Chapter 48

1039 Words
Hindi ko na sinabi kay Orwa ang tungkol sa naging usapan namin ni Sir Tyron, pero alam ko naman na nakita niya si sir kanina Dahil noong lumabas siya sa kusina andoon si Sir Tyron at kausap si madam Dborah. Mabuti na nga lang talaga at hindi niya naabutan na magkausap kaming dalawa. Kung hindi, nakita ko na naman na para siyang isang bulkan na sasabbog. “Mahal, anong gusto mong ulan natin mamaya kapag uwi?” tanong ni Orwa. Naglalakad uulit kami pauwi, hindi naman ganoon kadilim ang paligid, mukha kasing bagong palit ang mga ilaw sa poste. “Hindi na ako kakain, kumain na ako kanina. Di ba sabi ko nagbigay si ms. Seila ng pagkain sa akin kanina?” Inangat ko ang ulo ko para lang mapatingin sa kaniya. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. “Oo nga pala,” tipid niyang sagot. “Ikaw ba? Ano bang gusto mong ulam?” ako naman ang nagtanong sa kaniya. Baka sabihin niyang hindi ko na siya papakainin dahil lang sa busog na ako. “Hindi na rin ako kakain,” sagot niya. Dahil sa narinig ko ay kumunot ang noo ko. “Bakit naman? Hindi ka ba nagugutom? Hindi pwede 'yang ganyan.” “Hindi naman ako nagugutom. Matulog na lang tayo kaagad,” sagot nito na para bang nakakaramdam ako ng mali. Habang nagpapatuloy kami sa paglalakad, hindi pa rin siya nagsasalita. Parang may mali sa nagiging usapan namin. Dahil ayaw ko naman na makarating kami sa bahay na hindi namin naaayos kung ano man ang mali sa araw na ito. Ayaw ko naman na matutulog kaming parang may tampo siya sa akin. “Bakit? May nagawa ba akong mali?” Basag ko sa katahimikan namin kanina pa. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na andoon pala ang dati mong boss?” Sinasabi ko na nga ba kanina pa. Maaaring si sir Tyron nga ang dahilan kung bakit ganito siya katahimik. Ang akala ko hindi na niya 'yon papansinin. “Wala naman kaming ibang ginawa, bakit? May masama bung andoon siya?” kalmado kong tanong sa kaniya. “Baka kinakausap ka na naman niya at agawin ka sa akin.” Dahil sa sinabi niya ay marahan akong natawa. Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng gate, bago pa amn ako sumagot sa mga sinabi niya, binuksan ko na muna ang gate para naman sa bahay na kami mag-usap dalawa. “Bakit hindi mo sinagot ang tanong ko? Siguro tama ang iniisip ko,” bungad niang tanong nang makapasok kami sa loob ng bahay. “Ano ka ba? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala lang kami ni sir Tyron? Ilang beses ko bang dapat sabihin na wala naman talagang namamagitan sa amin. May jowa siya at anay 'yon ng boss natin,” pagpapaliwanag ko sa kaniya ng maiigi. Ilang beses ko na rin talaga itong sinabi sa kaniya. Ilang beses ko na rin sa kaniyang ipinaliwanag kung ano ang mayroon sa amin ng dati kong boss. “Siguro gusto niya lang makipagkaibigan, pero ilang beses ko na rin sa kaniyang nilinaw na ikaw talaga ang mahal ko. Kaya wag ka na magselos sa kaniya,” dagdag ko at marahan na lumakad palapit sa kaniya. Kahit na hindi siya magsalita, nababakas ko sa mukha nito na parang hindi pa rin siya tiwala kay Sir Tyron. “Ikaw na nga ang asawa ko di ba? Kaya wala ka na dapat ikaselos pa.” Habang sinasbai ko ito ay nikakayap ko siya mula sa likuran. Nararamdaman ko muli ang mga petals na nasa likuran niya. “Wag mo akong ipagpapalit sa lalaking 'yon ha?” Para siyang isang bata kung sabihin ito. “Eh? Ikaw pa ba ang ipagpapalit ko? Kailan ko kayang ipagpalit ang isang orOrwa?” Umikot ako paharap sa kaniya para doon siya yakapin. Sumasayaw kami kahit na walang tugtog kaming naririnig. Siguro sapat na ang musika ng puso sa dahilan ng pagsayaw naming dalawa. “Sigurado ka bang hindi ka kakain ngayon?” tanong niya sa akin. “Hindi na, matutulog na rin ako. May pasok pa tayo bukas. Matulog ka na rin mahal.” “Matulog ka ha? Wag kung anu-anong problema nag iisipin mo.” Natawa siya sa sinabi niya. “Opo, hini ako magpupuyat kakaisip ng mga magulang ko,” sagot ko na may kasinungalingan. Simula noong nalamankong maaaring buhay ang mga magulang ko, gabi-gabi na yon ang iniisip ko at hindi ako pinapatulog nang maayos. Parang hanggang sa panaginip ko nga dala-dala ko ang ma problema na 'yon. “Mukhang kung sino man ang gumagawa ng mga kalokohan na ganito, titigil na rin siya. Tingnan mo, hindi na rin siya nagpapadala ng mga sulat sa 'yo Baka ginugulo ka lang niya talaga,” wika ni Orwa. Dahil sa mga narinig ko, hindi kaagad ako nakapagsalita. May kung ano sa sarili ko at sa isipan ko na hindi ko na naman maipaliwanag. Pero maaari ngang tama si Orwa, baka may kung sino na naman ang nangloloko sa akin. “Sana lang talaga patahimikin na tayo kung sino man ang tao na 'yon.” Mahina kong saad. Sa totoo lang ay gusto ko na rin talagang matahimik. Gusto ko na mataos kung ano man ang pangyayari na ganito. Kung tunay mang buhay ang mga magulang ko, aasa ako na makita ko na rin sila. Pero kung may isang tao na gumugulo lang talaga sa buhay ko, sana lang talaga tumigil na siya. “Tama na 'yan, matulog ka na at alam kong pagod ka rin. Good night.” Humalik siya sa noo ko. “Good night din.” Matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Isang saglit na halik sa labi ang ibinigay namin sa isa't isa. Matapos nito ay agad akong nagtungo sa kwarto ko. Nang maisarado ko ang pinto, sumandal ako rito at inisp ang mga bagay na pinag-usapan namin ni Orwa. Bakit ba hanggang ngayon pinapahirapan pa rin ako ng maraming katanungan tungkol sa mga magulang ko? Noong inaakala ko na patay na sila, tahimik lang ako. Ngayon mas lalong gumulo ang mundo ko, dahil lang sa alam kong buhay pa sila. Nasaan nga ba talaga ang mga magulang ko? Nasaan sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD