Dalawang araw kaming walang pasok ni Orwa, kaya ngayon dalawang araw rin kaming malaya na gawin ang mga bagy na gusto namin. Syempre hindi kasama doon ang gusto kong gawin, ayaw naman kasiniya. Char! Nagmumukha lang aong hayok sa laman.
“Gusto mo bang gumala manlang tayo? Nasa bahay lang tayo palagi, wala namang ibang ginagawa,” saad ko at marahan akong tumngin kay Orwa.
“Mas maganda kung magpunta tayo ng mall tapos bumili ng damit mo,” sagot nito.
“wow naman Bagong sweldo ba tayo ngayon?” biro ko sa kaniya.
Kung mag-aya kasi siya sa akin na gumala kami at magpunta sa mall akala mo ang laki ng sweldo naming dalawa.
“Hindi naman, may pera pa naman ako. Hindi mo kasi kinukuha lahat at wala rin naman akong bibilhin, bakit hindi ko na lang igastos sa mga gusto mo?”
Grwabe talaga magsalita si Orwa, ang simple lang naman nito pero bakit kakaiba ang hatid sa akin? Parang sa bawat pagsasalita niya, bago nang bago sa akin kahit na ilang beses ko na rin namang narinig ang iba sa mga sinasbi niya.
“Ano? Tara na, para makapaggala na rin tayong dalawa,” pagpapaalala niya sa gusto kong gawin.
“Ukay-ukay na lang, hindi na sa mall. Ayaw ko naman na isipin mong kailangan mahal pa rin ibigay mo sa akin.”
“Mas mahal pa rin kita,” saad nito at itinaas-baba pa ang kaniyang kilay.
“Nakakainis talaga mga sinasabi mo sa akin.” Ibinato ko sa kaniya ang unan.
“Tara na kasi, malapit na ring gumabi, ayaw ko naman na gabihin tayo sa labas. Mas masaya ang gabi kapag nasa loob ng bahay,” ang huling sinabi niya ay pabulong lang.
“Orwa! Tara na nga.” Para na naman akong isang bata na ngayon lang makakalbas ng bahay.
Malapit lang naman ang mall sa amin, kaya isang sakayan lang ng jeep.
Sa totoo lang ayaw ko talaga na magpunta sa mall at doon bumili. Guto ko lang sa mall dahil malamig doon. Ang mahal kasi masyado ng mga damit dito, pero mapilit talaga si Orwa. Kahit na isang damit lang daw na gusto ko bibilhin niya.
Nang makapasok kami sa isang shop agad akong naghanap ng damit na mura lang at alam kong hindi mauubos ang pera ni Orwa. Alam ko naman na kahit ano sa mga damit na isusuot ko, maganda pa rin akong pangamba na kuhanin ang pinakamurang damit dito.
“Sandali lang mahal, may kukunin lang ako sa kabila,” paalam sa akin ni Orwa. Balak ko pa sana siyang pigilan pero naglakad na ito patungo sa mga panlalaki. Gusto ko ring sumunod pero baka ayaw niyang makita ko kung ano ang bibilhin niya.
Well, kahit naman bumili siya ng brief, nabilhan ko na rin naman siy noon, mali nga lang nag nabili ko. Pero kahit na, bumili pa rin ako para sa kaniya.
“Ano kayang magandang bilhin dito?” tanong ko sa saili kohabang pinagpipilian ang dalawang damit.
Sa mga andito ito lang ang murang damit na nakita ko. Maganda naman ang style, pero mas maganda pa rin ang mga mahal na presyo. Kaya ko rin naman itong tanggapin, dahil binili sa akin ito ni Orwa.
“Mas maganda kung ito ang susuotin mo.” Halos mapatalon ako sa gulat matapos na may magsalita mula sa likuran ko, dahil dito ay agad akong napatingin sa kaniya.
“S-sir Tyron?” Kahin na naginginig pa ang boses ko, nagawa ko pa ring banggitin ang pangalan niya.
May matamis na ngiti siyang ipinakita sa akin habang nakataas ang isang kamay niya habang hawak ang isang dress. Kinusot ko pa ang mga mata ko para lang tingnan kung tunay nga ang nakikita ko. Tama nga, andito nga talag si Sir Tyron sa harapan ko.
“Sa tingin ko mas bagay sa 'yo kapag ito ang binili mo,” saad nito at iniabot sa akin ang dress na hawak niya. Hindi ko masyadong makita kung ano ang design nito, dahil ang buong atensyon ko ay nasa mukha lang ni Sir Tyron, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon ay nasa harapan ko siya.
“Hindi na po, hindi ko naman kailangan ng mahal na damit. Anong ginagawa mo po rito?” pagtanggi ko sa inabot niyang dress.
“Naggagala lang din ako mag-isa tapos nakita ko kayo ng boyfriend mo. Hindi ko naman gustong sundan ka, pero napansin ko na d'yan ka sa mga sale npumipili. Why? Wala bang sapat na pera si Orwa para bilhan ka ng mamahaling damit?” Sa tanong na binitawan niya ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
Bago pa man ako magsalita ay narinig ko na ang boses ni Orwa na tinatawag ako.
“Mahal, may napili ka na bang bibilhin mo?” tanong nito. Dahil sa pagsasalita niya ay napalingon na rin si Sir Tyron.
Nang sandaling makita ni Orwa kung sino ang kausap ko, ang maganda niyang ngiti kanina pa ay tila isang bula na mabilis na naglaho. Ang dalawa niyang makapal na kilay ay nagsalubong.
“Wala akong nakita rito mahal, habnap na lang tayo sa iba.” Agad kong pinutol kung ano ang namumuong tensyon. Hinawi ko si Sir Tyron at agad n kumapit sa braso ni Orwa. Nang gawin ko ito, napansin ko ang pag-aliwalas ng mukha ni Orwa.
“Oo nga po pala sir. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na hindi naman po lahat nadadala ng mamahaling binibili, minsan mas sapat na na tunay ang nararamdaman na pagmamahal, kaysa mahal ang binibigay na gamit.” Ngumiti pa ako ng saglit at agad na hinila si Orwa paalis.
Kahit na anong bagay ang sabihin niya na hindi kayang ibigay ni Orwa sa akin, isa lang ang alam ko, si Orwa lang ang nagbibigay sa akin ng buhay. Siya ang nagbibigay ng mga bagay na hindi nabibili ng pera. Hindi ko kailangan ng mahal na gamit, hindi ko kailangan ng mamahaling mga damit. Ang kailangan ko ay ang tao na makakasama ko sa mga panahon na pakiramdam ko mag-isa lang ako.
Matagal ko na kinakaharap ang kahirapan ng buhay ko. Mulat na ako sa reyalidad na hindi lahat kaya kong bilhin at hindi ako pinanganak na mayaman. Pero si Orwa, simula noong dumating siya, pinaramdam niya sa akin na mayaman ako sa pagmamahal. Ito ang mas mahalaga sa akin at wala ng iba pa.