Marahan kong iminulat ang mga mata ko, sa puntong bumalik na rin ang ulirat ko. Naramdaman ko ang paghaplos ni Orwa sa kamay ko. Marahan kong itinagilid ang ulo ko para lang tingnan siya. Nakahiga sa gilid ng kama ko ang ulo niya, at pansin kong pagod na rin siya. “Mahal. . . “ Mahinahon kong pagtawag sa kaniya na may may panghihina. Hindi ko alam kung hindi ba naging sapat ang tulog ko, para bogla akong manghhina ngayon. Kagawbi naman na kausap ko si Sunny, masigla pa ako. Nang tawagin ko siya, mabilis niya ring inangat ang ulo niya. Nabakas ko sa mga mata nito ang puyat, pagod at ang mga bigat na hinatid ng problema ko sa kaniya. Naaawa ako sa mga nakikita ko. “gsing ka na. Kamusta ang nararamdaman mo mahal? May masakit ba sa 'yo? Sabihin mo sa akin kung anong pakiramadam mo, ta

