“May problema ka ba ulit at ang tahimik mo?”
Kanina paakong kinakausap ni Orwa, pero hanggang sa makauwi kami sa bahay, hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ako sumasagot sa mg tanong niya at sa mga tanong ng mga katrabaho ko kanina sa cafe. Wala ako sa mood para sumagot sa mga katanunga, hindi ko rin alam ang sasabihin ko kay Orwa ang pangyayarikanina.
Sa totoo lang, gusto ko siyang tanungin pa kanina tungkol kay Lyka, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko nga ba sisimulan ang usapan naming dalawa tungkol sa babaeng 'yon. Ang isa pa sa gumugulo sa utak ko, 'yong tungkol sa padura ko ng dugo.
Natatakot ako sa maaaring mangyari, hindi ko alam kung kanino ko ba dapat na sabihin ito. Hindi ko rin naman masabi kay Sunny dahil alam kong sasabihin niya rinito kay Orwa, baka lahat na sila mag-alala sa akin.
“Matutulog na ako,” paalam ko kay Orwa, matapos kong uminom ng tubig.
“Anong matutulog ka an? Hindi ka pa kumakain.” Agad niya akong hinla matapos kong maglakad patungo sa kwarto ko.
“Ano ba talaga ng problema? Tungkol ba 'to sa ank ng boss natin? Kung dahil doon hindi ka kakain ngayong gabi, sasabihin ko sa 'yo kung bakit niya ako pinatawag,” hindi ko naman siya tinanong, pero mukhang ito lang ang inaakala niyang maaaring dahilan kung bakit hindi ako nagsasalita.
“Sorry na kung hindi ako nagsabi sa 'yo, wala lang naman kasi 'yon. Nagpatulong lang siya sa akin, walang kahit na anong ibig sabihin 'yon. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi kita magagawang ipagpalit sa mga taong nakapalibot sa akin,” panimula nito ng pagpapaliwanag sa akin.
Dahil sa mga sinabi niya nagbitaw ako ng malalim na paghinga. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, ang alam ko lang masakit sa puso kung no man ang nararamdaman ko. Mahirap ipaliwanag kaya hindi ito masabi ng bibig ko.
“Hindi ko alam.” Oto na lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko at kusang bumagsak ang mga luha ko. Kasabay nito ay ang mahigpit kong pagyakap kay Orwa.
“Hindi ko na alam kung anong nagyayari,” dagdag ko pa.
Mabigat ang laman ng pso ko. Masakit ito sa bawat paghinga ko. Hindi lang ito dahil kay Orwa o kay Lyka. Ang daming nagpapabigat sa puso ko, ang daming binibigay nitong sakit sa akin. Ang daming sinasabing bagay na hindi ko maintindihan. Maliban sa mga magulang ko, ang problema ko pa ay ang kalusugan ko.
“Natatakot na ako sa lahat.” Kahit pa man hirap ako sa pagbanggit ng mga salita na ito, nagawa ko pa ring magsalita. Humihikbi ako dahil sa pag-iyak ko.
“Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo, pero kung giginhawa ng puso mo dahil sa pag-iyak mo. Umiyak ka lang s amga bisig ko, Andito lang ako kahit na anong mangyari,” saad ni Orwa at hinagod nag likuran ko.
Dahil sa mga sinabi niya at sa paghigit ng kaniyang yakap sa akin, hindi na napigilan ng mga mata ko ang maiyak lalo. Hindi na napigilan ng mga mata kong ilabas kung ano nga ba talaga snag damdamin na hindi kayang sbaihin ng mga bibig ko.
Lumalalaim na ang gabi, kasabay nito ay nag dahan-dahan na ring pagtigil ng mga luha ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako binibitawan ni Orwa. Hindi niya pa rin inaalis ang mahigpit na yakap sa pagkatao kong hindi na alam ang gagawin.
“Maaari mo ring sabihin sa akin kung ano ang nararamdaman mo.”
Nang mapansin ni Orwa na humihina na ang pag-iyak ko, sinabi na rin niya ang mga salita na ito.
Handa na ba akong sbaihin sa kaniya kung ano ang tunay kong nararamdaman? Handa na ba akong sabihin s akaniya kung anong nagyari sa akin? Alam kong hindi pa, alam ko sa sarili kong hindi ko pa kaya. Ayaw kong mag-alala siya sa akin, siguro dlot lang ito ng tress. Kung babalik ako sa dati na inaalagaan ang sarili, baka hindi na bumalik kung ano ang pangyayari kanina.
“Sorry, ang drama ko masyado.” Pinilit ko ang sarili ko na matawa dahil a sinabi ko.
Nang alisin ko ang pagkakayakap sa akin ni Orwa, marahan kong pinunasan ang mga mata ko.
“Kung tapos ka na umiyak, kumain na tayo. Buti na lang walang pasok bukas. Gusto mo bang pagusapan natin ngayon ang nangyayari sa 'yo” Mahinahon at malambing na tanong ni Orwa. Ilang saglit pa ay naramdaman ko rin ang kamay niyang hinawakan ang pisngi ko at inangat ang mukha ko. Sa puntong ito, nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
“Kumain na muna tayo. Ang ayaw ko pa naman sa lahat, nakikita ang mga mata mong tumatakas ang luha. Mas doble ang sakit na nararamdamna ng puso ko kapag nasasaktan ka.”
Ang mga salita na ito ang nagbibigay ng sakit lalo sa puso ko. Natatakot na ako sa lahat ng bagay, lalo na sa kung paano ako tingnan ni Orwa at kung paano niya ako mahalin.
“Paano kung dumating ang pagkakataon na ako naman ang mawawala?” Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naitanong ang mga bagay na ito. Dahil din sa katanungan na ito ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni Orwa.
“Ano bang sinasabi mo? Ano na naman 'yang iniisip mo? Gaano ka na ba kagutom ngayon?” tanong niya sa akin.
“Wala, hayaan mo na. Kalimutan mo na lang. Nag mahalaga lang dapat sa akin, magkasama tayo palagi at mahal na mahal kita.” Ngumiti ako para lang ipakita sa kaniya na ayos lang ako kahit na hindi naman.
Alam ko na kahit hindi ko sabihin kay Orwa ang totoo, alam kong nakikita niya sa mga mata ko na may itinatago akong sakit. Na may nakatago sa pagkatao kong hindi ko pa masabi sa akniya.
“Kumain na muna tayo, gutom pala ako.” Natawa ako matapos ko itong abihin.
Kahit na hindi pa nagsasalita si Orwa, ako na mismo ang humila sa kaniya para lang magtungo kami sa kusina.
Hindi pa ito ang oras at ang tamang panahon para sabihin kay Orwa ang lahat. Kahit na anong mangyari, ang gusto ko makasama ko sya, pero paano kung dumating na ako sa punto na ako na mismo ang mang-iiwan sa isang taong sinabi kong huwag akong iiwan? Ang hirap pala nito, ang hirap isipin na ang lahat, magkakaroon din ng katapusan. Isang mapait na katapusan.