Chapter 47

1098 Words
Galing ka naman sa bakasyon, pero bakit parang mas stress ka pa sa amin?” tanong ni Madam Deborah. “Hindi naman po, may iniisip lang ako,” sagot ko sa kaniya. Hindi ko naman na siguro dapat pang sabihin sa kaniya kung bakit nga ba kanina pa ako parang walang gana sa lahat. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang pagtatrabaho ko at wala ng iba pa. Hindi ko na kailangan na makipag-usap at tawanan sa kanila. Hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko kung ano ang pangyayarikagabi. Hindi ko alam kung kanino nagmula ang mga litrato na 'yon. Hindi ko alam kung sino nga ba talaga ang naglalaro sa akin at ganito ang gusto niyang maramdaman ko. “Kamusta naman kayo doon? Aganda namna?” tanong muli ng manager namin. Hindi ko alam kung bakit ako nang ako ang gusto niyang kausapin. Hindi ko alam talaga kung bakit sa dami ng mag empleyado parang gusto niyang malaman ang buhay ko. Tinanong ko naman sina Marga kung ganito ba talaga si madam Deborah, ang sabi nila bihira lang daw ito. At mukhang may gusto rin siyang kwent ng buhay ko. Isang kwento na hindi ko na gusto pang sabihin sa kahit na sino. “Tinatanong ko kung maganda ba roon? Baka kasi magpunta na rin ako kung sakali man,” ulit niya ng kaniyang tanong na hindi ko nasagot dahil sa pagiging abala ko sa pagpupunas ng lamesa. “Maganda naman po. Sandali lang po, liligpitin ko lang ang kalat sa kabilang table,” paalam ko sa kaniya at tinuro ang isang table na kaaalis lang din ng customer. “Mukha ngang maganda roon, mukha ngang naging masaya ka rin na parang may iniisip. Tungkol saan ba yan? O tungkol kanina?” Ang mga katanungan na ito ang nagpatigil sa akin para lang maglakad paalis sa kinatatayuan ko. Marahan akong umikot para ang harapn siya. Ang mga mata ko ay puno nang pagtataka. Nakakunot din maging ang noo ko. “Bakit ka tumigil? Hindi ba may lilinisin ka pang kalat?” tanong niya sa akin. “Sorry,” muli akong nagpaalam na umalis sa harapan niya at sa puntong ito ay nagakad na ako para lang makalayo na sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga naisip ko kanina. Bakit ganoon siyang magsalita? Sa totoo lang, may kung anong bagay na akong nararamdaman kay madam Deborah, para bang may kung ano sa pagkatao niya na hindi ko pa kayang ipaliwanag. Minsan may mga bagay siyang sinasabi na bigla na lang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung norbal bang ganito siya o may tinatago taaga siya? “Andyan si Ms. Seila.” Halos mapatalon pa ako sa gulat matapos na bumulong sa akin ni Marga. Nang mapatingin ako sa kaniya ay nasa malayo na siya. Dahil na rin dito ay hinanap ng mga tingin ko si Ms. Seila at nakita ko nga siyang papasok na sa office ng manager. “Bumalik na pala sila, sana wag na si Lyka,” bulong ko sa sarili at muling bumalik sa ginagawa ko. “Kamusta naman ang trabaho mo?” “Ay, kabayo!” Tunay na napasigaw ako dahil sa iglang may tumabi sa akin. Mabuti na lang at hindi ko pa binibitbit ang mga plato, malamang ay nabitawan ko ang mga ito at mas lalo akong pagtinginana ng mga tao. Andito pa naman ang boss ko, tapos biglang may kalokohan akong gagawin? “Sir Tyron.” Kahit na naiilang ako ay nginitian ko pa rin siya. Isang matamis na ngiti rin ang ibinigay niya sa akin, parang may kung ano sa ngiti na ito. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari sa paligid. Kung bakit ba ang daming pagbabago at ang daming nakakapanibago. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya para lang maiba ang nararamdaman ko. Mabuti na lang at wala rito si Orwa. “Kasama mo ba si madam Lyka?” dagdag kong tanong matapo nitong hindi sumagot. “Si tita Seila ang kasama ko. Wala ngayon si Lyka. Kamusta ka naman? Nasaan ang boyfriend mo?” tanong nito pabalik sa akin. Kanina pa siya nakatayo sa tabi ko, gusto ko mag umalis na kaagad, pero alam kong nakakabastos ito. “Nasa kusina siya ngayon,” tipid kong sagot. Hindi siya nagsalita, tumango lang ito. Dahil sa pagtahimik niya, nakaramdam ako nang pagkailang. Nagbitaw ako ng malalim na paghinga para humanda na sa pagsasalita, pero bago pa man ako magsalita ay nagsalita na siya. “Breaktime mo na ba? Mag-usap naman tayo,” saad nito. “Hindi pa po, at sabay kami ni Orwa. Magagalit kasi siya kapag hindi kami nagsabay na kumain,” pangangatwiran ko. “Ang higpit naman ng boyfriend mo, hindi ka ba nasasakal sa inaasta niya?” “Hindi naman po.” Mabilis kong sagot. “Sunshine!” Isang pagtawag sa pangalan ko ang nagputol sa usapan naming dalawa. “Pasuyo naman ako, ikaw na ang magdala sa kabilang table, hindi na talaga kaya ng tiyan ko ang gutom,” pakiusap ni Marga. Dahil dito ay agad kong kinuha ang hawak niyang tray. “Sorry sir, pero hindi ko na talaga kaya. Sorry kung naputol ko ang usapan niyo,” dagdag ni Marga. “Hindi naman, ayos lang. Trabaho ko rin naman ito. Sige na, ako na magdadala.” Kung pwede nga lang magpasalamat sa ginawa niyang ito, mapapasalamat na ako. Kaso nasa harapan ko ngayon si sir Tyron at ang bastos ko naman siguro kung sasabihin ko ang mga salita na 'yon sa harapan pa mismo niya. Baka lalo niyang isipin na aaw ko talaga siyang makausap, na totoo rin naman. “Dadalhin ko lang muna po ito,” paalam ko sa kaniya. Hindi na siya nagsalita kaya umalis na ako roon. Hindi ko na rin siya nilingon pa, dahil ayaw kong magkaroon ng pagkakamali sa iniisip ko. Alam ko naman na kinakausap niya lang ako bilang isang dating empleyado at wala ng higit pa roon. Ayaw ko rin na makita ni Orwa na nag-uusap pa kami ni Sir Tyron, ito pa naman ang ayaw niya sa lahat. Ayaw ko na rin magkaroon pa ng kahit na anong issue, lalo na at jowa rin siya ng anak ni Ms. Seila, hindi ko gusto na magkaroon ng kahit na anong maling isipin tungkol sa akin ang idol ko. Gusto ko pa magtrabaho rito at gusto ko na maging maganda kung ano ang samahan namin. Ang kapal na siguro talaga ng mukha ko sa iniisip ko, pero kailangan ko lang talaga na umiwas.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD