Bago pa amn tumunog ang alarm clock ko ay nagising na ako. Parang nakakaramdam ako na para bang nag-aapoy ang mga mata ko. Siguro dahil na rin sa puyat ko kagabi.
Simula pagtulog ko hanggang sa paggising ko iniisip ko pa rin ng usapan naming dalawa ni Sunny at idagdag pa ang naging usapan naming dalawa ni Orwa. Ang gusto niya, sa darating na day-off naming dalaa ay pupuntahan namin ang babae na tinutukoy ni Sunny. Nag-chat na rin sa akin si unny na ayos lang din daw kay Rick na samahan kami roon. Sa totoo lang kahit na marami na sa kanila ang sumasang-ayon sa dapat kong gawin, hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong sundin kung ano nga ba talaga ang dapat kong gawin. Nahihirapan pa rin ako kung susundin ko ba ang gusto nila o matatakot pa rin akong harapin ang magiging katotohanan.
Bahala na siguro sa kung ano ang mangyayari. Bahala na kung anong sasabihin ko kung sakali mang siya ang tunay kong ina.
“Mahal?” Isang pagkatok sa pinto ko ang nagpabalik sa akin sa ulirat. Napaayos pa ako nang upo para lang tmingin sa pinto.
“Lalabas na rin ako, maliligo muna ako,” sagot ko.
“Hintayin kita rito. Maghahain na muna ako ng pagkain natin,” sagot ni Orwa mula sa labas.
Hindi na ako nagsalita pa. Bumangon na ako kahit nakakaramdam ako ng katamaran sa sarili ko. Matapos nito ay agad kong kinha ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto ko. Hindi naman ganito ang umaga ko. Kahit noon na wala pa si Orwa, hindi ako nakaramdam ng ganito katamad.
Tinatamad akong maligo sa umaga a pumasok sa trabaho. Pero hindi ito ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako tinatamad sa trabaho, tinatamad ako sa isang bagay na hind ko maipaliwanag.
Hindi ko rin namamalayan ang oras, dahil mukhang pati pagligo ko minadali ko na. Nakatitig lang akoo sa sarili ko sa harapan ng salamin. Pinagmamasdan ang mukha kong halatang may problema.
Malaki ang ipinayat ko. Para ring naiipon ang sama ng loob sa ilalim ng mga mata ko. Ganito na siguro ang dala ng mga iniisip ko tuwing gabi. Haaays! Bakit ba kasi sunod-sunod na sila at hindi manlang ako pinapatulog?
“Kaya mo 'yan, Sunshine. Hindi ka nagpapaapekto sa mga bagay. Sundin lang ang palaging bilin ni lola, para mahanap ko ang katahimikan sa uak ko,” kausap ko sa sarili ko.
Kahit na hindi maganda ang tulog ko, ipinakita ko pa rin sa sarili ko ang matamis kong ngiti. Hindi ko na nakikita ang dating Sunshine, hindi ko na nakikita ang dating sigla ng mga ngiti ko. Pero kahit na ganoon, hindi ko pwedeng kalimutan na maging masaya kahit na pinipilit ko lang.
Hanggang sa lubas ako ng kwarto, hindi ko inalis sa labi ko ang matamis kong ngiti, para sa oras na makita ako ni Orwa hindi siya mag-alala na may iniisip na naman akong problema.
“Good morning, mahal,” bati ko sa kaniya na may masiglang boses. Hindi pa siya nakakabti sa akin abaik ay hinalikan ko na siya sa labi.
“Ang ganda ng gising mo,” saad nito.
“Kung ikaw ba ang magiging bungad sa umaga, magiging maganda talaga ang gising ko.” Hindi ito pagsisinungaling. Kahit na may pagkakataon sa akin na marami akong iniisip na problema, kapag nakikita ko si Orwa, feeling kahit na paano ay siya lang ang nagbibigay payapa sa puso at sa utak ko.
“Kumain ka na muna, parang napapansin kong pumapayat ka na.” Nang sabihin niya ito ay sinukat niya ang pulsuhan ko.
“Tingnan mo, parang hindi kita naaalagaan ng maayos,” dagdag pa nito.
Hindi ako nakapagsalita, dahil napatingin lang ako sa katawan ko. Napapansin na pala ni Orwa na may nagbabago sa katawan ko. Magingako ramdam kong malaki ang binagsak ng katawan ko. Simulanoong nakita kong may dugo sa isinura ko.
Natatakot ako para sa sarili ko at para kay Orwa, pero hindi pa ito nagiging sapat para lang sabihin sa kaniya kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ayaw kong unahin niyang mag-alala sa akin. Siguro maggagamot na lang ako katulad ng ginagawa sa akin ni lola noon.
Mabilis na lumipas ang oras, hanggang sa sumapit na ang oras na kailangan na anming pumasok sa trabaho.
“Ako na lang ang magsasara ng pinto, lumabas ka na at magtawag ng tryk,” utos sa akin ni Orwa.
“Sige, mayro'n naman d'yan kina Mang Doneng,” sagot ko.
Hindi na siya nagsalita kaya naglakad na ako paalis at palabas sa gate. Nang sandaling mabuksan ko ang gate may kung anong papel ang hinangin palapit sa akin. Hindi naman ito galing sa malayo ay pakiramdam ko iniwan lang ito sa tapat ng gate namin.
“Mahal, tapos ka na?” tawagko kay Orwa habang dinadampot ang papel.
“Bakit? May problema ba?” tanong niya sa akin na may pag-aalala sa boses.
Hindi ako sumagot, sa halip ay iniabot ko sa kaniya ang papel na dinampot ko. Mukha itong sobre na para bang may laman na papel sa loob.
“Saan mo naman nakuha to?” tanong niya.
“Nakita ko pagbukas ko ng gate, ano kaya 'yan?” Kahit na amy ideaako sa maaaring laman nyan, nagawa ko pa ring magtanong. Maaaring iisa lang kasi yan, kung hindi DNA na naman, mga litrato ng magulang ko. May mga natatanggap na ako nito na para bang may pinapahiwatig ang nagbigay nito sa akin.
“Wag mo na 'tong intindihin, hindi naman ata 'to mahalaga.”
“Wag . . . wala na, hindi mo manlang inalam kung para ba saan 'yan.” Umiiling kong saad. Paano ba naman ay pinunit na niya kaagad at nilukot, matapos ay binato niya na lang kaagad sa basurahan.
“Wala namang kwenta 'yan. Wagka magpapaniwala d'yan, bak lalo ka lang mag-isip. Hindi pa naman maganda kung palagi mo na alng ginaganyan ang sarili mo. Tara na, baka ma-late pa tayo sa trabaho,” aya niya sa akin.
Wala na rin naman akong magagawa dahil kahit na may panghihinayang ako sa pael na 'yon, hindi ko na rin naman mababasa. Tungkol naman kaya saan 'yon?Ano ba 'yan. Nag-iisip na naman ako ng mga bagay na hindi naman maganda.
Bahala na muna, ang kailangan ko muna ngayon ay makapasok sa trabaho. Baka isipin ni Ms. Seila na namimihasa na kami dahil lang sa mabait siya.
Panibagong kalbaryo na naman ito kasama ang malanding si Lyka. Mukhang hindi na anamn nito titigilan si Orwa. Baka kapag lalo akong nainis, siya na isagog ko sa spaghetti.