Sa kalagitaan ng mahimbing kong pagkakatulognagising akong bigla. Napatingin pa ako sa orasan na nakasabit sa itaas ng pintuan ng kwarto ko.
“Alas-tres pa lang pala? Parang katutulog ko lang din,” saad ko sa sarili ko.
Hindi ko alm kung may multo bang nakatngin sa akin o may tumatawag sa akin para lang magising ako ng ganito nga kaaga. Hindi naman na rin ako nakaramdam ng antk. Kung kailan naman walang pasok at pwedeng gumising ng tanghali, madaling-araw pa akong magigising.
Dahil hindi ko na rin mapigilan pa ang sarili ko na makatulog, napaupo na lang ako. Tumulala akong saglit sa kawalan. Mukhang hanggang ngayon binbagabag pa rin ako ng maraming katanungan sa utak ko. Parang may kung anong bagay na naman ang pinapahiwatig sa akin.
Tulog naman si Orwa ngayon. Hindi ko rin naman gustong gisingin siya dahil lang sa hindi nga ako makatulog. Ayaw kong isipin niyang hindi ko siya hinahayaan na magpahinga. Mukhang pagod na rin naman ang katawan niya.
Manonood na lang muna akong movie,” saad ko sa sarili ko at agad na kinuha ang phone ko. Per dahil hindi ako sanay na walang pagkain kapag nanonood ng mga palabas, lumabas muna ako ng kwarto ko.
Nang magtungo ako sa kusina at buksan ang ref, kumuha ako ng ice cream. Hindi naman mahilig kumain nito si Orwa, ang sabi niya rin sa akin, kapag gusto ko ito, pwede ko naman kainin. Siya lang talaga ng gusto ko na ayaw magpakain. Charot!
Nang mabitbit ko na ang mga pagkain na gusto ko, naglakad na ako pabalik sa kwarto ko.
“Potek, nakalimutan ko naman ang tubig.” Napakamot pa ako sa ulo ko.
Kanina pa ako nasa kusina, bakit ang tubig pa nakalimutan ko. Hindi naman ako pwedeng magpatigil mamaya sa panonood ko dahil lang nauuhaw ako. Ice cream pa naman sa madaling araw ang kakainin ko, panigurado akong uuhawin ako mamaya.
Dahil hindi ako sanay na walng tubig kapag kumakain ng ice cream lumabas akong muli sa kwarto ko. Mahinahon ko lang binuksan at isinara ang pinto ng kwarto ko, ayaw kong makabulabog. Ayaw kong mabulabog ko ang mahimbing na tulog ni Orwa.
Kung hindi ako makatulog, syempre kailangan kong magpatulog.
Nang pabalik na ako sa kwarto ko, naisipan kong tingnan muna nag kwarto ni Orwa. Madalas kasi na hindi nakasarado ang kwarto niya. Gusto ko lang siyang makita na natutulog. Gusto ko lang masigurado na kahit hindi maaayos ang utak ko, gusto kong payapa ang kaniya. Hindi ko nais na madamay siya sa dami ng mga problema na kinakaharap ko.
Nang marahan kong itulak ang pinto ng kwarto niya, nakita kong hindi naman nakasarado ito. Dahil bukas ang ilaw ng kwato ko, nabibigayn ng liwanag ang kwarto niya, kaya makikita ko pa rin siya.
Nang tuluyan kong makita ang loob ng kwarto niya, napakunot ang noo ko.
“Nasaan si Orwa?” tanong ko sa sarili ko. Kumunot pa lalo ang noo ko naningkit ang mga mata. Gusto Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng kwarto, pero wala talaga si Orwa.
Lumalabas ba siya ng bahay ng hindi ko alam? Umaalis ba siya ng wala manlang siyang sinasabi sa akin? Hindi manlang siya nagpapaalam?
Marahan kong isinara ang pinto at napatingin sa paligid. Kanina pa ako pabalik-balik sa kusina at hindi ko naman nakikita si Orwa. Nasaan na ba kasi siya?
Dahil hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nakikita si Orwa, ibinaba ko na muna ang hawak kong tubig sa lamesa at tiningnan kung bukas ba ang pinto ng bahay. Hindi nga ako nagkamali at mukhang lumabas nga si Orwa.
Dahil takot ako sa labas, hindi na ako tumuloy. Mukhang may kausap naman ito sa labas, ganito siya noon lalao n akapag kausap niya si Lola Remejos. Pero imposible naman na makausap niya si lola, lalo na at maaling-araw na. Hindi rin maganda na gising pa ang matandang 'yon ng ganitong oras.
“Tatlong petals na lang ang natitira sa akin.”
Dahil sa boses na narinig ko, lalong kumunot ang noo ko. Boses ito ni Orwa. Sinasabi ko na nga ba at may kausap siya sa labas ngayon. Sino naman kaya 'yon?
Hinawi ko ang kurtina at marahan na sumilip sa bintana. Napatingin ako sa paligid, pero hindi nasumpungan ng mga mata ko si Orwa o ang kausap manlang nito. Ayaw ko naman lumabas ng bahay at tawagin siya, baka maistorbo ko sila at maputol kung ano man ang naging usapan nilang dalawa.
“Sa oras na maubos ito, alam kong nalalapit na rin,” dagdag ni Orwa.
Dahil gusto ko ring malaman ang usapan, nagtamby na lang ako sa tabi ng bintana. Gusto kong malaman kung tungkol ba saan ang sinasabi ni Orwa o kung ano man ang mangyayari sa oras na mawala na ang mga petals sa likuran niya.
“Nalalapit na rin.”
Bakit hindi manlang nagsasalita ang taong kausap ni Orwa? Teka, tao ba ang kausap niya o ang halaman?
Nababaliw na naman ako sa mga pangyayari na ito. Nahihirapan na naman akong alamin ang mga bagay na iniisip ko.
“Pero wala rin naman akong pagsisisihan sa huling pagkakataon na mahuhulog ang huling talulot. Ang alam ko lang, magkasama kaming dalawa hanggang sa huli,” pagpapatuloy nito sa kaniyang sinasabi.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, may kung ano na naman akong naramdaman sa puso ko. May kung ano sa sarili ko ang nagbibigay ng sakit sa puso ko.
Mukhang hindi na nga ito matatapos, hindi ko na kayang takasan kung anong mapait na bagay ang mangyayari sa akin. Iiwan na ba ako ni Orwa? Tatlong ptals na lang nag natitira sa kaniya. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung para saan ang mga petals na iyon. Kung anong magiging malaking parte nito sa aming dalawa o magiging parte nito sa buo kong pagkatao.
“Hanggang sa dulo, mahal na mahal ko siya.” Ang mga salitang binitawan ni Orwa ang tunay na dumurog sa puso ko.
Bakit ba palagi na lang ganito ang nagyayari sa akin? Bakit ba ganito na lang ang nagyayari sa buhay ko? Ang daming bagay na palagi akong tinatanong pero hindi ko makuha at mahanap ang kasaguta?