Tumagal din ang naging kwentuhan naming dalawa ni Sunny. Ang dami niyang kwento tungkol sa kanila ni Rick, nakikita ko rin kung gaano ba siyang kasaya sa tuwing sinasabi niya ang mga salita na yon. Nakikita ko kung gaano ba kasaya ang kaibigan ko sa piling ng lalaking mahal na mahal niya. Alam kong kahit na anong mangyari, maaalagaan siya nito nang maayos. Marami kaming pinag-usapan, ang ilan ay tungkol sa trabaho niya, sa mga kalokohan namin noon. Hindi ko na alam kung saan pa ba napuputa ang usapan namin, ang alam ko alng kaya ko rin siyang sabayan sa kung ano ang mga kwento niya sa akin. “Kumain na muna kayong dalawa,” aya ni Rick. “Sabay na tayong apat. Mamaya babyahe pa kayo pauwi,” saad ni Orwa. Kanina pagbalik nila may dala na silang pagkain, ang sabi ni Orwa ay dala ni Lo

