Chapter 57

1053 Words
Bakit ba minsan; hindi pala minsan, kung hindi madalas na lang akong sinusubok ng pagkakataon? Palagi na lang ma hadlang sa kung paano ko gustong maging masaya para lang sa sarili ko? Ang hirap nito lalo na kung kasama ko si Orwa tapos si Sir Tyron pa ang makakasalubong ko o hindi kaya ang kakausap sa akin? Kung hindi naman siya, si Lyka naman ang mangugulo kay Orwa. Bakit gano'n? Noong wala pa si Orwa at hindi ko pa inaalay sa akniya ang buong puso ko, hindi ako pinapansin ni Sir Tyron? Ang ganitong bagay, kasama ba ito sa kung ano ang kahaharapin ko sa mga susunod na araw? May kinalaman din ba 'to kay Orwa? “Bakit umuwi na tayo agad? Ang sabi mo gusto mong manood ng sine?” tanong ni Orwa nang makapasok na kami sa loob ng bahay. “Hindi na, dito na lang tayo manood. May mga movies naman na mapapanood natin. Maganda rin naman ang mga palabas sa tv,” sagot ko. Malumanay akong umupo sa sofa at kinuha ang remote ng tv. Parang wala kong bhay ngayon, bakit naman kasi sa dami ng pwede kong makita si Sir Tyron pa, pwede namang mga dati kong kaklase na naging kaibigan ko rin. May ibang naging katrabaho naman ako na naging kaibigan ko rin, bakit kasi siya pa? Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang naging usapan naming dalawa, lalo na doon sa inaaya niya ako na makipag-date sa kaniya. Paano kung siya nga talaga ito? Paano kung lahat ng ito ay plano nilang dalawa ng jowa niya? Gsto lang nilang subukan kaming dalawa ni Orwa? Mukhang may hindi ka sinasabi sa akin.” Naramdaman ko ang pag-upo ni Orwa sa tabi ko. Hindi na ako nagsalita pa, sa halit ay nakatuon lang ako sa tv. “Tungkol ba sa lalaking 'yon? Hindi ko alam kung bakit ba palagi ka niyang gustong agawin sa akin, pero alam kong akin ka lang. Hindi ba?” Mahinahon na tanong nito ngnit ramdam ko ang mga init ng kaniyang salita. Ang boses nito, alam kong may ibig na sabihin. “Ako naman ang hihiling sa 'yo, sana 'wag mo akong iwan. Wag mong piliin ang iba,” dagdag nito. Kasabay pa nito ay ang mahinahon niyang paghawak sa baywang ko palapit sa kaniya. Sa ginawa niyang ito, doon lamang ako napatingin sa kaniya. Ang mukha ko ay nakasubsob sa kaniyang dibdib. Hindi ako sumagot at hindi nagbigay ng kahit na anong reaksyon, sa halip ay inayos ko lang ang pagkakaupo ko at itinapat ang tainga ko sa kaniyang dibdib. Gusto kong malaman niyang kahit na anong mangyari, ang t***k lang ng puso niya ang nais kong pakinggan. “Alam mo naman na kahit na anong magyari, hindi ko magagawang ipagpait ang lalaking ibinigay sa akina ng mga bagay na hiling ko. Hindi sa materyal na bagay, kung hindi sa pagbibigay ng buhay sa sarili kong matagal ng mag-isa.” Ngayon ko lang nagawang magsalita. Ang mga salitang biitawan ko ay nagmumula sa puso ko. Ang mga sinabi ko sa kaniya ay mula sa kung ano nga ba talaga ang tunay kong nararamdaman. “Ang drama ko na. Sabi ko manonood muna akong palabas. Comedy na lang, para naman matawa tayo.” Dahil sa sinabi ko ay natawa si Orwa, tumalbog pa ang ulo ko na nakapatong sa dibdib niya. “Kahit naman hindi nakakatawa ang palabas, sa 'yo lang naman ako sasaya,” saad nito na tila nagbigay ng kakaibang kuryente sa katawan ko. “Barbie and the idiots na lang ang panoorin natin. Nakita ko ang trailer nito kanina, nakakatawa talaga.” Ibinida ko sa kaniya ang isang palabas na nakita ko kanina sa f*******:. Paburito ko si Vice ganda na gumanap bilang si Barbie, kaya alam kong maganda talaga ito. Matapos kong maikonek ang TV sa internet ng phone ko, nanood kami ni Orwa sa netflix. Comedy naman ang panoorin nmin, mukhang wala na kaming saya sa pagkatao namin dahil sa dami ng mga problema na kinaharap namin. Pero mukhang ako lang naman din talaga ang may malaking problma sa amin ni Orwa. “Grabe naman si Pepe.” Hindi na mapigilan ni Orwa ang humalakhak dahil sa palabas na pinapanood namin. Sa halip na sa TV ako nakaharap para panoorin ang nakakatawang palabas, kay Orwa na ako nakatingin. Sa kaniya nakatuon ang buong atensyon ko, lalo pa ngayon na nakikita kong natatawa siya sa pinapanood niya. Kaya nga ako nanood ng comedy para sana matawa at hindi ang ganito na nagsisimula na naman ang drama. Pero paano ko nga ba makakayang pigilan ang sarili ko? Paano ko magagawang sabihin sa sarili ko na wag malungkot kung naiisip kong maaaring hindi rin magtagal ang ganito? Na maaaring ako o siya ang mang-iiwan sa isa. Anong gagawin ko? Sa patuloy naming panoood ng TV ay may kumatok sa gate. Hindi na dapat namin ito papansin dahil mukhang may kung sino na naman ang nais na guluhin kami, pero nang magsalita ang nasa labas at naging pamilyar sa akin ang boses, agad akong napabukas ng bintana. “Hinaan mo nga raw ang volume,” utos ko kay Orwa na ginawa naman niya. “Sino 'yon?” tanong niya sa akin. “Sunshine? Orwa? Andyan ba kayo ngayon?” tawag ng isang babae. Kumunot ang noo ko at agad na napatingin kay Orwa, alam kong kahit na hindi niya nakikita ang tumatawag, alam kong kilala na niya ito. Dahil sa lambing pa lang ng boses nito, makikilala na namin kung sino siya. “Anong ginagawa ng boss natin sa bahay natin? Anong oras na ba?” tanong ko kasabay nang pagtingin ko sa orasan. “Mag-alas diyes na, bakit siya nadito?” dagdag kong tanong. “Hindi ko alam, tayo ang magkasama ngayon kaya paano ko malalaman?” May pamimilosopo sa boses ni Orwa. “Pagbubuksan mo ba siya ng pinto?” dagdag na taong nito. “Kailangan, ayaw ko naman na isipin niyang ayaw natin sa kaniya.” Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Ms. Seila sa bahay namin ng ganitong gabi. Bakit naman niya rin ako pupuntahan? May importante ba siyang sasabihin sa amin ni Orwa? Aalisin na ba niya kami sa trabaho at gusto niyang ngayon na mismo? Ang gulo naman talaga ng nangyayari ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD