Chapter 5

2554 Words
Hindi na ako kumibo, nagmadali na akong lumakad na sinundan ni Orwa. Susmaryosep! Ibig bang sabihin kapag may nakakita sa amin at nalaman na mag-jowa kami ganoon ang iisipin nila? Maliit na babae lang ako at ang jowa ko ganito kalaki ang katawan? Juskodai! Baka iniisip ng mga ito na kawawa ako palagi. "Dito ka mahal." Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Orwa habang patawid kami. Napalunok ako ng laway dahil kanina pa tuyo ang lalamunan ko. Nakaakbay siya sa akin habang nag-aabang kami ng jeep. First time namin lumabas ngayon, para kaming mag-jowa talaga o mag-asawa. Parang ang tagal na namin 'tong ginagawa. Napalingon ako sa gilid at napansin ko ang reaction ng mga babaeng nakatayo roon. Halos pag-chismisan na nila ako ng harap-harapan. Ang judgmental ng mga ito, para may mga binubuong senaryo sa utak. Jusme! Utak talaga ng mga tao. "Anong oras break time ninyo mamaya, mahal?" Tumingala ako para makita siya. "12:30, pero hindi tayo makakapagsabay. Sa pagpasok at uwian lang tayo magkikita," sagot ko pa rito. Actually hindi pa nga ako sure kung makakapasok ba siya sa trabaho, wala siyang kahit anong requirements. Tanging sarili niya lang ang bitbit. Sana lang mapakiusapan ko ang manager nila para kahit papaano ay may trabaho siya. Masipag naman 'tong si Orwa, malaki pa ang katawan, kaya panigurado akong kaniya niya ang trabaho na mapupunta sa kaniya. Dahil maaga kaming makaalis ng bahay maluwag ang jeep na nasakyan namin. Hindi na ako uupo ng kalahating puwit lang. Wala ring babaeng nagpapakain ng buhok na amoy labahin. Nakakakapit ako sa braso ni Orwa habang magka-holding hands kami. Noon, sobrang bitter ako sa mga mag-jowa na gumagawa nito, nandidiri ako sa sobrang cliche nila. Pero tingnan mo ako ngayon, ganito ang ginagawa. Kaya naman pala todo kapit sila sa jowa nila kapag nasa jeep, masarap pala talagang sumandal sa braso. Ngayon naintindihan ko na sila, single kasi ako noon, kaya bitter pa ako. Hindi ko inakala na gagawin ko rin sa public ang mga kinaiinisan ko noon. Pakialam ko ba sa mga 'to? Kung sino mang naiinis sa amin, malamang walang jowa. "Omg! Ang pogi no?" Napatingin pa ako sa babaeng nasa harapan namin. Tatlo silang magkakaibigan at parang mga kinikiliti ang kepay nila habang nakatingin kay Orwa. Umayos ako ng upo at tumingin kay Orwa, na seryosong nakatingin sa labas. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti ito at inayos ang nakaharang na buhok sa mukha ko. "I love you, mahal," matamis nitong saad. Sumilay ang maganda niyang ngiti na alam kong para lang sa akin. "I love you too, mahal," masaya at may kalakasan kong sambit para marinig ng mga kaharap namin. Sinadya ko talaga ito, para matigil sila at mainggit. Bakit ba? First time ko ito, kaya wala silang pakialam sa gusto ko. Gusto nila humanap din sila ng kalandian nila sa jeep. Muli akong umayos nang upo, sumandal pa ako sa balikat niya at nag-inarte. Syempre, gandang-ganda ako sa sarili ko. I-push ko na ito, may gwapo akong jowa. "Arte-arte, wala namang dede," mabilis nag-init ang ulo ko sa panunutya ng babaeng makapal at hindi pantay ang kilay. Kung p'wede lang akong manampal ng hayop, sinampal ko na itong aso na 'to. "Mehel, pereng masheket ang ulo ko," pag-iinarte ko at tumingala kay Orwa. Napahawak pa ako sa sintido ko. "Kulang ka siguro sa tulog, mamaya maaga na tayong matutulog," saad nito habang hinihilot ang sintido ko. Muli akong tumingin sa tatlong babaeng mukhang asong may kilay. Napa-ismid pa sila habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Orwa, tinaasan ko sila ng kilay at muling umarte. Akala nila, ha. Wala man akong dede, may Orwa naman ako. Duh! Kaya pa naman niya itong palakihin pa. May katagalan ang byahe, matapos naming makarating sa Dantilia Shoe Manufacturing, agad kong sinamahan si Orwa sa canteen. Maaga pa kaya pwede pang mamaya ako pumasok sa loob ng production. Wala rin naman akong gagawin doon kapag maaga ako, baka antukin lang ako sa Cr ako tumambay at matulog. Habang papasok kami sa canteen, nakita ko sina Mayora at ang tatlong bibe. Si bibe-g na malapad, bibe-gwasan mo dahil sa baho ng hininga at si bibe-gyan ka ng libreng talsik na laway. Silang apat lang naman ang kalahi ni ms. Jen na parang mga tagapagmana ng kumpanyang ito. Daig pa nilang may malaking shares, pero may mataas lang naman ng ilang piso ang sahod sa amin. Lalo pa akong kumapit sa braso ni Orwa habang lumalakad kami pagpas sa kaniya. Itinaas ko pa ang isa kong balikat para ipakitang mas maganda ako sa kanila. Well, matagal na akong mas maganda sa kanila. "Kung makukuha ka sa trabaho mahal, palagi na tayong sabay papasok," wika ko pa habang inaantay ko ang manager nila. "Ayos, pagtapos nitong sabay tayong papasok, sabay naman tayong lalabasan." Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya. Pabulong ito kaya muling nanindig ang balahibo ko. Mukhang humihiwalay na naman ang kaluluwa dahil sa mga binibitawan nitong salita. Jusme! Delikado ka talaga, Sunshine. Ubos lakas mo, baka lalo akong pumayat nito. Baka maglagas-lagas na talaga ang katawan ko. Mukhang hindi kasi nagdadahan-dahan 'to. "Umayos ka nga!" Sabay tulak ko rito at mahinang pinalo ang braso niya. Kaloka! "Sorry na, ito naman," natatawang saad nito at pinisil ang ilong ko. "Ang ganda mo kasi, lalo na kapagnag-iisip ka ng kakaibang bagay." Kindat nito. Umirap ako pero sa totoo lang ay kinikilig na ang malandi kong kaluluwa. Heto na naman ang pagiging maharot ko, nasa labas kami ngayon, kaya todo ang pagtitumpi ko, kailangan kong ipakita ang pagiging dalagang Pilipina ko. Ilang saglit pa ay dumating na ang isang babaeng may katandaan na rin. Mukhang ito na ang manager. Isinama ko si Orwa palapit dito. "Hello, good morning po. Narinig ko kasing may hiring kayo rito. Siya po si Orwa," pagpapakilala ko rito, inayos naman nito ang kaniyang salamin at tumango-tango. Tiningnan saglit si Orwa. "Sige, mag-start ka na ngayon," mabilis pero walang emosyon nitong wika. Lumawak ang ngiti ko at tumingin kay Orwa. "Pero mag-hairnet ka," dagdag nito. Seryoso? Gano'n lang kabilis? Hindi manlang siya nanghingi ng requirements? "Wala po siyang requirements, kasi po nasunog noong nak–" "Okay lang, sige na, pumunta ka roon sa babaeng 'yon mamaya, para alam mo ang trabaho mo." Napatingin kami ni Orwa sa tinutukoy niyang babae. Nakasuot ito ng kulay green polo shirt. Sayang, dapat pala green pinasuot ko kay Orwa, para sakto. "Samahan na kita," aya ko rito. Paalis na sana kami sa kinatatayuan namin nang biglaang dumating si Sunny. Umingay lalo ang paligid dahil sa maliit pero matining nitong boses. Parang hindi kami magkasama kagabi kung makatawag sa akin, magkasama rin naman kami hanggang mamaya. "Betty! OMG! Tiya na ba ti Orwa?" Bungad na tanong nito habang nakahawak sa dalawa niyang pisngi. "Kilala mo ako?" Pagtatakang tanong ni Orwa. Napansin ko ang pagsalubong ng makakapal niyang kilay. "Oo naman, ikaw ang jowa ng kaibigan kong ito," taas noo naman akong tumingin kay Orwa. Tutal siya na ang nagsabi na jowa ko siya, bakit hindi ko na lang tanggapin. Ako pa ba aangal? Ganito kagwapo kay Orwa aangal pa ako? "Ako pala ti Tunny," pagpapakilala nito sabay lahad ng kaniyang kamay. "Tunny?" Kunot noong tanong ni Orwa. "Hindi, Tunny. Letter et." Napakagat labi naman ako para magpigil ng tawa. Natatawa ako sa mukha ni Orwa, hindi ko nga pala nasabi sa kaniya na bulol sa letter S si Sunny. Mamaya na lang siguro, natutuwa pa akong tingnan sila. Bahala si Sunny magpaliwanag. "Kaya nga, Tunny Et?" ani Orwa. Halos maputulan ako ng hininga habang nakatitig sa kanilang