Chapter 45

1082 Words
“Uuwi na ba talaga tayo? Hindi ba pwede na dito muna tayo?” Mahahalata sa boses ni Sunny na nabitin talaga siya sa bakasyon namin. “Hindi na pwede, dalawang araw lang tayo dapat dito. Tapos may trabaho pa tayong lahat,” sagot ni Rick. Nakatamdy kami muli sa pampang habang naghihintay kami ng bangka na maghahatid sa amin sa kabilang isla. Naroon kasi ang sasakyan ni Rick, iniwan niya muna ito sa isa niyang kamag-anak, dahil hindi niya naman ito madadala sa pagtawid ng bangka. “May trabaho pa tayo bukas lahat, kaya panigurado na pagod talaga tayo,” ako naman ang nagbigay ng salita. Alam kong kailangan naming pumasok ni Orwa bukas, nakakahiya naman sa mga boss namin kung aabusuhin ko na masyado ang kabaitan nila sa amin. Hindi naman pwede na dahil mabait sila, kailangan na rin naming sagarin ang hindi pagpasok. Mamaya maisipan nilang ang kapal na masyado ng mukha namin at sabay pa kami ni Orwa na alisin, hindi naman kami mabubuhay kung wala kaming trabaho na dalawa. “Pero gagala pa naman ulit tayo di ba?” tanong ni Sunny habang nakakapit ito sa braso ng kaniyang jowa. Hindi niya ito inaalis anina pa, parang ayaw na mawala si Rick, eh. Sabagay, ganito rin naman kami ni Orwa noon. “Kamusta naman ang bagong kasal?” tanong no Rick. “Katal na si betty, kaya alam ko na mamayang gabi...” kumindat si Sunny. “Hoy! Wag mo nga akong pangunahan,” sagot ko sa kaniya. Dahil sa naiging usapan namin, muli na naman kaming natawa. Hindi na talaga namin maaalis pa ang ganito, palagi na lang talaga kaming babalutin lahat ng mga berde naming kaisipan. Hindi na maaalis ang kamanyakan sa ugali namin. “Ayan na ata ang bangka natin.” Napatigil kami sa pagtawa nang magsalita si Orwa, napatingin naman kami doon kung saan may bangka nga na dumaong na sa pamapng. “Tara na pala,” aya ni Rick at hinawakan na sa kamay ang jowa niya. Napaangat naman ang tingin ko kay Orwa na hinawakan na rin ako sa kamay. Isang matamis na ngiti ang binigay namin sa isa't isa. Walang katumbas na ngiti at talagang masarap sa puso. Hindi ko na ipagkakait sa puso ko ang pagmamahal na ito, lalo pa at alam kong lalamunin din naman ako nito. Oww... lalamunin. Nang makaakyat kami sa bangka at magsuot ng lifevest, magkatabi kaming muli ni Orwa. “Papasok na bukas sa trabaho, hini ka ba mahihirapan?” May pag-aalala sa boses ni Orwa na para bang sinasabi niyang kahit na huwag na muna akong pumasok bukas. “Kaya ko pa naman, hindi naman ako gaanong napagod ngayong araw,” sagot ko. “Hindi ka nga ba mapapagod ngayong araw?” may panunukso sa boses niya. “Mahal!” mahina ko siyang pinalo sa balikat. Paano ba naman ay may mga tao na nakakarinig sa sinasabi niya, mabuti na lang at parang walang pakialam ang mga tao sa paligid namin. May kalayuan naman sa pwesto namin sina Sunny at Rick, kaya hindi niya nasasabayan ang pagbibiro sa akin ni Orwa. Mukhang silang dalawa rin may sariling mundo. Saka ko na lang ulit kakausapin si Sunny kapag nahimasmasan na siya, para kaming lutang pa rin siya sa mga kaganapan sa buhay niya. Isang oras ng makapaunta kami sa kabilang ibayo, kaya masakit talaga sa puwet ang pag-upo sa bangka. “Kumain na muna tayo bago tayo byahe ulit. Baka gutumin tayo sa byahe, hindi na tayo pwede tumigil.” Lahat naman kami ay sumang-ayon sa gusto ni Rick, lalo na at mukhang nagmamadali rin naman siya. Lahat naman kami ay may pasok sa trabaho. Lalo na at mahigpit sa trabaho ni Rick, kaya hindi rin siya pwede na mag-absent. “Burger lang ta akin, ayaw ko kumain marami ngayon.” “Parehas na rin kay Sunny.” Ngumiti ako. Hindi ko gustong kumain ng marami lalo na kapag may byahe, sigurmagdala na lang kaming pagkain pa namin para mamaya ulit. Baka nga matulog na lang ako sa byahe, dito na lang ako babawi para kahit na paano ay may tulog pa rin ako. Kaming dalawa ni Sunny ang naiswan sa table, dahil ang dalawang lalaki na ang nag-order. Sila na raw ang bahla sa amin, chill lang daw kami. Ayos nga, eh. “Ano na kaya ang mangyayari no?” Hindi ko alam kung bakit nga ba bigla ko na lang naitanong ang mga salita na ito. Basta bigla na lang lumabas sa bibig ko para lang magtanong. “Anong mangyayari? Gutto mo na may mangyari agad?” Kunot ang noo ni Sunny. “Ayan ka na anman kamo sa mga salita mo.” Hindi nga. Ano ba kati 'yon?” Para siyang bata na nagtatanong. Dahil ayaw kong makaagaw kami ng eksena at sabhin a mga kulang kami sa dilig, nagsabi na ako sa kaniya ng mga tanong na sa utak ko na gusto ko talaga na masagot. “Tungkol ta mga magulang mo, nagpatulong na ako kay Rick. Ang tabi niya, kakautapin niya raw ang kaibigan niyang doktor. Baka pwede ako makahingi ng copy doon ta binigay na DNA ta iyo.” “Talaga? Maraming salamat naman. Bukas magpapadala ako sa 'yo.” “Tige, kahit na picture lang naman na kita ang hotpital kung taan 'yon nakuha.” Ito na lang ang pag-asa ko. Baka sakaling matulungan ako ni Rick. Para akong may hinahabol na isang bagay na hindi ko maintindihan. Parang kailangan ko na mahanap ang mga magulang ako. Siguro ako talaga ang may misyon dito sa mudo, nadamay lang talaga si Orwa sa akin. Ang gusto ko lang talaga ay makita sila at makausap. Gusto ko silang tanungin at kasabay nito na natatakot din akong malaman ang sagot mula sa kanila. Nakakabaliw na siguro ang ginagawa kong to. “Ayan na tila, nagutom tuloy ako lalo.” Bumalik lang ako sa sarili ko matapos na magsalita si Sunny. “Wag na muna natin pag-usapan, baka sabihin ng asawa ko na nalulungkol ako sa araw ng kasal namin,” bulong ko kay Sunny. “Wow, atawa pa nga.” “Kasal na kami, kaya asawa ko na siya.” Hindi na namin muling napigilan ang matawa. Kung may isang bagay na magpapsaya sa akin ngayon, si Orwa na lang talaga iyon at wala ng iba pa. Siya ang kasama ko ngayon kaya alam kong kahit na anong mangyari, kailangan kong ipakita sa kaniya na masaya ako sa piling niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD