Hindi ko alam kung bakit nga ba andito ngayon si Ms. Seila. Sa bahay namin. At kung paano niya nalaman ang bahay namin. Gusto ko sana talaga itong itanong sa kaniya, pero nahihiya naman ako na itanong ito ngayon na kapapasok niya lang sa bahay, mamaya isipin nitong ayaw ko lang siyang mapunta rito.
“Uminom muna po kayo ng juice,” alok ko sa kaniya at inilapag ang isang baso ng juice.
“Napadalaw po kayo?” tanong ko sa kaniya.
Pero hindi manlang ako nakakuha ng kahit na anong sagot. Nakatingin kasi ito sa bawat paligid ng bahay namin na akala mo ay nakapasok na nga siya rito noon. Dahil sa inaasta ng boss namin, nagkatinginana na lang kaming dalawa ni Orwa. Maging siya ay hindi alam kung ano nga ba ang nangyayari. Halata rin sa mukha nitong wala siyang kaalam-alam sa ginagawa ni Ms. Seila.
“Ang ganada ng bahay niyo,” saad ni Ms. Seila habang ang kaniyang labi ay hindi maalis ang matamis na ngiti.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil parang may inaalam ako sa kaniya na hindi ko alam kung ano. Parang may kakaiba sa kaniya na hirap akong ipaliwanag.
“Po?” Si Orwa na mismo ang nagtanong sa kaniya.
“Ang ganda ng bahay niyo. Ang daming masasayang alaala siguro dito no?” tanong nitong muli at marahan na lumapit sa amin. Hindi na siya muling nagsalita dahil umupo na ito.
Napalunok muna ako bago nagsalita. “Marami po talaga, kahit na dalawa lang kami ng lola ko pa ang tumira dito. Noong hindi pa kami nagsasama ni Orwa,” sagot ko.
Totoo naman talaga na maraming alaala na nabuo sa bahay na ito. Kahit na marami kaming pinagdaanan ni lola noon, alam kong mas marami pa rin ang nagpapasaya sa amin. Ang bawat parte rito, si lola lang ang naiisip ko. Kahit na anong mangyari hindi ko talaga kayang ipagpalit ang bahay na ito sa kung ano mang mansyon na makikita ko.
“Bakit niyo naman po iisipin na maganda ang bahay namin? Mas maganda pa rin po ang sa inyo,” dagdag ko.
Hindi naman malaki ang bahay namin kumpara sa kung ano ang mayroon siya, kaya alam kong mas maganda pa rin ang naging buhay niya at mas maganda pa rin ang inuuwian niya.
“Sorry kung itatanong ko rin, anong ginagawa niyo rito? Hindi ba kayo hahanapin sa bahay niyo?” tanong ni Orwa.
Ang tanong na kanina ko pa naman gustong itanong sa akniya. Mabuti na lang at nakakuha si Orwa ng lakas ng loob na magtanong nito. Lalo na at mukhang hindi magandang tanungin ang bisita ng ganito.
“Napadaan lang ako, tapos naalala ko ang bahay niyo kaya nagpunta na rin ako. Hindi ba pwedeng puntahan ko kayo?Ganito naman ako sa lahat ng mga empleyado ko.”
Dahil sa sinabi niya ay napatango na lang ako.May ganitong boss pala? Nagpupunta sa bahay ng empleyado niya kahit na hindi pa naman ako matagal na nagtatrabaho sa kanila? Totoo pala talaga na mabait si Ms. Seila. Kaya pala mahal na mahal din siya ng mga tao.
“Salamat pa rin po dahil naalala niyo ang bahay namin. Sorry dahil ang kalat po, hindi pa kasi kami naglilinis.” Paghingi ko ng dispensa sa kaniya.
Ito ang isa sa nakakahiya, akpag may bisita kami nang biglaan at hindi manalng kami naglinis ng bahay. Hindi ko naman din inaasahan na ngayong gabi pa kami magkakaroon ng bisita. Tapos kauuwi lang din namin ni Orwa galing sa galaan.
“Hindi naman magulo ang bahay niyo.Kayong dalawa lang pala talaga ang nakatira dito?” Hanganggang ngayon ay sa paligid pa rin ng bahay si Ms. Seila na katingin na para bang may mga alaala siyang iniisip sa lugar na ito. Imposible naman iyon, dahil hindi naman namin siya kamag-anak. Wala ring kwento sa akin ang lola na may kamag-anak kaming artista.
“Kami lang pong dalawa. Matagalna po kasing patay ang lola ko at iniwan ako ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung nasaan ba sila ngayon, mukhang hindi na rin naman nila alam na may anak sila.” May mahina akong pagtawa kahit a man may hapdi sa puso ko. Hindi naman ako pwede magdrama sa kaniya, baka isipin niyang gusto ko lang mag-artista.
“At hindi na rin niya kailangan bumalik ang mga tao na iniwan lang din siya,” sabat ni Orwa.
Pinandilatan ko pa siya ng mata. Sinabi ko na sa kaniya ito noon, pero hindi ko naman sinab sa kaniya na sabihin niya sa kung sino mang makakausap niya.
“Bakit naman? May masama ba kung makikita niya ulit ang mga magulang niya?” tanong ni Ms. Seila.
“Hindi naman na siguro bumabalik ang mga mang-iiwan? Dahil po kung mahal talaga nila ako, bakit ako iiwan ng mga magulang ko?” Ako na mismo ang sumagot, ayaw kong may masabi pa si Orwa sa boss namin. “Wag na po natin silang pag-usapan. Mukhang hindi rin magiging maganda kung babalikan ko pa ang nakaraan, boss ka po namin kaya hindi niyo po kami kaibigan. Nakakahiya naman po kung magkwento pa ako,” dagdag ko.
Ang pangit naman sigurong tingnana na boss ko siya tapos hindi andito siya para lang pag-usapan namin ang buhay ko. Hindi naman siguro maganda na ang isang empleyado magiging malapit masyado sa boss. Mamaya isipin nila na sumisipsip lag ako sa boss ko. Ayaw ko na amgkaroon ng issue. Kasi kahit na ako ayaw na ayaw ko talaga na may katrabaho na pinapaboran ng boss.
Dahil na rin sa naging usapan namin, iniba na lang ni Ms. Seila ang mga sinabi niya. Hindi na siya nagtanong pa sa akin tungkol sa mga magulang ko. Hindi rin namin napansin an umipas na ang oras at siya na mismo ang nagpaalam sa amin na uuwi na siya.
Saglit lang ang pananatili rito ni Ms. Seila, pero bakit tila ba may kung ano s amga tingin niya na parang tumira na rin siya rito? O mali lang ang iniisip ko? Baka naman mali lang talaga ako? Ayaw ko isipin na may ugnayan kaming dalawa.
Nang makauwi na si Ms Seila, dalawa kami ni Orwa ang naghatid sa kaniya sa gate kaya dalawa rin kami ngayon na nakatayo rito.
Hbanag snasarado ni Orwa ang gate, nakatanaw lang ako sa malayo habang ang utak ko ay may kung anong iniisip tungkol sa boss namin.
“Bakit kaya naisipan ni Ms. Seila na magpunta rito? Hindi ko rin naman sinabisa kaniyakung saan ang bahay natin, hidni ko naman siya sinama rito kaya paano niya malalaman? Imposible naman na maalala niya lang to basta,” saad ko na tila ba wala pa rin ako sa sarili ko.
“Baka naman nagtanong lang siya sa mga kapitbahay natin? O may kakilala talaga siya rito?” Humarap sa akin si Orwa matapos nitong masigurao na sarado na talaga ang gate.
“Hindi ko rin alam. Hayaan mo na, siguro ganyan lang talaga siya kabait. Manood na lang ulit tayo?” tanong ko kay Orwa habang nakahawak ako sa braso niya.
“Kumain na muna tayo, magluluto muna ako,” sagot nito habang naglalakad na kami papasok sa bahay.
Nang makapasok na kami ako na ang nagsarado ng pinto habang si Orwa nagpunta na sa kusina para magluto ng gabihan namin sa oras na mag-alas dose. Ganito angbagonaming oras dahil walang pasok bukas, matapos kasi nito balik kami sa pagtatrabaho at alam kong marami na naman ang mangayyari.
Ang sabi kasi nila, walang magiging palabas si Lyka ngayon at mag-focus siya sa business nila. Kaya alam kong madalas yan sa cafe. Kili-kili niya focus sa business, iba lang gusto niyang i-focus. Wag niya nga akong lokohin. Ako kakalbo sa kaniya. Wag niyang sbaihin sa akin na mabait ang mama niya.
Nang masigurado kong nakasarado na ang pinto ng bahay, nagtungo na ako sa kusina. Hbanag papasok ako ay naaamoy ko na kaagad ang ulam na niluluto ni Orwa. Sa totoo lang, tuyo lang naman taaga ito, pero ang bango pa rin.
“Umupo ka na mahal, luto na rin naman ito,” saad ni Orwa na ngayon ay nakatingin pa rin sa kaniyang niluluto.
Hindi ako nagsalita, hindi ko rin sinunod nag gusto niya. Sa halip ay naglabas ako ng matamis na ngiti sa labi at marahan na lumapit sa kaniya. Kasabay pa nito ay ang pagyakap ko sa kaniya mula sa likuran. Ang mukha ko ang ipiniig ko sa kaniyang likuran at naramdaman ng pisngi ko ang mga natitirang petals sa kaniyang likuran.
“Wala na akong magiging ibang pahinga kung hindi ikaw lang at ang mga petals na nararamdaman ng pisngi ko ngayon.” Malambing ang boses ko habang sinasabi ko ito. “Ito ang pahinga ko, kahit na anong pagod ang nararamdaman ko,” dagdag ko pa.
Siguro ngayon ang gabi para lang mag-drama ako. Ngayon ang oras para lang sabihin kung ano ang tunay na nararamdaman ng puso ko. Gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat ng iniisip ko, pero paano ko sasabihin? Paano ako magsasalita kung takot pa rin ako?
“Gutom ka lang mahal kaya ka nagda-drama sa akin.” May mahinang pagtawa si Orwa.
Narinig ko pang pinatay nito ang kalan kaya lumuwag na rin ang yakap ko sa kaniya. Kasabay nito ay ang pagharap niya sa akin para lang hawakan ang pisngi ko.
Hindi siya nagsalita, ngunit ang mga mata niya ay nakatingin sa akin at tila ba may kung anong bagay ang sinasabi nito. Isang kapanatagan na alam kong kahit na anong mangyari, mamahalin niya ako hanggang sa huli ng buhay ko.
“Mahal na mahal kita,” saad nito habang dahan-dahan niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin.
Ang mga mata ko ay kusa na lamang ding pumikit. Pikairamdaman na lang ng katawan ko ang mga mangyayari. Ang isang kamay ni Orwa ay nakalagay sa baywang ko at ang isa ay sa pisngi ko pa rin. Hindi nagtagal ay unti-unti ko ring naramdaman ang mga labi nito na dumapi sa aking labi.
Isang segundo ngunit langit ang hatid. Ang puso ko ay hindi ko na magawa pang kontrahin. Alam kong bumabagsak na ang pagkatao ko sa mga halik na tinutugunana ko. Ang mga halik an alam kong kahit na anong gawin ko hindi ko na kaya pang bitawana ng mainit na halik na ito.
Kahit na ako ang kusang nagpaparaya, hindi pa rin nagpahintulot si Orwa. Agad niyang inalis ang halik na unti-unting nagliliyab.
“Hindi ito dapat, hindi dapat pinapairal ang init na mas nakakapaso pa sa apoy,” saad nito nang tuluyang nagkalayo ang labi namin.
Hindi ako nagsalita, iminulat ko muna ang mga mata ko at tuluyang bumungad sa akin ang mukha ni Orwa.
“Bakit?” Para akong isang bata na naghahanap ng isang bagay na ayaw ibigay sa akin.
“Pagod ka lang at kailangan mong pahinga. Kumain ka na muna at matulog ka na rin,” saad nito. Umiwas siya ng tingin sa akin at hinila na ako palapit sa lapesa.
“Umupo ka na muna.” Hinila nito ang isang upuan, ayaw ko mang gawin ang utos niya ay wala na rin akong nagawa. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kinukuha ang ulan na kanina pang nasa kawali.
Hindi ko alam kung bakit ba hindi pa rin pwede. Magkasama na rin naman kami sa iisang bahay, kaya bakit hanggang ngayon hindi niya parin gustong gwain? Hindi ko na rin alam sa sarili ko kung bakit sa tuwing hinahalikan niya ako nararamdaman kong may hinahanap ang katawan ko, pero patuloy siyang tumatanggi.
May mali ba sa akin? Paano niya nagagawang pigilan yon? Alam ko naman na nararamdaman din niya ang nararamdaman ko. Gusto kong mainis pero hindi ko magawa.
“Matapo nito magpahinga ka na ha? Baka pagod lang yan,” saad nito na amy mahinang pagtawa na mukhang inaasar nga talaga ako.
“Oo na, ayaw mo naman talaga palagi na lang.” Tumulis ang nguso ko habang nakatingin sa kaniya.
Ang hirap kaya nito. Nakakaloka na talaga! Parang palagi akong naghahanap, ang pangit ata nito sa babae? Ewan, ko ba. Bahala na. Wala rin naman akong magagawa sa sarili ko kung ganito talaga ang nararamdaman ko. Baka nga gutom lang talaga ito.