Chapter 53

1054 Words
Simula noong narinig ko ang mga sinabi ni Orwa hindi na rin ako nakatulog. Nasa loob lang ako ng kwarto habang nakatulala lang sa malayo. Ang dapat kong panonood ng movie, hindi ko na nagawa pa. Maging ang pagkain ko ng ice cream. Natunaw na lang ito na parang pagkatao ko. Tuluyan nang tumagos ang sikat ng araw mula sa bintana. Siguro kanina pa rin si Orwa gising, kung natulog nga siya matapos nang madaling-araw na 'yon. Ngayon ko na lang ulit natanong ang sarili ko, ngayon ko na lang natanong kung palagi nga ba itong ginagawa ni Orwa. Kung palagi nga ba siyang nagigising ng madaling-araw para lang isipin ang mga bagay na hindi niya sinasabi sa akin. “Dapat ko ba siyang tanungin?” tanong ko sa sarili ko. Ilang beses ko na nga bang tinanong ang mga salita na ito? Ilang beses ko na bang tinanong ang sarili ko kung dapat ko nga bang tanungin si Orwa? Pero isa lang din naman ang alam ko, kahit na anong gawin ko, hindi niya sasagutin ang katanungan na nasa isip ko. Alam kong kahit na anong gawin ko, hindi niya sasabihin sa akin ang lahat. Gusto niya palagi lang kaming okay, kahit na hindi naman talaga. “Mahal? Gising ka na ba?” Napatingin ako sa pinto matapos na kumatok ni Orwa. Kumawala muna ako ng malalim na paghinga bago ako sumagot. “Lalabas na ako mamaya, maliigo muna ako,” sagot ko sa kaniya. “Maghahain muna ako ng pagkain natin,” sagot nito. Ilang saglit pa, naramdaman kong umalis na rin siya sa likod ng pinto. Muli akong nagbitaw ng mabigat na paghinga. Gusto kong maligo muna bago ako lumabas ng kwarto, baka mapansin ni Orwa pagkabalisa ko. Ayaw kong tanungin niya ako na mauuwi lang din naman sa hindi namin maayos na pag-uusap. Ayaw ko rin naman ipakita sa kaniya na mukha akong hindi pa natutulog, kahit ito naman talaga ang totoo. Baka sakali kapag naligo ako, mabawasan ang sama ng pakiramdam ko. Baka sakali kapag nakaligo na ako, mahimasmasan naman ang utak ko. Maging sa pagligo ko, natagalan pa ako. Hindi kasi maaalis ang matagal kong magtitig sa malamig na tubig. Matapos kong maligo, nakaramdam ako ng kginhawaan. Kahit paano pala nakakabawas talaga ng iniisip kapag naliligo. Pero hindi namna lahat tinangay ng tubig. Hindi nito natangay lahat ng sama ng loob sa puso ko. “Mahal? Kanina ka pa ata andya, may problema ba?” Bumalik lang ako sa sarili ko matapos na kumatok muli si Orwa. “Saglit lang, palabas na akom” sagot kong muli na nagbibigay kasigurduhan. “Lumabas ka na, baka lumamig na ang pagkain natin. Baka gutom ka na rin,” saad nito. Dahil ayaw kong mag-isip si Orwa na hindi ako maayos, pinilit ko na lang ang sarili ko na maglabas ng matamis na ngiti bago ko buksan ang pinto. Mula roon nakita ko siyang nakatayo sa harapan ng pinto at mukhang kanina pa nga ako hinihintay na lumabas. “Good morning,” masigasig niyang bati sa akin. “Good morning, mahal.” Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at mabilis siyang hialikan. Saglit lang ito na parang isang hangin lang na dumaan. “Ang aga mo naman atang naligo? Walang pasok ngayon, aalis ka ba? Magkikita ba kayo ni Sunny?” tanong nito matapos namin na maglakad patungo sa kusina. “Bawal na bang maligo kapag hindi papasok sa trabaho? Kailangan ba tamad maligo kapag di aalis?” bio ko sa kaniya. Natawa na rin ako sa sarili ko matapos ko itong sabihin. “Hindi naman, alam ko naman na tamad kang maligo kayanakakapagtaka lang talaga,” sagot nito na may mahinang pagtawa. Ang mukha niya, halata rin na kanina pa nang-aasar sa akin. “Kumain na nga tayo, inaasar mo pa ako.” Para na naman akong isang bata. Ayaw kong masira ang araw na ito dahil lang sa mga katanungan sa utak kong hindi ko masagot. Gusto ko na maging okay kami kahit na pareho naming alam na hindi kami okay. Dahil sa punto na ito, alam kong hindi lang naman si Orwa ang may hindi sinasabi sa akin, alam ko rin sa sarili kong may hindi ako kayang sabihin sa kaniya. May tinatago akong bagay na hindi pa ako handa para sabihin sa kaniya. “Parang ang aga mo atang nagising para magluto?” tanong ko sa kaniya matapos na makita ang niluto niyang gulay. “Oo, gusto ko kasi na magluto ng umagahan natin,” sagot niya. “Kahit naman hindi umagahan, ikaw talaga ang nagluluto.” Umalog ang balikat niya dahil sa sinabi ko. “Anong oras kang natulog? Wala ata ang ice cream na binili natin noong nakaraan?” Dahil sa tanong niya, marahan akong napatigil sa pagsandok ng pagkain ko. “Hind ko alam kung anong oras, hindi ko rin nakain kasi nakatulog ako,” pagsiisnungaling ko. Hindi na ako tumingin pa sa mga mata ni Orwa, dahil alam kong kahit na anong gawin ko makikita niya ang mga kasinungalingan sa mga mata ko. “Sana hindi ka nagpupuyat.” Ito na lang ang mga salitang binitawan niya. Ilang saglit pa ay nakita ko na ibinaba niya ang kutsara na hawak niya. “Huwag mong pabayaan ang sarili mo,” dagdag niya. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Sa puntong ito marahan kong inangat ang ulo ko para lang tingnan siya. “Sana ikaw rin, ayaw kong napupuyat ka s amga bagay na hindi mo naman sinasabi sa akin.” Ito ang ayaw ko, ang masabi ko ang mga bagay na laman ng dibdib ko. Ito ang kahinaan ko sa tuwing titingin ako sa mga mata niya. Nagagayuma ako para lang sabihin ang mga bagay na pilit kong tinatago sa sarili ko. “May panahon para sa mga kasagutan.” “Kailan ang panahon? Kapag tayo na mimo wala ng panahon?” Dahil sa mga sinabi ko, binalot ng katahimikan ang bawat naming paligid. Gusto kong itanong sa kaniya lahat ng ito. “Hindi nauubos ang panahon na para sa atin.” Ang mga salitang binibitawan niya at tila ba may pinapahiwatig sa akin. Pero kung ano man ang mga bagay na iyon, handa na ako, handa akong makasama siya sa mga panahon na sinasabi niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD