Chapter 18

1824 Words
Panibagong bakbakan, hindi naman gaanong habol sa quota kaya mabagal lang ang dating ng mga sapatos sa akin. "Baks, alam mo galit na galit si sir Sonic noong hapon na umuwi ka. Nakakatawa mukha ni Mayora," muntikan ko pang maitapon ang sapatos na hawak ko sa mukha ni Alisha. "Bakit ka ba nanggugulat?" Bulong ko pa dito. "Ang seryoso mo naman kasi, kanina pa ako dito hindi ko ako kinakausap," sagot naman nito, pakunwaring abala sa ginagawa. "Ayon na nga bakla, ganito 'yan. Si sir Sonic, nag-check sa area 2. Tapos nakita niya 'yong isa sa mga QC na hindi gumagawa ng report, pero may pirma ni Mayora," intriga nito. Umayos pa ako ng upo para mas makinig ng mga chika niya. "Sino?" Dahil chismosa ako, gusto ko ring malaman. Para kung sakaling ako ang pagdiskitahan ni Mayora, may ibabalik ako sa kaniya. Maganda rin pala magkaroon ng chismosang katrabaho. "Line 11, isa sa mga burlalay ni Mayora," mabilis naman nitong sagot. "Tingnan mo, tapos kung paringgan ako kanina. Ayan, edi nakita niyang hindi siya ang boss dito," kumento ko pa. Mabuti at nahuli sila, palakasan lang naman sa kaniya, eh. Kaya tama lang na pagalitan siya. "Ayan na isa niyo pang madam," mabilis na paalam nito at tumalikod sa akin para, magkunwaring abala sa pag-pair ng mga sapatos. "Sagutan mo 'yan," sabay bato nito ng papel sa harapan ko. "Nakapag-aral pero walang modo," bulong ko sa sarili habang kinukuha ang papel. Tinignan ko ito at bahagyang napangiti. "Ayos, pangatlong memo ko ito ngayong buwan," mapanukso kong saad na may nakakalokong ngiti. "Natutuwa ka pa talaga?" Inis na tanong ni ms. Jen. "Oo naman, ako lang kaya nakakagawa nito," tila proud kong saad. "Sige lang, para suspension next mo," natawa naman ako sa sinabi niyang ito, mas lalo tuloy nagsalubong ang dalawa niyang drawing na kilay. "Ayos 'yon, sa 3 days pwede akong humanap ng bagong trabaho," asar ko pa dito. Bakit? Ano bang akala niya sa akin? Takot akong alisin dito? May dalawang taon na akong experience, pwede na ito para sa ibang company. Ang daming hiring na production operator sa ibang company na mas matino pa dito, kahit ito pa ang naging una kong trabaho, masasabi kong ito ang pinaka-worst work, ever. "Aba! Ang yabang mo!" Sigaw nito at umambang ihahampas sa akin ang clipboard na hawak niya, buong pwersa ito. Mabuti na lang ay may humawak sa braso niya para pigilan ito. Sabay pa kaming napatingin. "S-sir Tyron," panginginig ng boses nito. "Umalis ka na," mahinahon ngunit nakakatakot na utos nito. Agad niyang binitawan si ms. Jen at takot itong nakatingin sa kaniya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Tanong pang muli nito, napatameme ako kasabay ng ilang operator na nakiki-isyoso sa amin. "S-sorry," saad nito at agad na umalis sa harapan namin. Napayuko naman ako ng bigla nitong ibaba ang tingin sa akin. "Sorry sir, sasagutan ko na lang po ito," mahina kong tugon at agad na kinuha ang ballpen at isinulat ang dahilan kung bakit ako umuwi at absent. Nagsinungaling na lang akong may sakit at hindi nakakuha ng medical certificate. Nakikiramdam pa ako kung aalis ba si sir Tyron sa harapan ko, pero hindi ito umalis. Mukhang inaabangan ang pagsagot ko. "Tapos ka na?" Deretsyong tanong nito. "O-opo," nanginginig kong sagot. Nakakailang naman ito, bakit kasi hindi pa siya umalis sa harapan ko? Tapos ganito pa siya kung tumingin sa akin? Parang gusto akong lamunin, eh. "Mamayang 4:30, pumunta ka sa office," seryosong utos nito at agad na kinuha ang papel na hawak ko. Napakibit balikat pa ako sa tingin ni Sunny. Alam kong kahit wala siyang itanong, alam kong nagtataka rin siya sa inaasta ni sir. Hindi naman kasi siya ganiyan dati, kapag may memo ako wala siyang pakialam. Tapos ngayon, ang weird ng mga ginagawa niya. Isinantabi na lang ang mga tanong sa utak ko. Hanggang sa natapos ang tanghalian, ikinuwento ko na rin kay Sunny at Rick ang ginawa ni ms. Jen. So Orwa hindi pa rin kami nag-uusap, busy kasi siya sa pag-aasikaso sa mga bumibili at sa paglilinis ng mga pinagkainan. Balik sa trabaho at sa Gawain namin ni Sunny, bago mag 4:00 pm ay ibinibigay ko na ang pagkain niya. Dalawa na ang tinapay na dala ko. Hanggang 7:30 pa kami dito, baka kasi bigla siyang magutom. Ayokong umatake ulit ang ulcer dito, kaya hanggat kaya kong magpasok ng pagkain para sa kaniya, gagawin ko. Kapag nahuli ako, edi bahala sila. "Betty, 4:30 pinapapunta ako ni sir Tyron sa office," bulong ko pa dito habang pakunwaring naghuhugas ng kamay. "Bakit daw?" Kunot noong tanong nito, tumingin ako sa kaniya mula sa salamin. "Ewan ko, sabi niya lang," napanguso ito at kumibit-balikat. "Yari ka kay Orwa, baka kapag nalaman niya 'yon hindi lang labi mo ta taat ang hihigupin niya," "Huy! Bunganga mo," sabay siko ko dito. Umimpit naman ang tawa niya. "Bakit? Ikaw ha, kung anu-ano na namang nata utak mo," sabay turo nito sa akin. "Wow, ako pa tal–" "Sa mga nakapula, baka naman. 'Wag na magdaldalan," napatigil ako sa sita ni ateng tagalinis ng cr. Ang init talaga ng mata nito sa amin, saglit lang sa cr akala mo naman dito na kami titira. "Tara na nga," aya ko pa kay Sunny. Paglabas namin, magkahiwalay kami. Walang usap-usap na akala mo ay magkaaway kaming dalawa. Bawal kasing sabay kaming magpunta sa cr at mag-usap. Basta maraming bawal kapag hindi malakas ang kapit mo sa mga leader. Balik sa trabaho, kaunti lang ang dating ngayon at talagang nakakaantok. "Sunshine," agad akong napatingin sa tumawag sa maganda kong pangalan. "You, inspect mabuti? No NG?" Tanong ni ms. Kang, ang chekwa na may hawak sa mga QC. Galing sitang Taiwan, tapos dito sila inilagay. Maraming mga chekwa dito, malalakas ang mga boses at ang amoy. Minsan kinakausap nila kami, pero hindi talaga namin sila maintindihan. "No many many sinulid?" Tanong pa niyang muli. "Yes ms. Kang, so very malinis," natatawa kong sambit. Nakauwang naman ang bibig niya habang nakatingin sa mga sapatos. Andito sa harapan ko si ms. Kang, alam kong nasa paligid lang si Mayora. Paano ba naman, mukhang humahanap ng bagong leader ito at takot si Mayora na mapalitan. Hindi nga ako nagkamali, nakita ko si Mayora sa hindi kalayuan at todo ang masid sa ginagawa ko. Kaibigan ko kaya itong si ms. Kang? Mukhang madali lang itong mauto, para mas lalong matakot at mabulok ang ngipin ni Mayora. "You known ms. Kang, you very very maganda," bola ko pa dito. Nakita ko naman ang mabilis nitong pagngiti at humawak pa sa kaniyang pisngi. Mabuti na lang kahit barok ang English ko naiintindihan nila, sila rin naman kasi barok ang English. "Really?" Malawak na ngiting tanong nito. "Yes, very very very very maganda," "Aayyy! I like it," maharot nitong sambit. Susme, kaya naman pala close na close kay Mayora, madaling maloko. "You gusto leader? Like Mayora?" Agad na tanong nito. Nanlaki pa ang mga mata ni Alisha sa narinig, tado naman ang tango niya sa akin para ito ang isagot. "You alis Mayora, and palit me. Palit Mayora," sagot ko pa dito with action. Hirap na hirap akong kausapin siya, pero mukhang ito lang ang paraan para mas lalo kong mainis ang mga ulupong. "Mayora, alis alis? Shoo?" Natawa naman ako sa shoo niya, mukhang aso nga naman si Mayora. "Yes, yes," sunod-sunod na tango ko at tumingin kay Alisha, na biglang nag-thumbs up. "Wait, isip isip ko muna. You tanggal tanggal the sinulid," balik nito sa leader ng line. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito sa akin, todo naman ang ngiti ko sa kaniya. Ang dali lang pa lang makipag-close dito. Sabihan mo lang na maganda kahit hindi totoo, may offer na agad. "Sangkalan," agad akong napairap sa tawag ni Mayora. So ngayon siya naman ang kakausap sa akin? "Anong usapan niyo ni ms. Kang?" Deretsyong tanong nito. "Gagawin niya daw akong leader, ipapalit sa 'yo," tanaw ko naman ang paglaki ng mata niya dahil sa gulat, gusto kong matawa pero ayokong masira ang moment. "Mukhang balak ka na niyang alisin, kawawa ka naman. Ako na papalit sa 'yo," asar ko pa dito. Muntae mukha niya, susme! Gusto ko ng matawa talaga. "Sinungaling ka, bakit niya naman ako papalitan? Ikaw pa talaga? Puro ka nga memo," balik pa nito. Umayos muna ako ng upo bago siya sinagot. "Pero sa performance wala akong memo, kung magiging leader ako. Mukhang wala na akong absent, masya ata no?" Tumaas pa ang kilay ko matapos itong sabihin. "Ang kapal mo naman, hindi ako papayag na map–" Agad siyang napatigil matapos tumunog ang bell, 4:30 na at ang ibang walang OT ay uuwi na. Oo nga pala, pinapapunta ako ni sir Tyron sa office. "Sige na, sulitin mo na mga huling sandali mo bilang leader," mapanukso akong ngumiti. "Pinapapunta ako ni sir Tyron sa office," agad akong tumayo at hindi na hinintay pa ang sagot niya. "Punta muna ako kay sir Tyron," tapik ko sa balikat ni Sunny. Nagpaalam na rin ako kay ate Jai. 4:30 to 7:30 wala na gaanong trabaho, konti na lang kasi ang maiiwan na operator. Pero ang mga QC at QA palaging may OT, himala na lang ang uuwi kami ng maaga. Sa warehouse na ako dumaan para mas mabilis na makarating sa HR department, kung saan andoon si sir Tyron. "Sunshine, saan ka pupunta?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot sa gilid si Rick. "Kay sir Tyron, pinapatawag niya kasi ako," sagot ko dito. "Ngayon? 4:30? Bakit daw?" Pagtatakang tanong nito. "Baka dahil doon sa bigla akong umuwi? Tapos absent pa ako?" Kumunot ang noo niya at tumango. Maging ako kasi hindi ko alam ang sagot, basta sinusunod ko lang ang utos niya. "Sige, baka nag-aantay na siya," tumango lang ito at bumalik na rin sa ginagawa niya. Kabado ako habang papalapit sa office, dumungaw ako at nakitang siya lang ang mag-isa. Mukhang hindi OT sila ms. Jen ngayon, buti pa sila. Lumunok muna ako at umayos ng tayo, bago itinulak ang salaming pinto. "Uhm..sir Tyron?" Nahihiya kong tanong. Agad naman siyang napatingin sa akin at biglang lumawak ang kurba sa labi niya. "Sakto ang dating mo, tara," agad itong tumayo at hinila ako palabas. What the! Ano ito? Bakit sa parking lot niya ako dinala? "Sir? Saan po tayo pupunta? Hindi po ba tayo mag-uusap?" Pagtataka kong tanong. "Mag-uusap tayo, pero sa labas," agad nitong binuksan ang pinto sa passenger seat. Kunot pa ang noo ko at nag-aalangan kung paasok sa loob. "Hayaan mo, babalik tayo dito bago mag 7:30," panigurado nito. Hindi ko alam kung bakit ako napapayag sa sinabi niya. Susme! Tama ba itong ginagawa ko? Sumama ako kay sir Tyron palabas? Tapos hindi ito alam ni Orwa? Ang weird niya talaga, bakit niya ako isasama sa labas at doon kami mag-uusap? Shems! Bakit ba hindi ako nag-iisip, sumama kaagad ako sa kaniya. Wala naman ito sa contract ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD