“Pupunta tayo kay Lol Remejos?” tanong ko kay Orwa na may matamis na ngiti at galak na galak ang puso.
Parang ngayon na lang ulit kami mag-uusap ni Lola Remejos. Sa totoo lang hindi namna talag kami close noon, siguro kung hindi dumating si Orwa hindi niya ako kakausapin. Ang dami talagang pagbabago sa buhay ko simula noong dumating ang lalaking ito, kaya alam kong marami din ang magbabagao sa buhay ko kapag nawala na siya.
Drama na naman.
“Oo, pinapapunta niya rin tayo mamaya dahil magluluto nga raw siya ng miryenda,” sagot nito.
Hindi ko alam kung bakit ako napapalakpak. Ang plastik na ata masyado ng pagiging atat ko. Alam kong may alam si Lola Remedyon sa mga nangyayari kay Orwa, pero alam ko rin naman na hindi nagsasalita ito tungkol sa kung ano ang nangyayari sa jiwa ko. Wala talaga ng gustong magsalita.
Magdidilg muna ako ng mga halaman bago tayo pumunta sa bahay ni Lola Remedyos,” saad ko kay Orwa.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita, dahil lumabas na ako kaagad. Alam ko kasi na uunahan na naman ako nito sa pagdidilig ng mga halaman. Kaya hanggat maaari gusto kong ako muna ang magdidilig ng mga ito. Gusto kong ako na lang ang magdilig, ako naman diligan. Charot!
Nang makalabas ako ng bahay, sinimulan kong ayusin ang mga halaman. Ang ilan sa mga ito mukhang napabayaan ko na. Kung andito lang si Lola baka pinagalitan na talaga ako nito na hindi ko inaalagaan ng maayos ang mga halaman.
Simula bata pa lang ako ang gusto ni lola mahalin ko ang mga halaman, kaya siguro ganito ang nagyayari sa akin. Sa sobrang pagmamahal ko sa isang halaman ang mahal ko ngayon galing sa isang halaman na rin. Ang galing lang.
“Ang swerte niyo naman, mabuti pa kayo alam niyo kung ano ang nangyayari kay Orwa,” saad ko sa mga halaman na akal mo ay kaya nila akong marinig at nakakausap nga nila ako.
“Sana ako rin, kaya kong pakinggan ang mga tunay niyang dahilan kung bakit naaalis ang mga petals sa likuran niya,” dagdag ko pa.
Ito lang naman ang gusto ko ngayon. Walang kahit na anong bagay akong nais na malaman kung hindi ang tunay na dahilan kung bakit nga ba ganiyan si Orwa at kung ano ang ibig sabihin kung bakit naglalagas ang mga petals.
Hindi lang kasi ito basta lang, alam kong lahat ito may ibig sabihin o may parte ng bawat naming nakaraan.
“Mahal!” Halos mapataon ako s agulat matapos na tawagin ako ni Orwa, sa gulat ko nga muntikan ko pang maitapon ang maliit na paso na hawak ko.
“Bakit ka ba nanggugulat?” tanong ko. Ibinaba ko pa ang paso na hawak ko.
“Hindi naman ako nanggugulat, bakit ka nagugulat?” Para siyang inosenteng bata. Ganito naman talaga ng mukha niya.
“Wala naman, kinakausap ko lang kasi ang mga halaman. Kinakamusta ko kung maayos lang ba silang lahat, baka sumagot sa akin,” saad ko na may mahinang pagtawa.
“Hindi sila magsasalita sa 'yo. Nakausap ko na silang wag kang kakausapin,” wika nito. Maging ang kaniyang balikat ay may mahinang pag-alog.
“Ang sama niyo talaga sa aki.” Tumulis ang nguso ko.
“Maliligo na muna ako. Nakasarado naman ang gate no?”
Nang tanungin niya ito, doon lang ako napatingin sa gate.
“Hindi ko naman binuksan 'yan,” mabilis kong sagot.
Hindi sya nagsalita, tanging pagtango lang ang ipinakita niya sa akin.
“Maliligo lang ako saglit, tapos punta na tayo kay Lola Remediyos. Wag mong bubuksan ang gate kahit na sino pa ang tumawag. Patulugin mo muna ang mga halaman, hindi nila gusto ang mga kwento mo,” biro nito.
“Oo na, maligo ka na.” Umangil ako.
Wala siyang sinabi, muli lang siyang natawa at pumasok na sa loob ng bahay. Grabe talaga ito sa akin, bakit niya sasabihin na hindi ako kakausapin ng mga halaman? Well, hindi naman talag. Pero totoo kayang nakakausap niya ang mga halaman? Weh? Baliw na naman ata ako.
“Nakakausap niyo ba siya? Kung nakakausap niyo siya, sabihin niyo gusto kong ulam mamayang gabi ampalaya,” saad ko na para bang sasabihin nila ito kay Orwa. Para na siguro akong tanga, mabuti na lang at mga halaman lang ang kasama ko ngayon at hindi ako naririnig ng sino mang mga tao sa paligid.
Habang nagpapatuloy ako sa pagdidilig ng mga halaman, biglang tumunog ang phone ko. Dahil dito ay ibinaba ko muli ang isang paso at kinha ang phone na nasa bulsa ko.
Nang sandaling makita kung sino ang nagtext, marahan na kumunot ang noo ko.
“Si Sir Tyron?” tanong ko sa sarili ko na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Sa buong kasaysayan, ngayon lang nagpadala ng mensahe sa akin ito. Totoo na ba ito? O baka sinusubukan lang ako ng jowa niya?
Para naman hindi ako maging bastos ay binasa ko ang text niya, pero wala akong balak na mag-reply. Baka malaman pa ito ni Orwa, simulan pa ng pag-aaway naming dalawa.
“Date? Seryoso ba siya? Inaaya niyang makipag-date ang babae na alam niyang may jowa na? Tapos niya rin, jowa niya si Lyka. Ang gulo naman nila.”
Bakit naman biglang ganito siya sa akin? Mukhang gusto talaga ni Lyka na magkaroon kami ng issue ni Orwa para lang maagaw niya ito. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon, pati ibang tao gagamitin niya. Alam ko naman na hindi ganito si Sir Tyron, kaya alam ko rin na hindi niya ito ite-text sa akin.
Bago pa ma mabasa ni Orwa ang text na ito, agad ko na ing binura. Ayaw kong makahalata siyang may tinatago ako sa kaniya. Ayaw ko naman na isipin niyang may iba na ako. Matagal ko nang hindi gusto si Sir Tyron, simula noong mahal ko na si Orwa. Alam ko rin na kahit anong mangyari, hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon namin ni Orwa.