“Okay na rin siguro 'yon, kaysa naman parehas tayong walang trabaho. Kapag day off, pwede naman na kina Lola Remejos ka na lang muna. Para hindi ka na rin mabagot, o kaya ay sa bahay ng kaibigan mo. Mukhang wala rin naman siyang pasok kapag day off mo,” saad ni Orwa. Habang kumakain kami ng gabihan ay pinag-uusapan na rin namin ang tungkol sa sinabi sa akin ni madam Deborah. Mukhang wala rin naman naging problema sa kaniya ang ganito, dahil naiintindihan naman niya ang tinutukoy ng manager namin. Para na rin daw hindi magalit ang iba naming katrabaho dahil parang pinapaboran kami. Ayaw ko rin naman 'yon. Sadang nalungkot lang ako na hindi na kami sabay sa break time. Hindi na rin kami sabay sa day off. Hindi ko siya makakasama kapag gagala kami at date. Siguro aasa na lang ako kung a

