Chapter 49

1030 Words
“Ingatan mo ulit jowa mo, andyan na naman ang babaeng haliparot.” Napalingon ako matapos na may bumulong sa akin. Si Marga ulit ito na dumaan sa likuran ko habang may dalang tray. Dahil sa banta na sinabi niya, napatingin ako sa paligid para lang hanapin ang babae na tinutukoy niya. “Si Lyka nga,” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na sana siya gusto pang tingnan, pero agad niyang nakuha ang atensyon ko matapos na lumabas si Orwa sa kusina kasama si madam Deborah. Dahil dito ay parang umiinit na bulkan ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas si Orwa, hindi naman niya trabaho rito. Ang sabi sa akin ng manager namin, dapat palagi lang nasa kusina si Orwa, lalabas lang siya kapag kailangan na kailangan. Ngayon, bakit naman bigla siyang lalabas dahil lang andito ang anak ng boss namin? “Miss, paki-take out na lang order ko.” Bumalik lang ako sa sarili ko matapos na may kumalabit sa akin. Napatingin pa ako sa dalawang babae na nasa gilid. “Wait lang po,” saad ko at agad na nagtungo sa counter. Marami ang tao ngayon at naging abala talaga kaming lahat. Marami kaming ginagawa kaya alam kong maging si Orwa, dapat ay busy sa kusina, kaya talaga nagtataka ako kung bakit bigla siyang pinalabas. Sa totoo lang gusto ko silang lapitan at magtanong, pero kada lakad ko may nagtatawag sa akin na customer. Ayaw ko naman na lampasan lang sila at baka sabihin sa akin ni Ms. Seila na hindi ko na naman ginagawa ang trabaho ko, ayaw ko namang isipin niyang hindi ako dapat bigyan ng ganitong trabaho. Matapos kong mag-assist ng mga customer, muling bumalik ang tingin ko kina Orwa na ngayon ay palabas na ng cafe kasama si Lyka. Dahil sa nararamdaman kong galit, halos gusto ko nang lumabas para sabunutan si Lyka. Ang kapal ng mukha niya para lang ilabas ang jowa ko? Bwisit na babae talaga siya! “Saan kaya pupunta ang mga 'yon? Kawawa naman si Sunshine, mukhang may bago na namang aagawan si Lykandi,” rinig kong usapan ng dalawa sa counter. Dahil hindi ko na rin kayang pigilan ang sarili ko sa galit na nararamdaman ko, nakipag-usap na ako sa mga katrabaho ko na hindi ko naman talaga madalas na ginagawa. “Ganiyan ba talaga ang boss natin?” Mabibigat ang bawat kong paghinga habang sinasabi ang mga salita na ito. Hindi ko na kaya pang itago kung anong klaseng galit ba ang nararamdaman ko ngayon. Hind ko na kaya pang itao sa sarili ko na galit ako kay Lyka, bahala na sila kung isususmbong nila ako. Basta ayaw ko sa babaeng iyon dahil malandi talaga siya. “Hindi ko rin alam, pero malandi talaga siya. Kaya hanggat maaari dapat sabihan mo 'yang jowa mo. Alam mo na, mahirap tumangi sa palay kapag kusa na siyang lumapit sa manok.” Maging ang boses ng cashier ay may pagbabanta na rin sa akin. Hindi ko talaga akalain na ganito si Lyka, ang taas ng tingin ko para sa magulang niya tapos isa siyang malanding babae? Ipapakita ko sa kaniyang hindi niya maaagaw ang orwa ko. Nakakainistalaga! Hindi ko namalayan na break time ko na dahil sa patuloy kong pagtatrabaho at sa galit na nararamdaman ko kay Lyka. Ngayon ko lang din napansin na bumalik na pala sila. Bumalik na sa trabho si Orwa, habang si Lyka ay nag-iinarte habang nakatingin sa paligid. Ang hirap naman ng ganito, bakit ba sa dami ng babae na pwedeng maging anak ni MS. Seila, isang malandi pa? Bwisit talaga! “Hindi ka pa ba kakain, Sunshine? Kanina pa nagtatanong jowa mo kung kumain ka na ba.” Dahil sa pagsasalita ni Madam Deborah, napatigil ako sa pagpupunas ng lamesa. “Kumain ka na, baka magkasakit ka pa, idemanda mo pa kami,” dagdag nito. “Alam ko po wala akong karapatan na itanong ito--” “Dapat ata ang jowa mo tanungin mo, hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Ang sabi lang ni Lykandin na ipatawag ko si Orwa. Hindi aman ako ang boss, kung hindi ang anak ni madam Seila,” sagot nito na tila ba alam na kaagad kung ano ang itatanong ko. Dahil sa mga sianbi ni madam Deborah, hindi kaagad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. “Kaya kumain ka na at pag-usapan ninyong dalawa. Bilisan mo na, baka malipasan ka pa at mabaliw ka,” matapos itong sabihin ng manager namin ay agad siyang umalis sa likuran ko. Mukha ngang kay Orwa ko dapat itanong ang lahat. Wala akong pakialam kay Lyka, ang kailangan ko lang masagot ang tanong sa utak ko. Bago ako magtungo sa pantry para lang kumain na, nagpunta muna ako sa CR dahil nakaramdam ako na parang may kumirot sa dibdib ko. Siguro dulot ito ng galit ko kay Lyka, kaya parng may kung ano sa dibdib ko ang sumasakit. Pagpasok ko sa cubicle, agad akong napaubo. Nakakainis naman, hindi ako pwedeng magkasakit dahil lang sa galit ko. Kapag nagkasakit ako at hindi makapasok, baka sisantehin na talaga ako nito ng tuluan. Nang umubo ako, agad kong idinura ang laway ko sa inidoro, pero laking gulat ko nang makita na may halong dugo ang idinura ko. Sa mga nakikita ko, lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Napakapit pa ako sa dibdib komatapos na parang may kung anong tumusok sa puso . Anong ibig sabihin nito? Bakit may dugo ang dinura ko? Naulit na naman ito, naulit na namana ng pangyayari noon. “Sunshine, tapos ka na ba mag-CR?” Napatayo ako ng deretsyo matapos na may magsalita at kumatok sa pinto. “Kanina ka pa hinahanap ng jowa mo,” dagdga nito. “Palabas na kamo ako, pasabi na lang. Salamat,” mahinahon kong sagot. Bumabalik ba ang dakit ko noong bata pa ako? Bakit? Anong dahilan nito? Bakit parang napapadalas akong sumungin nito/ Dapat ko na bang sabihin kay Orwa ang mga nangyayari sa akin? Dapat ko na bang sabihin sa kaniyang may sakita ako? Pero paano ko uumpisahan? Natatakot na ako. Paano ko ipagtatapat sa kaniya ang lahat?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD