Chapter 81

1040 Words

“Si Lola Remejos ulit nagdala nito?” tanong ko, mataos kong humigop ng sabaw. “oo, kanina andito siya bago ka magising,” sagot ni Orwa. “Kaya pala mainit pa 'tong sabaw. Nakaistorbo na naman tayo.” Mahina akong natawa matapos ko itong sabihin. “Ang sabi niya hindi naman daw. Ag gusto nga niya na siya namana ng magbantay dito, pero ang sabi ko hindi na kailangan dahil hindi rin magiging maganda sa kalusugan niya. Ngayon, sabi niya na siya na lang magdadala ng pagkain sa atin. Nagbigay nga ako ng pera, pero hindi na niya tinanggap.” Habang kinukwento ito ni Orwa, inaayos din niya ang pagkainan naming dalawa. Mabuti nga at hindi na niya muling binubuksan ang usapan naming dalawa kanila. Mukhang maging siya, walang ibang choice kung hindi tanggapin kung ano ang totoong kalagayan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD