pinto.
Napahawak ako sa labi ko at muling naalala ang halik ni Orwa, madiin iyon at talagang nagbibigay ng kakaibang temtasyon. Kung ako nadala ng mga halik na iyon, imposibleng hindin siya. Pero bakit hindi niya itinuloy?
Nasa iisang bahay kami, kung tutuusin kayang-kaya niyang abusuhin ang kahinaan ko. Pero patuloy siyang nagpipigil.
Alas-onse na pero patuloy akong nakatitig sa kulay puting kisame. Patuloy na tumatakbo sa utak ko ang iba't ibang bagay.
"Haaayyy! Nakakainis talaga!" Mariin akong napapikit at piniig ang ulo sa malambot kong unan.
"Ano naman ba kasing iniisip mo Sunshine," bulong ko sa sarili. Kung pwede ko lang kausapin ang kisame, ang unan o ang pader humingi na ako sa kanila ng payo. Pero baka batukan lang nila ako.
Maaga pa ang pasok namin bukas, mukhang puyat na naman ako nito. Anong oras na, kailangan ko ng matulog.
Umupo ako at ginulo ang buhok.
May nabasa ako na mabilis nakakatulog kapag umiinom ng tubig. Baka kailangan ko lang talaga uminom ng tubig.
Tumayo ako at agad nagtungo papunta sa kusina. Patay na ang ilaw kaya hindi ko na binuksan, ginamit ko na lang ang ilaw ng ref.
Hindi naman ako matatakutin dahil matagal na akong nakatira dito mag-isa.
Napakunot pa ang noo ko ng ang laman ng ref. Saan naman galing ang mga pagkain dito? Wala naman akong binili, wala namang pera si Orwa. Ang naaalala ko lang puro tubig laman nito. Bakit ngayon may mga karne na? Saan galing to? Kay lola Remejos ba? Pero bakit niya ako bibigyan nito?
Ilang saglit pa ay humikab ako. Umunat-unat pa ako matapos isara ang ref. Mukhang pwede na akong matulog ngayon. 'Wag ko na lang isipin si Orwa o mga kamanyakan na tumatakbo sa utak ko, jusme! Kababaeng tao ko ang manyak ko.
Papasok na ako sa kwarto matapos makarinig ng isang usapan. Bulungan iyon kaya hindi ko masyadong maintindihan, pero alam kong may nag-uusap sa labas.
Luminga-linga pa ako bago nagtungo sa bintana, inuwang ko ng kaunti ang bintang at tinanaw ang mga naroon.
"Anong pinag-uusapan nila?" Bulong ko sa sarili.
Si lola Remejos at Orwa magkausap ng ganitong oras? Pero anong pinag-uusapan nila? Mukhang seryoso ang mga mukha nila. Lumapit pa ako para kahit papaano ay marinig ang usapan nila. Dakilang chismosa ako kaya hindi ako mapapakali kung hindi ko malalaman ang latest trend.
"Sigurado ka ba?" Gulat na tanong ni lola Remejos.
"Opo, pero ang ipinagtataka ko. Noong mahulog ang isa sa mga nasa likod ko, hindi ito naging kulay puti. Na natili itong kulay pula," sagot pa ni Orwa. Kumunot ang noo ko habang nakikinig sa kanila. Nakakangalay ang pwesto ko pero hindi ko gustong makaligtaan ang usapan nila.
"May iba pa bang nalagas?" Tanong pa ulit ni lola Remejos.
"Wala pa, wala pa naman po akong natutupad sa mga nakasulat doon," sagot ni Orwa.
Taena! Anong pinag-uusapan nila? Anong sulat? Anong natupad? Ano 'yon? Lalo lang ata akong hindi makakatulog sa ginagawa ko. Ano bang pinag-uusapan nila? Tungkol ba sa akin? Sa mission ni Orwa?
"Kung nalagas iyon ng hindi naging kulay puti, ang ibig sabihin. Hindi totoo ang pagmamahal mo para kay Sunshine?" Parang may kung anong sumabog sa utak ko ng mga sandaling marinig ko iyon. Aaminin ko, nakaramdam ako ng kirot sa puso. Daig ko pang tinatahi ito ng mano-mano.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Orwa. Alam kong masasaktan lang ako, bago pa tuluyang bumagsak ang luha ko ay nakarating na ako sa kwarto.
Dali-dali akong nagtalukbong at hindi na napigil ang pag-agos ng mga luha. Wala akong iniwang tunog, kinimkim at pinilit kong itago ito sa puso ko. Patuloy umaagos ang mga luha ko na pilit pinigil ng naninikip kong dibdib.
Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko, para akong namatayan ng higit sampung beses. Sobrang sakit, para akong sinasaksak ng paulit-ulit.
Sabagay, ano nga bang aasahan ko? Bakit nga naman niya ako mamahalin ng totoo? Eh, hawak ko lang naman ang orchid heart kaya sa akin siya nakasunod. Pero ang totoo, hindi ako ang kamahal-mahal.
Sa huli, ako pa rin pala ang maiiwan mag-isa.
Mag-isa, katulad ng nakasanayan ko.
Dapat lang, dapat hindi ako nasanay sa kaniya. Hindi ako dapat dumipende sa klase ng pag-aalaga niya, wala naman talagang ibang magmamahal sa akin. Kung hindi ako, sarili ko lang ang meroon ako at hindi ako iiwan.