dalawa. Tawang-tawa talaga ako sa pagmumukha nilang dalawa. Taena! Ganitong-ganito kami noon ni Sunny, akala ko rin noong una na Tunny ang pangalan niya. Ang epic naman kasi, nasaktuhan pa na Sunny ang pangalan niya tapos bulol sa letter S. "Hindi Tunny Et. Tunny but letter et," pilit nito habang isinusulat sa hanging ang pangalan. Wala pa ring idea si Orwa sa sinasabi nito. Nakauwang na ng kaunti ang kaniyang bibig habang salubong ang kilay. Sorry Orwa, natutuwa pa ako sa usapan niyo, kaya hindi ko maisingit ang sasabihin ko. Namumula na siguro ako sa kakapigil ng tawa, ayaw kong maputok ang eksena, kaya papabayaan ko na muna kayo. "Kaya nga, Tunny Et. O baka naman Et Tunny? Huh? Ano ba talagang pangalan mo?" Napakamot pa si Sunny sa kaniyang balikat sa sinabi ni Orwa. Ganito ang kaniyang ginagawa kapag naiinis na siya sa pagpapaliwanag. Mainisin pa naman ito, ayaw niya sa lahat ang maraming paliwanag. "Tunny nga! Tunny! Et-yu-en-en-way. Tunny," halata na sa mukha ni Sunny ang inis. Para siyang minion na kulay red. Kumawala muna ako ng malalim na paghinga, umawat na ako bago pa tuluyang sumabog sa inis ang bulol na ito. Para pa naman itong bulkan, baka sa akin ibunton ang galit niya. "Sunny. Sunny ang pangalan niya." Matawa-tawa kong awat. Halos matae ako sa katatawa. Buti naman at nakaganti ako sa kanila. Nakahawak pa ako sa tiyan ko habang tumatawa. Tanaw ka na naman ang salubong na kilay ni Sunny, inis na naman ito sa akin. Mukhang may regla ang utak niya ngayon. "Sunny? Bakit Tunny ka nang Tunny?" tanong muli ni Orwa. "Ano ka ba? Siya ang tinutukoy kong bulol sa letter S." Huminga pa ako ng malalim at pumameywang. Para akong nakipaghabulan dahil sa pagod. Grabe, walang kupas. Bakit kasi letter S pa ang start ng pangalan niya, tapos bulol pa siya sa S. Kawawang bata naman 'to, pinahirapan mas'yado. "Ahh...Oo naalala ko na, siya ang palagi mong kinukwento sa akin. Ang nag-iisa mong kaibigan." Tumango-tano ako habang nakatingin kay Sunny na nakatulis pa rin ang nguso. "Wag ka na magalit, betty. May dala kaming adobo, favorite mo 'yon hindi ba? Kasi maraming toyo? Parang ikaw?" Niyakap ko pa siya pero agad itong umiwas at lumakad na palabas. Ito na naman ako, feeling jowa niya na tagasuyo. Mukha ngang mas marami pa ang toyo na nasa utak niya, kaysa na adobo na ulam namin. Kaloka! "Sige na, mamayang uwian na lang," paalam ko kay Orwa. Paalis na sana ako ng bigla niya akong hinila at mabilis na hinalikan sa labi. Saglit lang iyon pero halos maglumpasay ako. Taena! First kiss ko 'yon. Sa tagal ng pag-aantay ko ganito lang kabilis? Walang petals? Walang candle? Walang fireworks? Ganito lang? Ganito lang ang first kiss? "Ingat ka mahal, I love you," muli niya akong hinalikan sa labi ng tatlong beses habang binabanggit ang salitang 'I love you'. Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ang warning bell, na malapit ng mag-time. Kailangan ko ng makapunta sa loob, baka ma-late pa ako, ang aga kong nagpunta rito tapos late lang ako. Kahit lutang ay agad akong nagtungo sa locker, naabutan ko si Sunny na feeling gangster na nakasandal sa tabi ng locker ko. Nakahalukipkip ito, suot na ng hairnet at naka-insert na ang uniform. "Nakita ko 'yon," seryosong wika nito. "Apaka-tweet niyo!" Nagulo pa ang hairnet na suot ko matapos nitong maglulundag at inaalog pa ako. Para siyang bulati na nilagyan ng asin. Lakas talaga ng toyo nito, kanina lang parang seryoso, ngayon naman halos magiba ang semento sa sobrang tuwa. May split personality ba siya? Habang tumatagal nagiging weird siya. Natatakot na ako para sa kaniya. "Ano ng ganap kagabi?" Bulong nitong muli. Ito na naman ang kamanyakan niya. Damay na naman ako nito, susmaryosep! Yari na talaga ako nito. Mukhang wala na talaga akong kawala. "Wala pa, pero alam mo bang hindi kasya sa kaniya ang XL?" bulong ko pa habang papasok kami sa building. Mabilis ang lakad namin, magkadikit kami at halatang may pinag-uusapang hindi pwedeng marinig nino man. "Talaga? Edi malaki pala talaga?" Siniko pa ako nito. "Pero teka! Kung hindi ta kaniya katya, anong tuot niya ngayon?" Napatulala naman ako saglit at napaisip sa tanong nito. Oo nga ano? Kung hindi niya 'yon sinuot ngayon, ibig sabihin ay wala siyang breif? Susmaryosep! Ito na namang ang iba't Ibang imahe sa utak ko. Mukhang sira na talaga ang utak ko, mas'yado ng marumi dahil sa mga iniisip nito. Habang naglalakad kami naikwento ko sa kaniya ang ginawa ni Orwa sa akin kanina. Ngayon siya naman ang tawa nang tawa sa iniisip at sa naging ganap. "Nakakatuwa ti Orwa, tana pwede mo tiya itama bukat, no?" Huling salita nito bago kami naghiwalay sa pila. Isang metro ang layo bawat isa sa meeting na ito. Nasa pangalawang linya kami, hindi ako late ngayon kaya dito ako nakapwesto. Angas no? Sila rin nagtataka sa akin, kasi naman sa loob ng dalawang taon ko rito ngayon lang ako pumila sa pangalawang linya. Mukha atang dama na rin nila ang pagbabago. Nag-umpisa nang mangaral si Mayora. Talsik-talsik muli ang laway nito habang magpapaliwanag sa harapan. Patungkol ito sa work performance at sa pagiging mabusisi at mabilis mag-check ng sapatos. Wala siyang masasabi sa area namin, malamang sa kabilang linya siya nagpaparinig. Bakit basi hindi na lang niya iderekta sa mga taong may kasalanan. "Bukas na ang team building natin, aasahan na lahat ay makapunta. Kahit pa may mga hindi tayo magagandang samahan, sana isantabi natin ito, kahit bukas lang," aniya, habang nakatingin sa akin. Tch! Ako pa talaga may problema? Anong pinapalabas ng tingin niya? Na mas ako ang naiinis sa kaniya? Baka mailunod ko lang siya kapag nagpunta kami sa Bataan. "Si sir Tyron." Mabilis ang kalabog ng dibdib ko matapos itong marinig kay ate Jai. Halos mabali ang leeg ko sa sobrang bilis nang lingon ko rito. Lumakad ito papunta sa harapan, bumati pa rito si Mayora bago siya pumila. Umayos ako nang tayo at ngumiti ng malawak, ang gwapo niya kahit mukhang bao ang bago niyang gupit na buhok. Lakas maka-oppa nito. Bowl cut ata ang tawag sa gupit niya. "Good morning team, aasahan ko ang pagpunta ninyong lahat. Para mas lalo pa..." Huminto ito sa pagsasalita at deretsyong tumingin sa akin. "...para mas lalo pa tayong makakilala." Sabay ngiti nito na halos tumunaw sa akin. Naningkit ang mga mata nito at agad na ibinaling ang tingin sa iba pa. Ghad! Totoo ba ang nakita ko? Ngumiti sa akin si Sir Tyron? For real? As in? Panaginip ba o nag-i-imagine na naman ako? "Tir Tyron, pwede po ba magtama? Like atawa, jowa, or ka-fling?" Napatingin at nagtawanan naman ang lahat sa tanong ni Sunny. Itong babaeng ito talaga, kapag may gustong i-push talagang gagawin. "Yah! Why not? Para hindi na rin magduda ang mga asawa niyo o jowa kung hindi kayo makakauwi kaagad." Napapalakpak pa ito sa sinabi ni sir Tyron. Alam ko na ang iniisip nito, natutuwa ito at makakasama namin si Orwa bukas. Well, mukhang ako rin naman matutuwa, may bonding kaming dalawa ng jowa ko. Tumunog ang bell na hudyat na oras na para magtrabaho kami. "Kita mo? G na G na ti Orwa bukat," sabay kiliti nito sa tagiliran ko. "Loko ka," bawi ko rito bago kami tuluyang magtungo sa kaniya-kaniyang p'westo. Ito na naman kami, balik sa dating gawi. Balik sa trabahong paulit-ulit, gawaing walang pagbabago. Kamusta na kaya si Orwa? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Sinong kumakausap sa kaniya? Anong pinag-uusapan nila? Ano ba 'yan! Wala pang isang oras paghihiwalay namin miss na miss ko na siya. Yari na! Mukhang tinatamaan na ako ng todo sa lalaking 'yon. Mukha atang wala na akong kawala sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD