Chapter 59

2046 Words
“Mahal mas maganda siguro kung magpagupit na rin ako ng buhok?” tanong ni Orwa habang nakatingin ito sa salamin na nakasabit malapit sa pinto ng kabilang kwarto. Kanin lang namin inilagay ang salamin na ito, para raw mas madali naming magamit kung sakali mang balak naming magsalamin bago kami pumasok sa trabaho o bago kami lumabas. “Hindi na kailangan, mas gwapo ka pa rin sa paningin ko kapag mahaba ang buhok mo. Isa pa, sabi naman ni Ms. Seila na ayos lang yan, na hindi naman makakaapekto sa trabaho mo basta palagi ka lang nakaipit at nakasuot ng hairnet,” sagot ko. Naktingin lang ako sa kaniya habang siya, patuloy pa rin sa paghawi ng kaniyang buhok. Hindi ko rin namalayan na umaba na pala masyado ang buhok niya, palagi kasi itong nakatali kaya hindi ko rin napapansin. Noong una ko siyang nakita, hanggang balikat lang ang buhok niya, ngayon humaba na ito ng isang dangkal. Bagay pa rin naman sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ang gwapo ng mga lalaking may mahabnag buhok. Sabagay, gwapo pa rin anman talag siya kahit na anong gawin niya sa buhok niya. Maganda ang hulma ng mukha niya. Ang perpekto nga niya, halatang hindi tao. Napapaisip lang tuloy ako lalo, paano na kaya ang ilang mga halaman? Lahat kaya sila mga mukhang perpekto? Ang galing lang, kung gano'n lang sana naging halaman na lang din ako. Para maliban sa maganda na ako, may dilig pa palagi. Tirik na ang araw sa labas ng bahay, mata ko na lang hindi. Charot lang ulit. “Ano ba sa tingin mo--” Hindi na natapos si Orwa sa kaniyang sasabihin matapos na tumunog ang cellphone kong nakalapag sa lamesa. Hindi ko muna ito nilapitan, dahil mas malapit si Orwa doon siya ang unang kumuha nito. Kumunot pa ang noo niya habang nakatingin sa tumatawag. Hindi ko alam kung sino 'yon, pero pinapanalangin kong hindi sana si Sir Tyron ang tumatawag. “Si Sunny, tumatawag,” saad ni Orwa at siya na mismo ang sumagot ng tawag. Inaamin kong nakahinga ako ng maluwag dahil alng sa narinig ko ito. “Kausapin mo na muna, mukhang miss na miss ka na rin niya. Hihingi ata ng payo kung paano magkaroon ng boyfriend,” biro ni Orwa na sinadya talaga nitong iparinig sa tawag. Natatawa akong kinuha ang phone at kinausap si Sunny. “Grabe naman 'yang jowa mo, Betty. Hindi naman tungkol ta jowa ang tatabihin ko,” bungad nito sa akin. “Tungkol ba saan?” Hanag kinakausap ko sa kaniya ay nagbibigay ako ng senyas kay Orwa na papasok ako sa loob ng kwarto ko, hidni naman niya ako pinigilan dahil tumango lang siya. “Anong gusto mong sabihin sa akin?” tanong kong muli. Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong isinara ang pinto. Marahan din akong lumakad palapit sa kama ko, upang doon na lang muna umupo. “May nakita ako ta f*******:, hindi ko alam kung totoo o may kaugnayan ta magulang mo. Ayot lang ba tayo na pag-utapan natin?” Sa simpleng tanong ni Sunny ay hindi ako kaagad nakapagsalita, hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong maging sagot. Kung anong pwede kong sabihin sa kaniya o kung may sapat nga bang salita ang maaari kong masabi. Kagabi lang ito ang problema ko, ngayon si Sunny muli ang nagbubukas ng usapan. “Tungkol saan ba 'yan? Hindi ko naman din amlam ang mukha nila,” sagot ko makalaipas ang matagl kong pagtahimik. “May nakita akong picture mula ta itang babae, pero hindi ko alam kung ito ang magulang mo. Nakita kong may tattoo din tiya ta tagiliran niyang may pagkakahawig ta nata litrato,” sagot nito. Kumunot ang noo ko na mukhang kahit hindi niya ako nakikita, alam kong alam niya ang reaksyon ng mukha ko ngayon. “Nasaan? May kopya ka ba? Snd mo naman sa f*******: ko.” Buo na ang loob kong sabihin ito. Kahit nakakaramdam ako ng isang bagay na hindi ko kayang ipaliwanag. Hindi ko alam kung bakit nga ba sa dami ng pagkakataon sa bukhay ko, mukhang ngayon na lumalapit sa akin ang tunay kong kapalaran lalo na sa pamilya ko. Ngayon ako nakakakita ng mga bagay na nag-uugnay sa mga magulang kog hindi ko pa nakikita simula pa noon. “Patayin mo muna ang tawag, napata ko na tayo.” Dahl nagmamadali na rin akong makita ang pinasa sa akin ni Sunny, hidni na ako nagpaalam sa akniya noong pinatay ko ang tawag niya. Binuksan ko agad ang f*******: ko para makita lang ang pinasa ito. Habang tumatagal ang loiding at ag-aantay kong makita ang nasa litrato may kung anong mabiis na kabog sa puso ko. Para bang natatakot ako na makita ang mukha nito at malamang siya nga ang magulang ko. Kasabay nang pagpapakita nsa akin ng itrato ay ang pagbitaw ko ng malalim na paghinga. Hindi ko mawari kung bakit parang naging dismayado ako sa nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit parang may mali sa nakikita ng mga mata ko. May kung akong hinahanap. Lukso ng dugo. Wala akong maramdaman habang nakatingin ako sa picture. Sinubukan ko pang ilipat ang mga litrato. Tama nga ang nakikita ko. May tattoo na bulaklak ang tagiliran nitong babae. Maganda siya, lalo pa at bumagay ang mahaba nitong buhok na may kulay blonde sa ibaba. Nag mga mata nito ay mapupungay, pero may kulang akong nakikita. Sa pagtitig ko ng matagal sa litrato, halos mapatalon ako sa glat nang muling tumawag sa akin si Sunny. “Nakita mo na?” bungad niyang tanong sa akin. “Oo, saan mo 'to nakita? I mean, kanino?” tanong ko. Kahit na may nararamdaman akong mali, nais ko pa ring malaman kung sino ang babae na 'yon at kung ano nga ba maaaring maging ugnayan naming dalawa. “Letina Martina ang pangalan ng babae, nakita ko rin na nakatira tiya taa Pampangga. Malapit lang din ang bahay nila ta bahay ng pintan ko, kung gutto mo tiyang makita tatamahan na kita. Magpapatama na rin tayo kay Rick,” prisinta nito. “Hindi ko alam. Hindi ko maramdaman ang lukso ng dugo.” Derekata ko nang sinabi sa akniya na walang akong nararamdaman nakahit ano sa babae na pinakita niya. “Pero kailangan pa rin natin na makutap ang babae na 'yon. Pwede natin tiyang tanungin para mahanap natin ang nanay mo kung takali man.” “Sige, sasabihan na lang kita kapag pwede na kami ni Orwa. Maraming salamat,” paalam ko. May mga sianbi lang sa akin si Sunny, may mga binigay siyang payo at ako naman nakikinig lang. Sa totoo lang wala na kong iabng maalala sa mga sianbi niya. Hindi ko na rin kasi alam kung saan ba lumilipad ang utak ko sa mga panahon na ito. Hindi ko na alam kung may pagkakataon pa ba sa akin na makilala ko ba ang mga tunay kong magulang. Muli ako nag-isa sa nakakabinging katahimkan ng kwarto ko. Hini ko muna gustong lumabas. Nakahiga ako habang ang mga mta ko ay muling sinusuri ang mukha ng babae na nasa litrato. Hindi ko kayang ipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Alam ko sa sarili kong hindi siya ang nanay ko. Alam ko at nararamdmana kong walang dugo ang nagtatali sa aming dalawa. Pero paanong ang isang babae na ito ay may pagkakahawig sa litrato na nasa tattoo ng babae sa lumang gamit ni lola. Dahil sa kakaisip ko ng mga bagay na walang paliwanag, hidni ko napansin na kanina pa pala kumakatok si Orwa sa pinto. Nakabalik lang ako sa sarili ko noong nakita ko na siyang nasa tabi ko. “Kanina pa ako kumakatok at tinatawag ka. Ang akal ko naman natutulog ka. Ano bang naging usapan niyong dalawa ni Sunny?” tanong nito. Hindi muna ako sumagot, sa halip ay tamad akong umupo at kahit na gulo-gulo pa ang buhok ko ay tumingin ako sa kaniya. Siya na lang ang naghawi ng buhok na nakaharang sa mukha ko. “Ito.” Inilahad ko sa kaniya ang picture ng babae na kanina ko pa tinitingnan. “Hindi ko 'to kilala.” Umiiling pa siya habang nakatingin sa babae. “Paano mo makikilala yan kung ako rin hindi siya kilala.” Dahil sa kausap ko na rin naman na si Orwa, siguro naman sapat nang sabihin ko sa kaniya ang lahat. Para naman alam na rin niya kunga no ang balak naming gawin ni Sunny. Sinabi ko sa kaniya ang naging usapan anmin at plano namin ng kaibigan ko. Hindi naman siya kumontra o nagbigay ng ibang salita, sa halip ay sinabi niyang sasamahan niya ra ako na kausapina ng babae na ito. “Hindi pa anamn ako sigurado kung siya talaga ang nanay ko,” saad ko. Uno pa rin ng pagdududa ang isip ko. “Hindi mo naman sasabihin sa kaniya na ikaw ang anak niya. Itanng mo lang kung siya lang ba ang babae na may ganiyang tattoo sa tagiliran.” nang sabihin ito ni Orwa ay doon lanag din ako napaisip. Tama nga rin anamn siya sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko anman din kailangan na magpakilala sa babaeng ito na siya nga ang nanay ko. “Ibig sabihin, dapat talagaa kong magpunta at kausapin ang babae na to?” tanong kong muli. Mukhang hindi na rin ako mauubusan ng mga katanungan sa utak ko. Mukhang mauubos na rin ang pasensya n oRwa sa mga tanong kong ako lang din naman ang magdedesisyon. “Kaysa naman ang isipin mo palagi 'yan. Na paano kung siya nga o kung kilala man niya ang nanay mo. Mas maganda na malaman mo na kaagad, hindi iyong palagi na lang gugulo sa utak mo 'yan,” sagot nito. Tama rin naman siya sa mga sinabi niya. Alam nya nga ang ugali at gawain ko. Hindi naaalis sa isip ko ang mga bagay na hindi ko pa alam. Hindi ko kayang basta na lang magtanong,a ng ginagawa ko kasi ay ako na alg ang nagpapahirap sa sarili kong magbigay ng mgakwento sa utak ko at hayaan ang sarili ko na magpakalugmok sa katanungan na ayaw kong itanong ang sagot. Maraming sinabi si Orwa sa akin na maaari kong gawin. Marami siang sinabi sa akin na pwede kong itanong sa babae na ito. Mabuti na lang talaga at naiintindihan niya ako sa mga ganitong bagay. Ang dami ko na talagang problema na binigay sa kaniya. Siguro kapag natauhan to, maiisip niyang ang malas niya sa babae na walng ibang ginawa kung hindi ang bigyan siya ng problema. Kaya mabuti na alng hindi pa siya natatauhan. “Paano kung makita mo nga ang totoo mong ina, anong sasabihin mo sa kaniya?” Ang katanungan na hindi ko kayang masagot. Tinanong ko na rin ito sa sarili ko at hindi ko nakuhang sagutin. Noon pa man iniisip ko na sa sarili ko na paano kung nasa harapan ko ngayon ang nanay ko, anong una kong itatanong? Kung bakit ba niya ako iniwan o kungbakit hindi niya ako binalikan? Dahil sa pananahimik ko, mukhang alam na ni oRwa ang magiging sagot ko. “Mukhang hindi mo pa nga rin alam hanggang ngayon kung ano ang asabihin mo. Sabagay, malalaman mo lang 'yan kapag kaharap mo na siya. Kung ano man ang mangyari, alam kong magagawa mo siyang harapin.” Isang matamis na ngiti ang ibinahago sa akin ni Orwa, kasabay nito ay ang pagyakap niya sa akin. Isang yakap na nagbigay ng kapanatagan sa aking pso. “Sana makita ko muna siya bago ko itanong ang mga nasa utak ko,” saad ko. Sa totoo lang nahihirapan na kong pumili. Hindi ko alam kung pipiliin ko nga aba na huwag na siyang makilala o hahanapin ko siya. May pagkakataon sa buhay kong iniisip kong huwag na lang siyang makita dahil nagawa k an rin anmang mag-isa ng mahabang panahon. Pero may pagkakataon na napapaisip ako, lalo na ngayon na kusang may naghahatid ng balita sa akin tngkol sa tunay kong mga magulang. Mahirap pumili sa dalawang bagay. Gusto ko rin itanong sa kaniya kung natupad na ba ang pangarap niya noong iniwan niya ako. Gusto kong malaman kung masaya na ba siya sa pangarap niyang hindi kasama ang anak niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD