Nakakaramdam na ako ng antok matapos naming makauwi ng bahay. Hindi pa naman ganoon kagabi, pero ramdam na ng katawan ko ang pagod at ang antok.
“Mahal, umupo ka na lang muna. Timpla muna ako ng kape mo,” saad ni Orwa at ibinaba sa sahig ang hawak niyang bag kanina pa. Dahil hindi na rin ako makakilos sa pagod at antok, pabagsak akong umupo sa sofa.
Hindi ko alam kung bakit mas napagod ako ngayon aysa noong nanina na nasa byahe kami. Parang kanina wala akong nararamdaman na pagod, nitong umasok ako sa gate, parang hinahanap na kaagad ng katawan ko ang kama. Parang gusto ko na kaagad na matulog, pero ang sabi ni Orwa, hindi raw 'yon maganda sa kalusugan.
Hindi ko alam a naging doktor na rin pala siya at ngayon, pinagsasabihan ako kung ano ang dapat kong gawin.
Ang akala ko pa naman, may honeymoon na kami ngayon, hindi pala matutuloy. Dahil pagod ang katawan ko at alam kong gugustuhin na lang din muna ni Orwa na matulog ako. Dapat ihanda ko na lang ang sarili ko bukas, hindi ako gaanong magpapagod bukas, para lang matuloy na kung ano nga ba ang gusto ko maganap matapos ang kasal namin. Ehe!
“Uminom ka muna ng mainit na kape, para mainitan na rin ang sikmura mo. Mamaya lang matulog ka na, ha? Wag ka na magpuyat, baka mamaya kung ano na naman ang isipin mo.”
Napaangat ang tingin ko kay Orwa matapos nitong ibaba ang hawak niyang isang tasa ng kape. Umayos ako ng upo para lang kuhanin ito. Hindi na muna ako nagsalita, dahil iinom ko na ang kape. Masarap din siya magtimpla ng kape, parang sa mga mamahaling coffee shop, kahit naman di ko pa 'yon natikman, ang alam ko lasang mahal ang kape ni Orwa. Kasi mahal ko siya.
“Matulog ka na kaagad ha/ Hindi ko makitang puyat ka na naman.”
“Oo na. Hindi na rin naman ako magpuuyat dahil--”
Hindi ako natapos sa pagsasalita ko nang may kumatok sa gate. Dahil dito, naputol din maging ang usapan naming dalawa ni Orwa. Napasilip pa ako sa binta para lang silipin kung sino ang tao na 'yon.
“Sunshine, umuwi na ba kayo? May ibibigay lang sana ako,” boses iyon ni Aleng Tessa.”
“Ako na ang lalabas, magpahinga ka na lang muna,” prisinta ni Orwa, na kung sabihan akong magpahinga, siya ang hindi nakakaramdam ng pagod. Aywan ko nga ba sa lalaking ito, kung bakit nga ba niya palaging sinasabi na ako ang dapat na magpahinga, kahit na parehas naman kaming pagod talaga.
Hindi namna nagtagal ang paguusap nila sa labas, nakita ko rin na may inabot si Aleng Tessa kay Orwa. Ang lahat ng ito ay nakikita ko mula sa binta na nasa likuran lang ng inuupuan kong sofa.
“Ano kaya 'yan? Baka naman sobre na naman sa sasalihan ng anak niya?” tanong ko sa sarili ko. Madalas kasi na nagbibigay siya ng sobre sa akin kapag may sinasalihan sa school ang anak niya, pero hindi nagbibigay ng lumpia kapag may handaan sila. Gaspang din ng ugali ng mga kapit-bahay ko.
Ilang saglit pa ay bumalik na si Orwa sa loob ng bahay, may hawak nga siyang isang sobre na kulay brown.
“Ano raw 'yan? Sa school ng anak niya? Bakit brown na?” tanong ko kay Orwa.
“May nagpapabigay raw nito. Noong isang araw pa 'to, pero alam nilang wala tayo sa bahay kaya ngayon na lang nila binigay,” sagot nito.
Iniabot niya sa akin ang sobre at umupo sa tabi ko.
“Para saan naman kaya 'to?”
Marahan kong binuksan ang sobre a bumungad sa akin ang mga lumang larawan, pero lahat ito burado ang mukha ng mga nasa litrato. Sa hindi ko maipaliwanag na paraan, may kung ano sa puso ko ang hindi ko maipaliwanag. Parang may kung ano sa sarili ko ang bigla na lang na bumalik sa akin. Ano ang ibig sabihin ng mga picture na ito?
“Bakit ba may mga nagpapadala sa 'yo nito? Ano bang gusto niya? Sirain ang ulo mo?” Agad na inagaw ni Orwa ang hawak ko, bakas na rin sa boses niya na galit siya sa kung ano ang nakikita niya.
“Sino ang mga 'yan? Magulang ko ba ang mga nasa picture? Bakit hindi niya pinakita sa akin ang mukha?” Ito na naman ako, ang tahimik ko gabi dapat, napuno na naman ang katanungan.
Alam ko kanina na inaantok na ako at kailangan na ng katawan ko nang pahinga, pero bakit ganito na ang nasa isipan ko? Hindi na akong muling pinapatahimik nito, parang may kung ano sa sarili ko ang hinahadlangan akong matulog.
“Magpahinga ka na muna, ang sabi ko sa 'yo, hindi ka na dapat nag-iisip ng mga bagay na hindi makakabuti sa 'yo. Matulg ka na at pagod na ang katawan mo,” saad ni Orwa, marahan niya akong itinayo pero wala pa rin ako sa sarili kong kaisipan.
“Sino ang nagpapadala niyan sa bahay? Sino ba siya at parang gusto niyang guluhin ang buhay ko? Kung alam niya kung nasaan ang mga magulang ko, bakit hindi siya magpakita sa akin ng totoo nilang mukha?” Hindi na mapigilan ng mga mata ko ang mga luha na nagbabadya na namang bumagsak. Hindi ko na maintindihan pa ang nararamdaman ko.
“Baka naisipan lang niyang guluhin ang isip mo. Paano kung hindi naman talaga 'yan ang mga magulang mo? Ako na ang bahala, sasabihan ko ang mga kapitbahay natin na kapag maynagpadala muli sa 'yo nito, huwag na nilang tatanggapin at dapat tanungin nila kung sino ang nanggugulo sa 'yo.”
Marahan na humakbang si Orwa palapit sa akin at niyakap ako. Ang kailangan ko ngayon ay siya lang at walang iba. Dahil sa mga yakap niya sa akin, kahit na paano ay naiibsan kung ano ang sakit na nararamdaman ng puso ko, pero hindi pa rin ito naaalis nang tuluyan.
“Wag kang mag-isip ng mga bagay na hindi makabubuti sa 'yo. Dapat matulog ka na, mahal. Ipahinga mo ang utak mo at ang sarili mo, hindi lahat ng bagay kaialngan mong isipin, andito ako sa mga oras na pakiramdam mo nalilito ka na sa mundo,” dagdag niya habang marahan na hinahagod ang likuran ko.
Dahil sa mga sinasabi niya, lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya at napapikit. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.
“Sa mga panahon na pagod ako, mananatiling ikaw ang pahinga ko. Kaya wag mo akong iiwan, hindi ko na alam ang pakiramdam ng mag-isa at wala ka.”
Ang lahat ng mga salitang lumabas sa bibig ko ay tunay. Hindi ko na kaya pang manatili sa kung ano ako noon. Hindi ko na kayang mag-isa muli.
Pero ano nga bang gagawin ko kung hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuhang makita ang mga magulang ko? Ngayon na lalo pang may gumugulo ng isipan ko. Sino ang tao na nagpapadala sa akin ng mga ito? Sino ang tao na may alam ng buong pagkatao ko? Sino siya?