Chapter 42

1530 Words
“Ang ganda talaga ng mga bituin ta langit.” Walang kahit na anong mababakas sa boses ni Sunny kung hindi ang tuwa. Masaya talaga siya ngayong gabi, lalo na at ilang sandali na lang ay sasagutin na niya ang matagal na niyang manliligaw. “Ito lang pwede nating inumin, hindi naman kayo pwedeng uminom ng alak.” Sabay pa kaming napatingala ni Sunny nang dumating sina Orwa at Rick, dala ang juice na binili nila. Sa totoo lang, usto talaga namin ni Sunny uminom ng alak, silang dalawa lang ang ayaw na painumin kami ng alak. Dahil baka raw kung ano na naman ang magawa namin kapag uminom kaming alak. Medyo totoo naman ang sinabi nila, baka ibang malalim na gabi ang abutin namin. Charot! Ngayon na tuluyang lumubog na ang araw, nasa tabing dagat kaming muli habang may bonfire. Kanina nagpatulong kami sa mga staff na lagyan nito, lalo pa at ito ang isa sa magiging magandang eksena mamaya. Marami rito ang gumagamit ng bonfire, ang ilan naman ay magbabarkada na nagtitipon-tipon. Hindi talaga kayang ikaila kung gaano kaganda ang ganitong gawain. Hindi kayang ikaila na maganda ang magkaroon ng ganitong pagsasama. “Mas masaya pala kapag tayo-tayo ang magkakasama, no? