“Sunshine, pasuyo naman ako sa kabilang table. Pakuha na lang muna akong order nila. Gutom na kasi talaga ako, kanina pa ako nahihilo,” pakisuyo ni Pia.
“Sige ako na ang bahala na maghatid ng pagkain nila. Ibalik ko lng 'tong trray.” Mahinahon akong ngumiti sa kaniya.
Naramdaman ko ang mahinang pagdampi ng kamay niya sa balikat ko. “Salamat talaga. Gutom na ako.”
Hindi ko na siya sinagot pa dahil nagmamadali na rin syang umalis. Halatang nagugutom na talaga aisya, mamaya pa naman ang break time ko kaya alam ayos lang sa akin.
Hindi naman ganoon kadagsa ang mga tao ngayon, may iilan na umapasok pero mas madalas na take-out talaga ang gusto nila. Kaya hindi na rin ako mangangarag. Kumpleto rin naman kaming lahat at mukhang lahat kami ganado ngayon. Dalawang araw ba naman kasi na hidni kami pumasok, tapos ngayon hindi pa ganoon kagrabe ang mga tao.
Siguro iba rito nag-outing. Narinig ko kasi sila kanina na parang iba sa kanila magkakasama. Mukhang kami lang ni Orwa ang hindi sumama, wala rin naman kasi umaya sa amin. Sabagay, hindi rin naman kami sasama na dalawa. Kagagaling lang din namin sa outing.
“Nuber 22 po?” tanong ko na kahit nakikita ko na ang numero. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang tanungin, mabuti na lang talaga mababait ang mga ito, kaya kahit na pilosopo ang tanong ko walang nagagalit sa akin.
“Thank you,” pasalamat ng babaeng customer.
“Thank ypu rin po.” Ngumiti ako bago umais doon.
Ang kailangan talaga sa trabaho namin kailangan palagi kaming nakangiti. Dahil haharap kami sa mga customer kaya kailangan din talaga naming ipakita ang maganda naming ngiti.
Habang nagpapatuloy ako sa trabaho ko, muling namataan ng mga mata ko si Lyka, na lumabas sa office ng manager. Matapos nito ay lumabas na rin siya ng cafe. Wala siguro akong pakundangan no? Lyka lang tawag ko sa ank ng boss ko.
Dahil wala na rin naman akong dapat na maging pakialam sa babae na yon, nagpatuloy na lang ako sa trabaho ko. Malapit na rin ang break time namin ni Orwa kaya kailangan malinisan ko na ang mga dapat kong linisan. Lalo pa ngayon na lumabas na si madam Deborah sa kaniyang office.
Iba ang awra niya ngayon, hindi siya katulad no'ng mga unang beses ko siyang nakita at noong mga nakasama ko siya sa trabaho. Parang may problema siya ngayon, para bang may pinapagawa sa kaniya na magiging labag sa kaniya. Ito ang nakikita ko at hindi naman ako manghuhula para malaman talaga.
“Shine, pumunta ka raw ngayon sa office ni Debirah.” Kanalabit ako ni Marga.
“Bakit daw?”
“Hindi ko alam, ang sabi niya lang may sasabihin daw siya sa 'yo. Pumunta ka na, ako na rito,” prisinta niya na akuin ang ginagawa ko.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang tataon ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali kaya bigla na lang akong ipapatawag.
Habang naglalakad ako palapit sa office ni Madam Deborah, para akong lilitisin sa isang bagay na hindi ko naman kasalanan. May kung anu-anong senaryo na ang bumubuo sa utak ko. Baka hindi nila nagustuhan ang pagtatrabaho ko kay aalisin na nila ako. Ito ba ang dahilan kung bakit mukhang problemado si madam Deborah kanina? Ako ba ang problema niya?
Kumawala ako ng isang malalim na paghinga ako ko hinawakan ang doorknob. Bago ko pa man maitulak ang pinto ay kua na itong bumukas. Bumungad sa akin ang mukha ni madam Deborah.
“Andito ka na pala, pumasok ka na.” Inilad nito ang kamay niya sa isang upuan.
“Salamat po.” Kahit na hindi ko alam kung paglilitis na ba ito, nagpasalamat pa rin ako sa kaniya, dahil baka sakaling magbago pa ang sip niya kung sakali mang may nagawa akong mali at tatanggalin na ako sa trabaho.
“Utos lang ito ng boss natin,” panimula niya na siyang lalong nagpalala ng anxiety ko. Kung anu-anong posibilidad na bagay talaga ang nasa utak ko. Ang puso ko rin parang tatakbo na dahil sa nararamdaman kong kaba. Ang hirap kumalma, para akong sasabog dito .
Bago siya magpatuloy sa pagsasalita ay umupo ito sa harapan ko. Hindi ko pa rin magawang magsalita, dahil nga nakatutok lang ako sa kaniya. Naaabang ako ng sasabihin niya sa akin, para mas lalo kong maintindihan.
“Hindi naman kita aalisin, kung 'yan ang iniisip mo.” Tila ba may kung anong tinik ang nawala sa dibdib ko matapos ko itong marinig. Nakahinga na rin ako ng maayos.
“Tungkol po saan? May nagawa po ba akong mali?” Kahit na hirap akong itanong ito ay nagawa ko pa ring itanong sa kaniya.
“Sa inyo ni Orwa. Nasabi kasi sa akin ni . . .” tumigil siya saglit para lang magbitaw ng malalim na paghinga. “. . . ni Lyka na hindi dapat kayo pinapaboran sa mga gusto niyo. Hindi kayo dapat sabay sa break time at sa day off. Hindi naman ito nanggaling sa akin. Kais kung ako lang, kulang pa nga 'tong pagpapabor sa 'yo ni Seila. Pero anak pa rin ng boss natin ang nag-uutos, kailangan kong sundin,” dagdag nito na tila ba may dismaya sa kaniyang boses.
Nadidismaya rin ako, lalo na at hindi na rin pala kami magsasabay ni Orwa. Pati 'yon papakialaman ni Lyka. Kung pwede lang sanang umapila, pero siya ang anak ng boss ko. Hindi ko siya kayang banggain at isa pa, sino ba naman ako? Empleyado lang naman ako.
“Naiintindihan ko naman po. Sa ibang kumpanya bawal din naman. Normal na empleyado lang naman po ako. Kakausapin ko na lang po si Orwa. Ngayon po, sabay pa rin kami sa break time?” tanong ko. Walang kagana-gana ang boses ko dahil para akong lalong naghihina.
“Oo sabay pa rin kayo ngayon. Simula bukas, magpapalit na kao ni Pia ng break time. Okay lang 'yan, hindi ka naman iiwan ng jowa ko. Hayaan mo rin si Lyka, hindi naman kasi talaga siya ang—wala. Sige na, bumalik na muna sa trabaho mo.”
Sa mga salitang binibitawan ni madam Deborah, tila ba may kung ano sa kaniyang hindi niya kayang sabihin. Malapit na siyang madulas pero pinigilan pa rin niya ang sarili niyang magsalita.
Anong mayroon kay Lyka? Ang pakialamera ko na rin talaga masyado. Nanghihimasok ako sa buhay niya. Pero sabagay, siya nga ang hilig ding manghimasok sa buhay ko.
Kailangan ko na lang ding intindihin ang sitwasyon, baka nga hindi talaga pwede ang ganito. Sa kahit anong kumpanya naman bawal talaga magkasama ang mag-jowa. Kaya laking bilib ko kay Ms. Seila na pumayag siya. Tapos siya mismo nagsabi na sabay ang break time namin ni Orwa at ang day-off. Nangialam lang taaga ng anak niyang haliparot.