Walang pagbabago. Pinutol ng alarm clock ang maganda kong panaginip.
Tamad na tamad akong nagtungo sa banyo, ilang minutong nakipag-usap sa malamig na tubig. Bagsak ang balikat at antok na antok pa rin ako nang biglang maalala ang kaganapan kagabi.
Mariin akong napapikit at pinukpok ang tabo sa noo. "Bwisit na utak ito!" Mahina kong sambit sa sarili. Nakakainis talaga, dahil sa kaganapan kagabi nakapanaginip ako ng hindi kaaya-aya. Nakakapanindig balahibo na panaginip.
Ano ba 'yan! Bakit kasi hanggang sa panaginip ay pinagnanasaan ko si Orwa? Nakakainis naman kasi ang mga kadugyutan sa utak ko. Si Sunny ang may kasalanan nitong lahat, eh. Kung hindi niya talaga ako sinabihan ng mga ganoong salita hindi tatakbo sa utak ko ang kamanyakan. Kung hindi niya inumpisahan ang biruin ako, edi sana puro at inosente pa rin ang tumatakbo sa utak ko. Bakit ba kasi ganito! Aaaarrhh!
Patuloy kong minumura ang sarili ko habang nagbubuhos ng tubig. Sana lang hindi marinig ni Orwa ang pagmumura ko rito. Baka isipin niyang may kakaiba akong ginagawa sa banyo. Kaloka talaga!
Matapos kong maligo ay ipinulupot ko ang tuwalya sa ulo ko. Nagsuot ng uniform at lumabas na.
Malayo pa lang amoy ko na ang niluluto ni Orwa na adobo. Ang bango talaga, kailan ba ang huling araw na may nagluto sa bahay? Palagi na lang kasing noodles ang niluluto ko. Tutal mag-isa lang ako dito, paminsan naman ay bumibili na lang ako ng lutong ulam na amoy panis, minsan matabang pa. Kaya siguro hindi na ako tumaba, kung hindi UTI abot sa noodles, LBM naman sa mga binibili kong lutong ulam na mukhang pangatlong init na.
"Good morning mahal, kain ka na," hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti habang nakatingin kay Orwa.
Sinong makakapagsabi na may ganitong tao–orchid o ano man ang darating sa buhay ko, na mag-aalaga sa akin? Naranasan ko rin ang may mag-alok sa akin na kumain. Kaya pala ang daming napo-fall kapag inaalok kumain, ganito pala feeling.
"Ano pang hinihintay mo? Kumain ka na, baka ikaw pa kainin ko dyan," pilyo nitong saad habang nakangisi pa.
Nanlamig ang buo kong katawan at napayakap ako sa sarili. Aba! Loko din ito, kakainin niya ako? As in ngayong almusal? Hmpp... pwede naman, bagong ligo ako!
Huy! Ano na naman bang iniisip ko? Ang aga-aga panggabihan na gusto ko. Umayos ka Sunshine, baka madiligan ka nang diniligan mo lang dati. Nababaliw na siguro ako, nagtatalo na naman kami ng konsensya ko.
"Ano na?" Muli lang akong natauhan nang magsalita ito.
"K-kain na." Dali-dali akong lumapit sa lamesa. Nakita ko naman ang pagtawa nito. Loko talaga! Mukhang natutuwa pa sa pagkataranta ko. Nakakaloka! Mukhang hindi lang si Sunny ang palaging mang-aasar sa akin. Mukhang mas malala pa itong si Orwa, kaysa sa inaakala ko.
Nagsimula na kaming magkainan–kumain nang niluto niyang ulam. Masarap siya magluto, ibang klase. Kaya siguro ganitong klase ng lalaki ang binigay sa akin dahil hindi ako marunong magluto.
Malamang sa malamang, kung hindi siya marunong magluto baka kami na lang talaga magkainan. Mauta na ako sa puro talong. Charot! Inusente ako, bawal ang ganitong kaisipan, dapat panatilihin ang pagiging puro ng aking utak.
"May ibinigay nga pala sa akin si lola Remejos na sapatos, nai-kwento ko kasi kagabi na magtatrabaho ako," wika nito habang nagsasalin ng tubig sa baso ko.
"Oo nga pala, mamaya na lang tayo bumili ng bago, kapag out sa work," saad ko matapos kong uminom ng tubig.
Kaunting k'wentuhan habang kumakain kami, nakakatuwa talaga ang ganito. Lalong gumaganda ang araw ko dahil sa kaniya. Nag-kwento ako sa kaniya tungkol sa trabaho, mukhang interesado naman siya sa mga walang k'wenta kong k'wento.
Matapos naming kumain, tumulong ako sa kaniya mag-ayos ng pinagkainan namin. Mukha atang simula ngayon hindi na uso sa akin ang late, simula noong dumating si Orwa palagi na akong maaga pumasok sa trabaho, tapos palagi pang may nakaabang na pagkain kapag gising ko. Hayahay buhay! Para akong isang prinsesa na may poging prince charming.
"Ako na maghuhugas ng plato," prisinta ko sa kaniya. Nakakahiya naman kasi na palagi na lang siyang naghuhugas ng plato, siya na ang naglilinis ng bahay siya pa rin ang nagluluto. Baka isipin nitong pabigat lang ako sa buhay niya.
"Mag-ayos ka na, para mamaya deretsyo pasok na," utos ko pa rito habang sinasalansan ang mga plato.
"Oo nga pala, hindi kasya 'yong breif na binili mo. Nakakasakal." Halos mabitawan ko ang mga plato na hawak ko matapos itong marig mula sa kaniya.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil narinig ko ang pagsara niya ng pinto, malamang pumasok na siya sa kwarto niya.
Susmaryosep! Hindi kasiya sa kaniya ang XL? At nakakasakal pa raw? Bakit siya nasakal? May leeg ba iyon? Sabagay may ulo nga, eh. So may leeg.
"Haay! Ano ba Sunshine!" Mariin kong bulong sa sarili. Nakakainis naman, pwede bang wala munang kung anu-anong kalaswaan sa utak? Nakakahiya na, baka isipin nitong basta lang akong babae. Ganito na ba ako kadespera para mabaliw ng ganito?
Napalunok ako ng laway para lang pakalmahin ang puso kong kanina pa mabilis ang t***k, kakakain ko lang naman sana, pero bakit parang kumukulog ang sikmura ko? Kakaloka!
Matapos kong maghugas ng plato, tinanggal ko na ang tuwalya sa ulo ko at isinabit ito sa likod ng pinto.
Maya-maya pa nakita kong lumabas si Orwa. Napatikom pa ako ng bibig matapos siyang makita suot ang kulay blue na polo shirt at black pants. Parang bumagal din ang oras matapos nitong punasan ng towel ang buhok niyang hockey style. Parang kumikinang ang mga talsik ng tubig, para siyang isang superstar sa paningin ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero para kaming napunta sa isang isla kung saan dalawa lang kaming naroon. Tumatakbo sa puting buhanginan, hinahabol niya ako habang nakasuot ako ng kulay pula na swimsuit at siya naman ay nakaboxer lang at halos hinahabol din ako ng kaniyang maamo ngunit nakakatakot na alaga.
Sa asul na dagat at kalangitan ay masayang nakikisali sa amin. Hanggang sa bigla niya akong naabutan at hinigit sa baywang.
"Huli ka, pinagod mo ako sa bilis mong tumakbo." Hinihingal ngunit masigla nitong saad habang buhat-buhat ako.
"Dahil hiningal mo ako katatakbo mo, panigurado akong isang linggo kang hindi makakalakad sa gagawin ko sa 'yo, mamayang gabi," ngumiti ito na parang nanunukso pa. Ang mga ngiti nito ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Parang may isang klase sa pagkatao ko ang binubuhay nito. Anong tinutukoy mo Orwa? Bakit mamayang gabi pa? Ngayon na lang sana. As in now na!
"Mahal! Oy, ayos ka lang ba?" Muli lang ako natauhan nang pumalakpak ito sa harapan ko. Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala siya.
"H-ha?" Lutang kong tanong dito. Napakunot pa ang noo niya at inayos ang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha.
"Ayos ka lang ba? Bakit parang kanina ka pa tulala?"
"A-ayos lang, p-pero 'wag mo naman akong lumpuhin ng isang linggo, kahit 6 days, okay lang," lutang pa rin ako. Hindi ko alam kung anong itsyura ko ngayon, pero malamang mukha akong sira-ulo.
Napalunok pa ako ng laway matapos niyang matawa. Halos matuyuan ako ng laway matapos makita ang paggalaw ng Adam's apple niya. Shet! Bakit ganito ka Orwa? Tigilan mo na ang pang-aakit sa akin. Marupok ako.
"Tumalikod ka," utos nito habang nakangisi.
"H-ha? Tatalikod ako? N-ngayon na mismo? D-dito sa kusina?" Utal kong tanong. Halos lagutan ako ng hininga matapos nitong tumango. As in? Seryoso na ba siya? Ngayon mismo sa kusina?
"D-dapat ba nakatalikod?" Wala sa sarili kong tanong habang lutang na umiikot patalikod sa kaniya.
Dito niya talaga gagawin? Nakatalikod? Susmaryosep! Lola, sorry na. Mukha atang ito na ang gera at mukhang masasalanta na ang bataan.
"Oowww..." Napakagat pa ako sa ibabang bahagi ng labi ko matapos niya akong hawakan sa baywang.
Nanginginig ang tuhod ko pero pilit akong nagpapakatatag. Pinagpapawisan at mabilis ang kabog ng dibdib, nanunuyo na rin ang lalamunan ko.
"Itungkod mo ang kamay mo rito," halos manginig ako ng hawakan niya ako sa kamay at itinungkod sa lababo. Susmaryosep! Ito na nga talaga 'yon. Wala na 'tong atrasan, mukhang absent ako ngayon, a.
"Relax ka lang mahal, para hindi masakit," mariin akong napapikit matapos niyang bumulong. Nanindig ang balahibo ko dahil sa kiliting dulot nito. "Wag ka masyadong gumalaw para mabilis tayo matapos," dagdag pa nito. Dahil sa sobrang lamig ng boses niya para akong nasa sobrang lamig na lugar at naninigas.
"Relax ka lang ha? Don't worry mahal, I'll be gentle."
Mukhang dito na lang talaga ang pagsasama natin ms.V dahil maangkin ka na ng lalaking ito. Humanda ka lang dahil baka mawarak ka talaga, wala kang insurance.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang paghagod nito sa buhok ko at may hindi katulisang bagay ang dumampi sa ulo ko.
Tangina! Sinusuklayan niya ako?
"Ayan, 'wag ka lang masyadong magalaw, patapos ko nang suklayan ang buhok mo," natatawang sambit nito. Mariin akong napamura sa sarili ko at hinihiling na sana bumukas ang lupa at lamunin ako.
Tangina naman kasi! Bakit pinaganito niya ako ng pwesto kung susuklayan niya lang ako? Akala ko ba mag-chugchagan ka kami rito? Ito lang 'yon? Suklay lang gagawin niya sa akin?
"Tapos na, hindi naman masakit 'di ba?" Natatawang wika nito. Ayokong humarap sa kaniya dahil alam ko na ang iniisip niya. Talagang sinadya niya ito para may pagkatuwaan.
Bakit ba kasi hindi ako nag-iisip? Kung andito lang multo ni lola inuntog na talaga ako dito sa lababo. Boba mo naman kasi Sunshine, bakit kung anu-anong tumatakbo sa utak mo? Talagang sa ganitong position niya pa naisipan akong suklayan? Sa palagay ko tawang-tawa talaga siya sa akin. Nakakainis! Mas malala pa 'to kay Sunny, kung man-trip sa akin. Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat pa ba ako dahil binigyan ako ng boyfriend o baka naman sumpa talaga ito sa akin?
"Tara na, papasok pa tayo sa trabaho. O baka naman hinihintay mong ikaw pasukan ko ngayon?" Biro nito.
Gusto kong magpalamon sa lupa o magpalunod sa lababo sa mga oras na ito. Lalo na sa tuwing naririnig ko ang boses at pagtawa ni Orwa. Nakakabwisit talaga! Bakit kasi ganito ang tumatakbo sa utak ko? Bakit hindi na lang ako naging inusente para hindi magbigay ng kahit na anong meaning? Ganito talaga? Kakaloka!
Hindi ako nakatingin sa kaniya ng deretsyo dahil puno ng pang-aasar ang mukha niya. Ghad! Puro na lang ba talaga kahihiyan ang aabutin ko? Puro na lang ba kamanyakan laman ng utak ko? May kasama lang akong lalaki na ganito kagwapo at kalaki ang ano...katawan, para na akong lutang at timang?
"Good morning lola Remejos," bati ni Orwa, nang mapadaan kami sa bakuran ni Lola Remejos. Napatingin ako kay Lola Remejos na may magandang ngiti, ngayon ko lang nakita na ganito kaaliwalas ang mukha nito. Dahil kasi palagi siyang nakasimangot kapag nakikita ako. Unfair nito. Ang tagal na naming magkapit-bahay, ngayon lang siya naging mabait. Si Orwa lang ata hinihintay nito.
"Morning Sunshine, mukhang pulang-pula ang mukha mo. Pagod ka ba kagabi?" Biro pa nito. Seriously? Si lola Remejos marunong magbiro? Ibang tao na rin ata 'to, saan siya galing? Sa cactus?
"Kanina lang po, bago kami lumabas," biro pa ni Orwa. Agad ko siyang sinuntok sa braso at pinandilatan ng mata.
"Bakit? Enjoy na enjoy ka kayang kumapit sa lababo, ang higpit pa." Sabay gaya nito sa pwesto ko kanina. Kakahiya talaga!
"Mahabaging neptyun! Hirap na hirap ka ba Sunshine? Sa liit ng katawan mo, bilib akong nakaya mo."
Napauwang ang bibig ko at napakunot ang noo. Napahilot pa ako sa sintido ko dahil sa sakit ng ulo na dulot ng panunukso nilang dalawa. May kakampi na si Orwa, mukhang dito, ako lang ang mag-isa. Kapag ganitong tuksuhan wala akong kakampi. Talo na kaagad ako. Lugi ay!