Nakakapanibago talaga ang araw na ito. Maging si Lola Remedyos talaga ay may kakaibang awra ngayon. Ganito na ba talaga ang nangyayari ngayon sa mundo? Para akong gumising isang araw na may kung ano na ang pagbabago sa lahat ng mga nasa paligid ko.
“Ang sarap ng totong na niluto mo lola,” puri ko sa masarap na miryenda. Sa totoo lang masarap naman talagang magluto si Lola Remedyos.
“Kung hindi ka lang siguro pasaway na bata noon, palagi mong natitikman ang mga niluluto ko. Ang pasaway mo kasi noon pa man.” Natatawang saad ni Lola Remedyon.
“Pasaway ka na pala noon pa amn.” Pinisil ni Orwa ang pisngi ko.
“Aray naman. Hindi naman kasi ako pasaway noon, nagdidilig lang ako ng mga halaman niya tapos magagalit na siya sa akin,” depensa ko sa sarili ko.
Totoo naman kasi ang mga sinabi ko. Wala naman akong ibang ginagawa kung hindi ang magdilig ng mga halaman niya, tapos palagi na lang siyang galit sa akin. Kung hindi pa siguro dumating si Orwa, hanggang ngayon galit na galit pa rin ito sa akin. Hindi naman niya sinasabi sa akin kung bakit pa siya nagagalit sa akin.
“Ngayon ka nga lang po naging mabait sa akin,” saad ko pa. Hindi ko na pipigilan ang sarili ko na sabihin ang mga salita na laman ng isip ko. Paano ba naman, mukhang mag-isa lang akong kakampihan ang sarili ko.
“Mabuti na lang at bumait na rin si Lola Remedyos,” saad ni Orwa na hanggang ngayon ay hindi pa rin maaalis ang ngiti sa labi.
“Sandali nga lang, naiihi na ako. Babalikan ko kayong dalawa, basta wag mo akong siraan Sunshine,” paalam ni Lola Remedyos.
Ako pa talaga ang siisraan siya, sino kaya sa aming dalawa ang palagi na lang nang-aaway noon? Well, bahala na si Orwa kung maniniwala siya rito, kung ano man gusto niyang gawin.
“Ang kulit mo rin kasi noon, kahit na ilang beses kang pagalitan at palayasin ni lola.” Nagsisimula na si Orwa na magkweto ng tungkol sa kung ano ang mga pangyayari noo.
Dahil na rin sa narinig ko, kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya. Kung magsalita ba naman kasi siya ang akala mo matagal na niyang alam ang pangyayari sa buhay ko bago pa man siya dumating sa buhay ko.
“Aning sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko na mapigilan ang sarii ko magtanong, lalo pa at alam kong ngayon lang naman niya ako naksama, simula noong naging tao siya.
“Halaman lang ako, pero hindi ko sinabi na hindi ko nakikita at naririnig ang mga sinasabi mo sa akin noon. Hindi mo ba tanda? Ilang pag-iyak mo na ba ang narinig ko?” tanong nito sa akin mula sa kaniyang kalmadong boses.
Dahil sa sinabi niya ay napatakip ako ng bibig ko. Hindi ko man maalala kung ano ang mga sinasbai niya, pero isa lang ang pmasok sa isip ko.
“Ang ibig sabihin kapag kinakausap ko ang mga halaman, alam din nila ang nararamdaman ko/” tanong ko sa kaniya. Hindi pa rin maaalis ang pamamangha sa mukha ko.
Ngayon ko lang din naman itong malalaman, hindi pa naman ako nakakilala ng ibang halaman na naging tao. Hindi pa rin naman sumagot ang mga halaman sa mga tanong ko noon, kaya talagang nakakapagtaka ito.
“Oo, naririnig namin ang hinaing ng puso ng mga taong kumakausap sa amin. Alam mo bang binubuhay kami lalo ng mga pagmamahal ng mga nag-aalaga sa amin? Alam naming mga halaman kung ano ang mga problema at hinaing ng mga taong kumakausap sa amin. Hindi nga lang namin kayang sumagot, pero alam namin lahat ito. Hindi kami nagsasalita, pero nakikinig kami.” Mahaba nitong paliwanag.
Bumagsak ang panga ko sa sahig dahil sa mga nalaman ko. Marahan ko ring inilibot ang paningin ko sa mga halaman na nasa paligid ko. Iniisp ko ang mga sinabi ni Orwa sa akin.
“Ang ibig sabihin, naririnig ng mga halaman kung ano ang mga sinasabi namin? Kahit ang mga problema na sinasabi namin?” tanong kong muli. Para atang hindi na ako mauubusan pa ng mga tanong dahil sa mga sinasabi ni Orwa.
Marahan itong tumango habang ang ngiti sa kaniyang labi ay hindi maalis. “Kaya kung pakiramdam niyang walang nakikinig sa inyo at wala kayong mapagsabihan ng problema, andyan ang mga halaman para lang pakinggan kayo. Hindi man kami nagsasalita, handa naman kaming pakinggan kayo sa mga oras na pakiramdam niya walang makikinig sa inyo.” Mahinahon nitong sagot.
Tuluyan akong natahimik at ang mga ginagawa ko noon ay bigla ko na lang naisip. Ilang beses ko na bang sinabi sa mga halaman kng ano ang problema ko? Lumaki ako na nag mga halaman lang ang nagiging sandigan ko kapag pakiramdam ko wala akong makausap.
“Ang bilin sa akin ni lola noon, na kapag pakiramdam ko walang kayang umintindi sa akin, iintindihin ako ng mga halaman. Hindi ko akalain na mangyayari ngang naiintindihan nila ang mga poblema ko. Nakkahiya.” Mariin ko pang ipinikit ang mga mata ko at napatampal sa noo ko.
“Ang dami ko pa namang kalokohan na sinabi sa mga halaman tapos maririnig lang nila ako,” dagdag ko.
“Maraming bagay ang hindi natin alam sa mundong ito. Maraming bagay ang hindi natin basta lang maipapaliwanag dahil ito lang ang nakikita ng mga mata natin.”
Tama si Orwa, maraming bagay ang hindi ko pa alam. Sa dami ng bagay na ito, pati ang tunay na dahilan kung bakit naging tao si Orwa ay hindi ko pa rin alam ang totoo. Hindi ko alam kung sasabihin niya rin ba sa akin kung para saan ang mga petals na nahuhulog.
“Pero sana maalala mo rin ang ginawa mo noon. Sa puntong maalala mo ito, malalaman mo kung bakit nga ba ako andito.”
Lumabas na sa mismong bibig ni Orwa ang mga salita na kanina pa nasa isipan ko. Ang mga katanungan na hindi ko maitanong sa kaniya. Pero sana nga ay malaman ko kung ano ang bagay na ginawa ko noon. Malaman ko kung bakit nga ba bigla na lang siyang naging tao at ano ang naging malaking ambag ko, maliban sa dugo na ipinatak ko sa kaniya noon.