“Magpuyat na lang tayo, wala naman tayong pasok bukas, di ba?” tanong ko kay Orwa habang inaayos ko ang mga plano na hinugasan naming dalawa kanina.
“Hindi ka pa ba inaantok? Mas maganda ata kung bawiin mo na muna nag tulog mo? Walang pasok bukas, sarado ang cafe kaya mas makakatulog kang maayos ngayon,” sagot nito.
Sa totoo lang hindi ko alam kung abkit sarado ang cafe bukas, ang narinig ko lang sa usapan nila kanina, may aayusin daw. Pero hindi naman tatagal na wala kaming pasok, hanggang bukas lang.
“Day off ko rin naman sa susunod na araw,” pagpupumilit ko.
Dalawang araw akong walang pasok, kaya siguro naman, pwede na akong magpuyat ngayon. Ito naman ako, kapag nagkasakit iiyak.
“Sigurdo ka na ba?” Humarap ako kay Orwa. Maging ang kamay ko ay pinunasan ko pa.
“Sigurado naman ako palagi.” Ngumiti ako. May dalawang ibig saihin ito, bahala n si Orwa kung ano doon ang una niyang iisipin.
Mukhang alam ko ang naisip niya, dahil sa pagngisi ng mga labi niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, may ibig sabihin din ang mga tingin niya sa akin.
“Mag-uusap lang tayo ngayog gabi,” paglilinaw nito.
“Bakit? Mag-asawa na tayo.” Para na naman akong isang bata.
“Hindi pwede, okay? Hindi ko gustong isipin mo na sinasamantala kong andito ako sa tabi mo. Mag-uusap na lang tayo. Alam kong marami kang sasabihin sa akin,” sagot nito.
Ano ba naman 'yan. Ang akala ko pa naman pwede na dahil kasal na kami, tapos ganito rin pala? Parang kunwarian lang na kinasal kaming dalawa?
Nakatulis nag nguso ko habang naglalakd ako palapit sa kaniya. Padabog din akong umupo sa sofa habang nakahalukipkip. Kahit na hindi ako nakatingin kay Orwa, alam kong tinatawanan niya lang ako. Hindi man nakikita ng mga mata ko, rinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.
“Manood na lang tayo ng palabas, mas maganda 'yon. Para may bonding na rin tayo.”
“Ayaw ko. Pwede naman na bukas na lang tayo manood,” pag-apila ko.
Hindi ko talaga gustong manood ngayon, pwede rin naman kasi talag bukas na lang kami manood ng palabas. Bakit nagyon pa?
“Ano pala ang gusto mong gawin? 'yong maayos na gagawin,” saad nito na may mahinang pagtawa.
Umayos ako ng upo para lang mapatingin sa kaniya. “Sabi mo mag-uusap tayo,” sagot ko.
Dahil siya na rin namana ng nagsabi sa akin na dapat mag-usap kami, siguro naman sapat na para saguin niya ang mga katanungan na kanina pa hindi maalis sa isip ko.
“Tungkol saan?” Kumunot ang noo niya.
“Anong naramdaman mo noong magkasama kayo ni Lyka?” deretsyo kong tanong sa kaniya. Hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili kong pigilan ang tanong na ito. Gusto ko talganag malaman mula sa kaniya nag sagot.
“Wala, ano ba dapat kong maramdaman?” maging ang pagsagot nito ay mabilis.
“Na siya na ang gusto mo at hindi na ako.”
Aaaminin ko, para akong isang bata na hindi pinalaro sa labas. O isang bata na inaagawan ng kaibigan.
“Inaamain kong nagseselos ako sa inyong dalawa,” dagdag ko. Kahit na hindi niya na ako tanungin, sasabihin ko na talaga ito. Sno ba naman kasi ang hindi magseselos sa ganoon?
“Bakit ka magseselos sa kaniya?” Wala akong kahit na anong makita sa mukha ni Orwa kung hindi ang pagtataka. Parang kanina pang gaito ang reaksyon ng mukha niya.
“Dahil nasa kaniya na ang lahat ng hahanapin ng isang lalaki. Hindi ko na lolokohin ang sarili ko, dahil alam kong lahat na makikita sa kaniya. Maganda siya, sexy, artista, mayaman at may kumpleto at masayang pamilya. Hindi mo ba gugustuhin na maksama ang isang tao na kumpleto na lahat?” tanong ko sa kaniya.
Hindi kaagad sumagot si Orwa dahil sa sinabi ko, sa halip ay tumitig lang ito sa mukha ko na akala mo ay kung anong mayroon. Nakatingin siya sa mga mata ko na para bang ako ang isa sa pinakamagandang bagay na nakita niya sa kaniyang buong buhay.
“Bakit ganiyan ka tumingin s aakin?” tanong ko sa kaniya.
“Bakit kohahangarin ang ibang babae? Paano mo masasabi na nasa kaniya na ang lahat? Mas maganda atang sabihin na nasa akin na ang lahat, dahil nasa akin ka. Hindi magiging kakulangn ang ikaw lang, dahil lahat sa 'yo, kumpleto para sa akin.”
Para bang may kung anong klase ng mahika ang tumalab sa akin nang sabihin ito ni Orwa. Isang mahika na siyang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa puso ko.
“Kahit kailan ang galing mo talagang magsalita no?” saad ko na may impit na pagtawa.
“Kaya ko rin namna sa gawa,” sagot nito. “Kaya wag mong iisipin na may ibang babae ang kaya akong agawin sa 'yo, mas takot pa akong may isang tunay na tao ang aagawin ka at ilalayo sa akin. Mas hindi ko kaya 'yon. Dahil sa buong bhay ko at hanggang sa kamatayan ko, ikaw lang ang pipiliin at mamahalin ko.” Ang mga salitang binitawan niya ay tunay na galing sa puso niya.
“Mahal na lahat kita,” dagdag nito at agad na hinila ako para mapalapit lang lalo sa kaniya. Kasby din nito ay ang marahan niyang paghalik sa labi ko. Saglit man ito, pero dama ito ng kaluluwa ko.
“Mahal na mahal din kita, Orwa,” bulong ko sa kaniya.
Mahirap pigilan kung anong pag-ibig ang nararamdaman ko para sa akniya. Mahirap ito, lalo na at lahat sa akin kinatatakutan ko na. Paano ko pa pipiliin ang maging masaya, kung alam kong sa dulo ng buhay ko dalawa lang ang pagpipilian ko. Iiwan ko si Orwa o ako ang iiiwan niya. Alin sa dalawang 'yon ang dapat kong piliit? Alin sa dalawang iyon ang dapat kong tanggapin.
“Tayong dalawa lang ang magkasama hanggang sa katapusa. Walang anong bagay ang magpapahiwalay sa atng dalaw. Hanggang sa kamatayan natin, tayo lang nag magkasama.”
Matapos bintawan ni Orwa ang mga salita na ito, mahigpit niya akong niyakap. Dahil sa pwesto namin, inihiga ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya at napapikt.
“Hnggang sa huli, ikaw pa rin talaga,” saad ko sa kaniya at mahigpit din ang naging yakap sa kaniya.