“Anong oras ba daratng sina Rick at Sunny?” tanong ko ka Orwa. “Hindi ko rin alam, ang sabi lang nila kapag galing nila sa nanay ni Rick. Mamaya pa 'yang tanghaliaan siguro,” sagot niya. Tumango lang ako at hindi na nagsalita pang muli. Nagsisimula na siyang magluto ng pansit ngayon, habang ako hinihimay ang mga wrapper para sa lumpia. Ang sabi ko nga kay Orwa, kapag naluto na ito padalhan na kaagad niya si Lola Remejos, para hindi naman nakakahiya. Nagpapahinga rin pala ang matanda dahil sumama raw ang pakiramdam kagabi. Andoon din ang anak niya, umuwi galing sa Manila, kaya sabi ko na ayaw ko na rin silang istorbohin. Minsan na nga lang niya makakasama ang anak niya, ako pa ang aalagaan niya. Syempre kailangan din siya ng anak niya, alam ko ang pakiramdam na ganoon, lalo pa at isa

