Chapter 43

1272 Words
Hidi pa tuluyang lumilitaw ang araw, nang magising ako. Napatingin pa ako kay sunny na masarap pa rin ang tulog. Anong oaras na rin kaming natulog kagabi. Masarap talaga ang tulog nito, mukhang hanggang sa panaginip ay kasama niya si Rick. Nakangiti kasi kahit na tulog. Ganito siguro kapag sinagot ang manliligaw Paligaw kaya ulit ako kay Orwa? Para kung sakali man na kapag sinagot ko siya, magkakaroon ng magandangngiti sa labi ko. Masaya kapag ganoon ang mangyayari, pero sabagay, kahit naman na hindi ko siya sagutin, pwede pa rin naman ako matulog ng nakangiti. Nang umupo ako, napatingin ako sa higaan nina Orwa, may liwanag naman na kaya nakikita ko ang paligid sa loob ng kubo. “Wala si Orwa? Nasaan sya?” tanong ko sa sarili ko, matapos na makitang wala si Orwa sa higaan, napatigin din ako sa pintuan kung saan nakita kong nakasarado rin ito. Lumabas ba ang lalaking iyon? Dhil hindi ko na rin naman gusto pang matulog, kinuha ko na lang ang jacket ko at sinuot. Kahit naman umaga a isla na ito, malamig pa rin. Marahan kong binuksan ang pinto, para lang hindi sila magising kaagad. Hindi ko naman gustong masigra ang umaga ng dalawang tulog, dahil lang hinahanap ko ang jowa ko. “Anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?” tanong ko kay Orwa matapos ko siyang makita na nakatayo sa labas ng kubo. Bago siya sumagot ay lumingon siya sa akin. “ Ang aga mo namang nagising?” tanong rin ang ibiigay niya sa akin. “Nagising lang akong maaga, pagtingin ko sa higaan niyo, wala ka naman. Good morning mahal,” bati ko sa akniya na para bang mas matamis pa sa umaganag mga labi ko. “Good morning.” Katulad ko aynagbigay siya ng magandang ngiti. Hindi nakakasawa ang mukha ng mahal kong ito. Hindi ko gusto na gumising isang umagana hindi ko na makikita pa ang mga ganitong ngiti na bubungad sa umaga o sa kahit anong parte ng araw ko. Gusto kongmakita ang mga ngti na ito hanggang sa huli. “Halika nga rito, baka lamigin ka.” Hindi na ako nakapagsalita pa matapos akong hilahin ni Orwa at agad na yakapin. Hindi ko na kaya pang tanggihan iti, dahil alam kong ito rin naman talaga ang gusto ng puso ko. “Hanggang mamayang hapon na lang tayo sa isla na 'to,” pagpapaalala niya sa akin. “Babalik na pala tayo sa trabaho bukas,” sagot ko. Naalala kong hanggang ngayon na lang pala kami, babalik na kami bukas para muling magtrabaho. Nakakabitin naman ang outing na ito. Hindi ba pwedeng isa pang araw? “Babalik na tayo ulit sa trabaho, kaya dapata ay mag-enjoy na tayo.” Pinisil niya ang pisngi ko. “Aray, ang sakit kaya.” Masakit daw pero maarte kung sabihin. Oras ko naman para mag-inarte, hindi pwedeng si Sunny lang ang dapat maarte. Hanggang nasa tabi ko si Orwa na walang sawa sa pag-intindi sa akin, kaya kong maging maarte. “Masakit ba? Kiss ko na lang pala,” ani Orwa at marahan na inilapit ang labi niya sa pisngi ko. Malambing din niya itong hinalikan. “Sa kabila pa masakit din,” dagdag ko at patuloy na nag-iinarte. Bahala na sila, basta sa akin, kailangan kong halikan ako ng gwapong lalaki ngayong umaga. Mainggit na ang mga makakita sa amin ngayon. “Parang sobra na ataang ginagawa mo sa akin. Nanghihingi ka bang halik?” Para ding bata si Orwa kung magtanong. Dahil totoo naman na gusto ko ng halik niya, hindi na ako nagdalawang isip na itulis ang labi ko attumango. Para akong isang bata na nanghihingi ng bagkain. “Mabait ka ba?” tanong ni Orwa. “Magpapakabait na po. Kiss muna.” Itinlis kong muli ang labiko. Isang nakakalokong ngiti ang binigay ni Orwa sa akin. Balak ko pa sanang magsalita matapos nitong higitin ang baywang ko upang lumapit lalo sa kaniya, kasabay nito ay ang pagdikit niya ng kaniyang labi sa labi ko. Nang sandaling gawin niya ito ay napapikit ako, ang malamig na panahon ay tila ba nag-init na dahil sa tuluyang pagsibol ng araw. Mabilisan lang ang halik na ito, ngunit tuluyang bumuhay ng pagkatao ko ngayon. “Ayan, dapat ay maging mabait ka ngayong araw, ha?” “Yes po. Basta palagi akong may kiss,” sagot ko. Hindi ko na pipigilan ang sarili kong maging isip bbata ngayon. Ngayon lang ang pagkakataon na ito. Ngayon ko lang ipapakita ang isang sarili ko. Alam kong hindi ko dapat ginagawa ito, pro paang may mahika ang isla na ito para lang ipakita sa akin kung anong pagkatao ko ang dapat kong ipakita kay Orwa. Hindi rin namana ko nagkamali na tatanggapin niya kahit ang kabaliwan kong ito. “Tulog pa ba nag dalawa?” tanong muli ni Owa, matapos niya akong yakapin. Parehas kaming nakatanaw sa malawak na karagatan na natatanaw ngayon mula sa kinatatayuan namin. “Mukhang mamaya pa sila gigising,” sagot ko. “Mas maganda kung maglalakad muna tayo ngayon sa tabing-dagat?” aya niya. “Mas maganda nga.” Dahil oras namin itong dalawa, mas maganda nga kung maglalakad muna kami sa tabing dagat. Gusto ko ring makita ang buong paligid, lalo na at kasama ko ang lalaking mahal na mahal ko. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad sa tabing-dagat at habang sinasamsam ang malamig na hangin. Isang tunay na paraiso para sa mga taong labis na nagmamahalan. “Sana talaga ganito na lang tayo palagi kasaya,”hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na sabihin ang mga kadramahan na ito. Anong ibig mong sabihin? Na hanggang sa huli, nasa dagat lang tayo palagi?” tanong ni Orwa na para bang hindi ako maintindihan. “indi ba, na tayong dalawa lang ang magkasama,” paliwanag ko. “Nagsisimla na akong magrama tapos magpapatawa ka?” “Sorry naman. Ang akala ko kasi gusto mo na araw-araw, tayong magkasama sa dagat. Maging sirena na lang tayo,” hindi maalis ang pagtawa sa kaniyang labi. “Pinagtatawanan mo na naman ako.” Huminto ako sa paglakad. “Wag ka na ulit magalit. Ang ibig ko lang din namang sabihin, bakit mo hihilingin na ganito tayo hanggang sa huli? Tayo rin naman ang magkasama hanggang sa huli,” pagsisiguro niya. “Kahit na sabihin mo 'yan, alam ko naman na babalik ka rin sa kung sino ka nga ba talaga, sa kung ano ka.” “Ano ba ako? Alam mo ba kung ano talaga ako at kung bakit ako andito?” Tila ba ang usapan anmin ay lumalalim na rin. “Dahil may misyon kang hindi mo sinasabi sa akin.” Ito ang bagay na alam ko. May nais siyang gawin sa mundong ito na hindi ko alam kung ano. Kahit naman anong gawin ko, hindi niya sinasabi sa akin. Iniiwasan ko naman talaga na magtanong sa kaniya, pero kapag naiisip ko na baka iwan niya ako sa oras na malaman na niya kunganong misyon niya. Ayaw kong maiwan na naghihintay sa isang tao na hindi naman na babalik. Alam ko na ang pakiramdam na ganito, dahil iniwan na rin ako ng mga magulang ko. “Huwag mong isipin ang ilang mga bagay na hindi magiging maganda sa 'yo. Magsasama tayong dalawa hanggang sa huli. Maniwala ka sa akin mahal ko.” Bumaba ang tingin ko sa kamay kong hinawakan niya. Kumawala ako ng isang malalim na paghinga. “Hanggat ako ang mahal mo maniniwala ako sa mga sasabihin mo.” Sa mundong hindi ako sigurado kung may magtatagal ba, mananatili akong kakapatit sa mga salita niya at sa pagmamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD