Hindi ko alam kung may magic ba ang ginawa sa akin ni Madam Deborah, kagabi, may kung ano sa katawan ko na bigla na lang din gumaan. Hindi naman ganoon kagaaan, pero hindi na mabigat katulad kahapon na simula gumisig ako ay hindi na ako nakabangon sa kinahihigaan ko.Na mukhang may pinapahiwatig sa akin lalo ang mga gawin na ganito. Na mukha nga ata talaga na makakaya ko na makita ang tatay ko at si Orwa. Sana nga ay tuparin ni Madam Deborah ang pinangako niya sa akin na makikita ko na si Orwa na magagawa ko na ring makilala ang tatay ko. Sa mga oras na ito kasi ito lang naman din talaga ang nais ko. Kaya nga siguro naging maaayos na rin kahit na saglit ang pakiramdam ko. “Sigurado ka ba na maayos ka na?” tanong ni Madam Deborah matapos niyang iabot sa akin ang tubig at ang gamot na pina

