Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang tumama sa akin ang sinag ng araw. Umiwas pa ako upang umupo. “Mahak?” tawag ko kay Orwa, pero wala siya sa tabi ko. Napansin ko ring bukas ang pinto ng kwarto ko. Malamang ay nagluluto siya ngayn at gusto niyang bantayan pa rin ako kahit na nasa labas siya. Dahil mataas na rin ang sikat ng araw, marahan akong tmay upang lumabas ng kwarto. Mula roon ay natanaw ko ang kusina, may ingay rin na nagmumula roon na tila ba may naghihiwa ng gulay o ano mang pagkain. Bago ako lumakad doon ay inilabas ko ang matamis kong ngiti. Gumising ako ngayong maga at salamat sa Diyos. May bagong umaga na naman akong iisipin ang mga katanungan sa utak ko. Bagong umaga na ituturing kong pag-asa. Hindi niya pa ako kinukuha, baka hindi pa ako ganoon kabait ka

