Chapter 17

1814 Words
Hindi ako inimik ni Orwa, hanggang sa makarating kami sa company. Maaga pa kaya dito muna ako sa canteen tumambay. "Psstt! Mahal," tawag ko dito habang tinutusok-tusok ko ang likod niya. "Galit ka?" Tanong ko dito, pero patuloy siyang walang imik. Kakaloka naman ito, daig pang babae kung magtampo, mas mahirap pa itong suyuin kesa kay Sunny. Speaking, asaan na kaya ang bulol na iyon? Sabi niya kanina nasa byahe na sila ni Rick, mukhang ibang byahe ata ang tinutukoy niya. "Hindi mo talaga ako papansinin?" Ngumuso ako at nagpa-cute. Tumingin lang siya sa akin at umayos ng upo, mamaya pa naman ang time nila kaya pwede pa kaming maglandian dito. "Ano na? Ito naman, parang hindi mabiro," suyo ko pa dito, kinakalabit ko siya pero parang wala lang ito sa kaniya. Para akong isang hangin na patuloy sumusuyo sa kaniya. "Bahala ka na nga," inis kong tugon at hinila palayo sa kaniya ang upuan. Humalukipkip ako at sumimangot, napansin ko naman ang paglingon niya sa kinauupuan ko. Bahala siya, ang hirap niyang suyuin. Si Sunny nga, kapag sinusuyo ko saglit lang, siya kanina pa sa bahay hindi na ako pinapansin. Nagmamatigasan kami sa kung sino ang unang kikibo, sumusulyap pa ako sa kaniya na nasa labas ang tingin. Muli akong umirap sa hangin at ibinaling na lang rin ang tingin sa harapan. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang t***k ng puso, matapos makita si sir Tyron na papasok sa loob, seryoso ang mukha nito at deretsyong nakatingin sa akin. Napauwang saglit ang bibig ko bago lumunok, mukhang masasabon ako nito mamaya. Yari talaga ako, ang dami ko pa lang atraso. Palapit ito sa kinauupuan ko, habang ako at hindi maalis ang tingin sa kaniya. Ano kayang isasagot ko sa mga itatanong nito? Yari ako nito, mukhang isisigaw nito sa pagmumukha kong sisante na ako. Bago pa ito tuluyang makalapit sa akin, may isang kamay ang himigit sa pingi ko at sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko napansing magkalapit na ang aming mga labi. Gulat na gulat akong nakatingin kay Orwa, nakapikit siya habang patuloy ang paghalik sa labi kong hindi ko maigalaw. Daig pa niya ang sabik na sabik sa mga labi ko, at halos ayaw akong bitawan. Tulala pa rin ako at nabibingi na sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko, hindi ko na gustong gumalaw. Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Orwa, punong-puno ng emosyon ang mga mata nito. Nakatingin siya sa mga mata ko at nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam sa sarili ko. Ang mga tingin nito, ang mga kinang sa mga mata niya. Ayokong mawala ito, gustong-gusto ko kung paano niya ako tingnan. Anong ibig sabihin nito? Tuluyan na ba akong nahuhulog sa kaniya? Pero paano ako susugal sa isang bagay na hindi ako sigurado? "Sa akin ka lang tumingin, ayokong may ibang taong umaagaw ng attention mo," mga salitang tuluyang nagpabaliw sa akin. Ang mga ingay sa paligid ay tuluyang naglalaho at tanging t***k lamang ng aking puso ang maririnig. Natatakot akong marinig niya ito pero mukhang sa pagkakataong ito, wala na akong kawala. "Mabuti naman at andito ka na," bumalik ang ingay sa paligid at ang sarili ko matapos marinig ang boses ni Sunny. Agad kong hinawi ang kamay ni Orwa at inatras ang upuan. "Dalawa pala kayong wala kahapon?" Tanong pa ni Rick. Wala akong imik sa tanong niya, tumingin pa ako sa paligid pero wala na si sir Tyron. Nakakahiya talaga, nakita pa niya ang ginawang paghalik ni Orwa. Bakit ba kasi bigla-bigla itong nanghahalik? Akala ko ba galit siya? Ni hindi niya nga ako pinapansin, tapos bigla na lang manghihigop. "Tara nga, mag-utap tayo," hila sa akin ni Sunny palayo. Hindi na ako tumingin o nagpaalam manlang kay Orwa at Rick. Lutang pa rin ang utak ko, lutang na lutang dahil sa dami ng iniisip. Dumagdag pa ang nararamdaman ko kay Orwa, hindi ko alam kung totoo na ba ito. "Ano na? Alam mo bang galit na galit tila tayo?!" Bulyaw nito matapos naming magtungo sa likod ng canteen. "Paniguradong hindi ka na nila titigilan niyan," dagdag pa niya. Laglag balikat akong tumingin sa kaniya. Nakahalukipkip ito habang ang manipis niyang kilay ay salubong. "Betty...anong gagawin ko?" Pag-iinarte kong dabog. "A-anong tinatabi mo? Anong gagawin mo kila Mayora?" Tanong nito. "Hindi, wala akong pakialam sa mga hinayupak na matabang matanda na iyon. Anong gagawin ko kay Orwa? Parang nararamdaman ko na may gusto na ako sa kaniya," gulong-gulo kong saad. Napa-irap oa ito at agad akong pinagkukurot. "Puro ka ganiyan, pinag-uutapan natin ngayon ang tungkol ta trabaho," sambit nito habang patuloy akong kinukurot. Todo naman ang hawi ko sa mga kamay nito, ang sakit kaya. "Oo na, 'wag mo na akong pagalitan. Paniguradong papagalitan na ako ni ms. Jen, sir Tyron at Mayora. Ikaw na lang kakampi ko," pag-drama ko dito. Matapos ko itong sabihin ay agad siyang tumigil, mabuti pa ito madali lang suyuin. Kabisado ko na kapag tinotopak, hindi kasi ako kayang titiisin nito. Hindi katulad ng isa doon sa canteen, sobrang tigas. Owww...matigas. "Gutto man kita tulungan, hindi ko din alam ang gagawin. Ano ba kating nangyari?" Nakapamewang na tanibg nito. Bumuntong hininga pa ako para maihanda ang kwento. Mabuti na lang talaga may ilang minuto pa kaming pwedeng mag-usap. Maaga kaming pumasok ni Orwa, malapit lang ang bahay ni Sunny at may sasakyan si Rick kaya maaga silang nakapasok. May sasakyan si Rick, pero mukhang mas bet niya kapag si Sunny ang sinasaktan. Ikinuwento ko sa kaniya ang buong kwento, mula sa pagkakarinig ko sa usapan nila lola Remejos, sa pagtatalo namin ni Mayora at sa pag-iinom ko. Lahat maging ganap kagabi at kaninang umaga, shortcut na ang iba dahil sa sobrang dami. Pero mukhang gets niya naman. Paanong hindi niya ma gets, sa laki ba naman ng noo niya, malamang daming space ng 64gb memory niya. "May katalanan din pala ako, bakit kati umatake pa takit ko," laglag balikat nitong saad. "Ano ka ba? Wala kang kasalanan sa kahit ano, ako naman ang gumawa. Tara pumasok na tayo, ako na bahala sa galit nila," tapik ko sa balikat niya. Kaya ayokong ipaalam sa kaniya ang dahilan, alam ko sisisihin na naman niya ang sarili niya. Hindi niya naman kasalanan na umaatake ang sakit niyang, iyon. "Batta, 'wag mo na gagawin ang mga bagay na 'yon ha?" "Oo na," tango ko pa. Sumagot ako ng oo pero hindi ko talaga maipapangako, matigas ang ulo ko. Sa tuwing iniinis nila ako mas lalo kong gustong inisin sila. Bahala na sila, mamatay man sila sa galit sa akin. Pakikikape na lang ako. Sabay kaming bumalik sa canteen, wala na doon si Rick. Malamang pumasok na siya sa loob, si Orwa naman nakita kong abala. Naalala ko na naman ang halik niyang parang bagong biling vacuum. Siguro naman hindi na siya galit sa akin, no? Kasi hinalikan na niya ako. Pero ang daya, masyadong biglaan kanina. Hindi manlang ako nakabawi. Halos tumakbo palabas ang kaluluwa ko, matapos nitong tumingin sa akin. Parang kahit anong ginagawa o sinong kausap niya, alam na alam kung nasa paligid lang ako. Seryoso ang mukha niya pero ang mga mata nito ay parang may kwentong nais iparating. Ewan, nabubuang na siguro talaga ako. "Pabuntit ka na ta kaniya," bulong ni Sunny, agad akong napatingin para bigyan siya ng masamang tingin. "Baliw ka," siko ko pa dito. "Tutmaryotep! Kunwari ka pa, tiguro kagabi puro kayo turjakan, no?" Taas noo pa nitong tanong. "Turjakan mo, mukha mo," sabay hampas ko sa malaki niyang noo. "Aray! Inaano ka ba ng noo ko?" Inis nitong tanong. "Wala, nasisilaw ako," agad niya akong kinagat sa braso. Susme! Grabe talaga ito, malamang noong past life nito, zombie siya. Bumabaon ang kagat, eh. "Wag nga akong kagatin mo, si Rick na lang," mahina ko pang tulak sa kaniya at agad isinuot ang hairnet. "Ayoko nga, gutto ko ako lang kinakagat niya. Rawr!" Sambit nitong parang tigreng malandi. "Yuck!" Sabay irap ko. "Hindi ka kati nagpapakagat kay Orwa, bahala ka. Baka iba pa kagatin niyan, ikaw din," udyok pa nito. Umirap lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Magpapakagat kay Orwa? Ano ako mansanas? Duh! Bakit ko naman iisipin ang mga sinasabi niya? Hindi na ako marupok, no! Papakagat ako? Paano ba kumagat si Orwa? Saan banda siya mangangagat? Mukhang mas nakakakiliti ang kagat, ah. Susmaryosep! Hindi ito pwede, hindi pwedeng bumalik sa akin ang karupukan. Naisama ko na iyon sa tubig kagabi. Ilan sa mga quality control ang nakakasabay namin, ang ilan sa kanila ay halos hinusgahan na ang pagkatao ko. Mukhang kalat na kalat sa lahat ang ginawa ko, ang bilis naman. "Tusukin ko kaya mata ng mga 'yan?" Bulong ko pa kay Sunny. "Oo tapot ipalunok mo ta kanila," sagot nito habang matalim ang tingin sa mga taong mapanghusga. Ayos itong mga 'to, kung husgahan ako parang kilala ako. Kung nakatingin akala mo ang gaganda ng mga mata, mga alagad ito ni ms. Jen, mga drawing na kilay. Walang kibo at hindi na namin sila binigyan pa ng pansin. Matapos mag-in ay pumila kami. Ilang saglit pa ay dumating na si sir Tyron para magmasid sa paligid, agad siyang napatingin sa pwesto ko. Hindi ko naman magawang nakatingin ng deretsyo sa kaniya. Gusto kong pumikit para lang hindi siya makita, nahihiya ako sa ginawa ni Orwa kanina. Kakainis, baka isipin nitong masyado akong maharot at kung saan-saan na lang nakikipaghalikan. "Good morning team," bungad ni Mayora, napalunok pa ako at umayos ng tayo. Parang may gera sa dibdib ko, mukhang alam na nito ang magiging ganap mamaya. Lutang akong nakikinig sa mga paliwanag nila patungkol sa trabaho, mga paliwanag na paulit-ulit na lang. "Isa pa, congrats sa atin. Dahil nagawa nating matapos ang trabahong, iniwan ng isa diyan," napangiwi ako matapos nitong tumingin sa akin. "Basta, palagi niyong tatandaan. 'Wag tayong tutulad sa mga bulok na pag-uugali. Mga feeling magaling at kawalan sa trabaho," dagdag pa nitong nakatuon ang attention sa akin. So what? Hindi lang naman ako ang bulok dito, maging siya at ang ngipin niya. "Simula pala ngayon, aayusin na namin ang team. Aalisin na namin ang mga bulok, dahil alam niyo naman, hindi ba? Kapag ang bulok nadikit sa matino, magiging bulok na rin ito. Kaya sa mga nag-aakalang hindi sila kayang palitan, sorry na lang," dagdag pa nito. Okay, edi alisin niyo ang mga bulok. Pero paano iyon? Paanong ang isang bulok ay magtatanggal ng bulok? Wala pa ring magbabago, kasi kung ang leader ay bulok, ano pang aasahan sa team? Patuloy ang pagpaparinig nito sa akin, mga salitang sa kaniya ko rin dapat ibato. Pero dahil mas mataas siya sa akin at bawal akong magsalita, wala akong magagawa. Mananatili akong tahimik habang siya ay patuloy akong binabato. Ayos lang kung aalisin nila ako, hindi ko naman kailangan na magtyaga sa ganitong trabaho, sobrang toxic. Toxic na ang trabaho, mga plastic pa ang katrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD