Chapter 44

2078 Words
Tirik na ang araw at hindi naman gaanong ramdam ang mainit na kapaligiran, dahil mas nangingibabaw pa rin ang malamig na simoy ng hangin. Payapa pa rin ang kapaligiran at maging ang utak ko ay naging payapa na rin. “Saan nagpunta ang dalawa?” tanong ko kay Orwa habang nakatingin ako sa paigid. Kanina ko pa hinihintay sina Sunny at Rick, kanina pa rin sila nagpaalalm na maglalakad lang muna sa paligid, ngayon hindi pa sila bumabalik sa kubo. “Hayaan na muna natin sila, gusto lang nilang magsama kahit ngayong oras lang. Tayo rin kung gusto mo. Labas muna tayo, ilang oras na lang uuwi na tayo,” saad ni Orwa. Kanina lang umaga magkasama kaming naglalakad sa pampang, ngayon naman babalik ulit kami. Katatapos lang naming kumain kanina, kaya nakasama ko pa ang dalawa, mukha nga ata talaga na mas gusto nilang sila muna ang magkasama. Sabagay, bago nga lang sila at nais gumawa ng alaala. Well, iabng alaala ang naisipan ko kapag si Sunny ang nababanggit ng utak ko. Bahala na silang dalawa, malaki na sila. “May nakita akong ako kanina, maganda doon sa may nakatumbang puno,” saad ko. Mababakas din ang tuwa sa boses ko, lalo pa at alam kong maganda rin kumuha ng picture sa lugar na 'yon. Tara na pala, baka iba pa gawin natin sa kubo,” aya ni Orwa. Noong una ay hindi ko kaagad nalaman kung ano ang ibig niyang sabihin, dahil kasi bumabait na ako kaya hindi na ganoon karumi ang nasa utak ko. Sayang lang at nahuli na ang utak ko, sana iyon na muna ang ginawa namin sa loob ng kubo. Mukhang ion ang alaala na mas maganda sa lahat. Charot! Baka pati dito abutin ang multo ng lola. Dahil kaming dalawa ulit ang magkasama, nagtungo kami sa lugar na tinutukoy ko, pero kapag punta namin doon, may ibang tao. Kaya ang sabi ni Orwa, huwag muna kaming magpunta doon at sa iba na lang. Puro kasi lalaki din at alam kong ayaw ni Orwa na may ibang titingin sa akin, ang akala mo naman sobrang ganda ko para agawin sa kaniya, ang hindi niya alam, siya ang may pinakamaraming babae na nagkakagusto. “Gusto mo magkayak na lang tayo? Mukhang masaya ang dalawa.” Nang sabihin ito ni Orwa, doon lang ako napatingin sa dagat at sakto na nakita ko nga ang dalawa na masaya. “Aba, ang mga loko! Sila lang masaya magkayak. Tayo nga rin, dapat unahan natin sila.” Ngayon ay si Orwa na ang hinila ko patungo roon. Dahil may isang kayak na bakante pa, hiniram na muna namin ito. “Marunong ka ba nito? Suotin mong maiigi ang lifevest mo.” Inayos ni Orwa ang nakasuot na livevest sa akin, hindi ko na ito inayos kanina dahil ang gusto ko na lang talaga ay ang magtungo sa dalawa naming kasama na akala mo nasa parke para mag-date. Ang daya talaga nila, kanina sabi nila magkayak kami bago umuwi, tpos hindi na nila kami inaya. Parang silang dalawa na lang ang tao sa mundo talaga. Ganito na ba talaga ang epekto sa kanila? Hindi na rin nila naiisip ang ibang tao sa paligid nila? Sabagay, inaamin ko na ganito naman kami minsan ni Orwa, pero kasi naman... gusto ko talaga magkayak kanina pa at sila lang hinihintay ko. “Puntahan natin sila ha?” tanong ko kay Orwa. Nakasakay na ako sa kayak habang si Orwa ang nagtutulak nito. “Kuya umakyat ka na sa kayak, kami na lang ang magtutulak nyan. Para mabalanse niyo na ang pagsagwan,” saad ng isang lalaki. Nang sabihin niya ito ay tumango na lang si Orwa. “Salamat po,” pasalamat ni Orwa. Hindi na ako nagbigay ng atensyon sa iba, nakatingin lang ako sa mga kaibigan kong nasa malalim na bahagi ng dagat kung saan para pa rin silang nasa kalawakan dalawa. “Ang sweet nila no? Wag na tayo sa kanila, gawa na lang tayo sarili nating mundo.” Dahil sa sinabi ni Orwa, para bang napatigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. “Isagwan mo na lang, sabay na tayo.” “Sabay ba dapat tayo?” Ito na naman ang madumi kong utak. “Palaging sabay, kaya hihintayin kita.” Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay sa akin ni Orwa. “Miss ko na ang kalokohan ng mga mata mo, lalo na kapag sinasabi niyan ang mga bagay na hindi mo pa naman naranasan,” dagdag niya. “Bakit? Hindi ba ako ganito tumingin sa 'yo?” tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pagdating sa hindi niya na nakikita ang dati kong tingin. “Para kasing naging seryoso ka na sa buhay. Hindi ko gusto na parang ang daming bumabagabag sa 'yo. Tungkol ba 'to sa mga magulang mo?” Sa simplng katanungan ay hindi kaagad ako nakapagsalita, dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat na isagot. Hindi ko alam kung tama pa nga ba ang mga ginagawa ko, na kahit dapat masaya ako, ang mga magulang ko pa rin ang iniisip ko. “Sa mga maglang mo ba? Ano bang gusto mong gawin natin? Hindi ko gusto na makita kang nagkakaganyan. Hindi ko nakita na tumagal ang saya sa mga mata mo, kahit pa nasa magandang isla tayo.” Hindi ako makapagsalita. Tanging si Orwa lang ang nagbibigay ng kaniyang hinaing. Huminto ako sa pagsagwan, ngunit nagpatuloy si Orwa. “Hindi ko rin alam kung bakit ba hindi ko sila maalis sa isipan ko. Pati nga sagot sa tanong mo hindi ko na alam. Ano ba dapat?” Mahina kong saad. Mababakas din na naguguluhan talaga ako. “Isa lang ang gawin mo, hayaan mong ang panahon ang magsabi sa 'yo kung ano ang dapat mong gawin.” Mukhang mas lalo akong naguluhan sa sinabi mo. Pangmatatalino ba yan?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa sa sinabi niya. “Pangmatalino 'yong sagot mo sa tanong ko.” Kumunot ang noo ko. “Tanong mo tungkol saan?” “Pakasalan mo ako.” Muling natahimik ang buong kapaligiran dahil sa sinabi niya. Hindi kaagad ako nakapagsalita. Wedding proposal na ba 'to? Pwede bang ikasal ang isang halaman? “A-ano?” Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. “Pakasalan mo ako,” ulit niya at ang mga ngiti niya ay lumiliwanag sa sinag ng araw. “Baliw ka talaga kahit kailan. Paano naman tayo magpapakasal kung hindi ka naman tao?” Hindi ko man gustong masaktan siya dahil sa sinasabi ko, gusto kong malaman niyang hindi naman talaga kami pwedeng ikasal, dahil hindi rin naman siya tao. “Mga tao lang ba ang kinakasal? Hindi ba pwedeng pati ang halaman?” “Wala ka namang mga papel.” “Ayaw mo ba akong pakasalan?” Muli akong natahimik sa katanungan niya. “Sino bang hindi ka gustong pakasalan?” mahina lang ang pagkakasagot ko, gusto kong sabihin sa kaniyang kung hindi lang talaga magkakaroon ng problema sa pagkuha ng cenomar, papakasalan ko na talaga siya at noong unang pagkikita pa lang namin pinakasalan ko na talaga siya. “Gusto mo akong pakasalna? Isang sagot lang at walang kahit na anong pero.” Bago ko sagutin ang katanungan na ito. Tumingin muna ako sa mga mata niya. Muling nagtama ang panngin naming dalawa na para bang may kung anong pahiwatig ang mga tingin niya sa akin. Deretsyo akong tumingin sa kaluluwa niya. “Oo.” “Kung gano'n, magpakasal na tayo ngayon.” Hindi ko kayang ikumpara sa isang matamis na prutas ang mga ngiti ni Orwa. “Anong ngayon?” Hindi ko talaga maintindihan kung anong gusto niyang gawin. “Ngayon na mismo. Magiging saksi ang dagat, ang mga ulap at ang kalangitan kung gaano kita minamahal at kung gaano mo ako mamahalin habangbuhay.” Malambing ang boses niyang parang niyayakap ang kaluluwa ko. “Ngayon na mismo? Kung ngayon ko sasabihin sa 'yo ang pagmamahal ko hanggang sa kamatayan, handa akong maging saksi ang buong paligid sa walang hanggan kong pag-ibig sa 'yo.” Hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Ang alam ko lang, kung maaaring kasal ang tawag sa ganito, handa akong ikasal kay Orwa sa lugar na ito. Sa ilalaim ng mga ulap at sa gitna ng karagatan. Handa kong sabihin sa lahat kung gaano ko siya kamahal. “Mahal na mahal din kita. Hanggang sa huling hininga at sa huling bling pagpatak ng talulot ng bulaklak sa likod ko, maririnig mong pangalan mo ang pinipintig ng puso ko,” magng ang mga saitang lumabas sa bibig ni Orwa ay galing sa puso niya. Ang pag-iibigan namin ito, isang bagay na handa kong harapin hanggang sa huling bahagi ng buahy ko. Mahal ko si Orwa at alam kong kahit na anong mangyari ay siya lang ang lalaking nais kong makasama habangbuhay. Mahal na mahal ko siya hanggang sa kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko. “Magiging saksi ang lahat sa pag-ibig na ito. Walang kamatayang pagmamahal,” dagdag niya habang ang mga mata niya ay hindi ako pinapakawalan. Hindi ko na pinigilan pa ang labi ko na magbigay ng isang magandang ngiti. Ipinaubaya ko na ang buo kong pagkatao sa lalaking ito. Mahal na mahal ko siya hanggang sa piraso ng bawat pagkatao ko. Mahal ko siya hanggang sa hindi ko na malaman kung ano pa ba ang pag-ibig. Hanggang sa kamatayan, ang awitin ng puso kong ito ang nais kong iparinig sa kaniya. Walang kahit na anong musika ang papantay sa ganitong himig. Ang mga puso namin ang umaawit kasabay ang ingay ng dagat at ang mga anghel sa kalangitan. Walang kahit na anong magandang musika para sa pansidig ko kung hindi ang mga puso naming iisa lang ang nais na ipadama sa bawat isa. “Hindi mo ako iiwan, ha?” Ito na naman ako sa pagtatanong ko, hindi na ako natapos at hindi na nagsawa pang magtanong sa kaniya. “Ano bang sinabi ko kanina at ano ang pinanagako ko?” “Oo na. Paano ba 'yan? Kasal na tayo, may ano na ba?” Iniba ko na lang ang usapan para lang hindi kami makaramdam ng lungkot. “Ano na naman 'yang iniisip mo?”Napanin ko ang pag-alog ng balikat ni Orwa. “Ginagawa naman 'yon ngmga bagong kasal 'di ba?” Para na naman akong bata. Kasal na ba talaga kami? May naging saksi naman na, wala nga lang singsing. Pero kahit na. Hindi ba ginagawa pa rin iyong ritwal kapag kinasal na? Hala! Paano kaya ito? May pasok pa ako bukas, ano nang gagawin ko kapag hindi ako nakapaglakad? “Ayan na naman, nakikita ko na naman ang kalokohan sa mga mata mo. Wag mo ngang isipin ang mga 'yan, baka bigla kong totohanin 'yan.” Dahil sa sinabi ni Orwa, napatakip ako sa bibig ko. “OMG! Iisipin ko para lalo mong totohanin,” malandi ang tono ng boses ko. Wala naman akong ibang alam na sabihin, lao pa at baka nga totohanin niya. Siguro naman oras na para ibigay sa asawa ko? Hindi naman na magagalit ang kaluluwa ni lola? Lalo pa at kasal na kami ni Orwa? “Magsagwan ka na lang, bumalik na tayo sa pampang. Dapat may handaan tayo at may kainan.” Hala! Juskodai! Kainan daw? Ang ibig sabihin ay magkakainan na talaga kami? Dahil gusto ko rin ang kainana, minadali ko na ang pagsagwan. Ibabalita ko na rin ito kay Sunny, dahil kasal na kami ni Orwa, mauna na silang umuwi ni Rick at magkakainan pa kami ng asawa ko. Ehe, asawa ko. Ang gandang pakinggan. “May kulang pala, dapat dinala ko ang singsing.” “May singsing pala?” So, seryoso pala talaga sa sinasabi niya si Orwa? Na may singsing talaga siyang dala para magpakasal kami? “isusuot mo muna ba ang singsing bago tayo magkainan? Tanong ko sa kaniya. “Mas maganda ata kung sabay?” Hindi maalis ang mapanukso niyang ngiti. Masarap ba ang sabay? Hmpp... bahala na siya kung ano ang gusto niya. Kung tingin niya mas magiging masaya ito para sa pagsasama namin. Bakit ba ang tagal naming makarating sa pampang? Hirap na hirap na ako sa pagsasagwan para lang makipagkainan. May masayangmadudulot pa rin pala ang ganito. Sayang lang talaga at paalis na kami sa isla, kung pwede pa talaga isa pang araw.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD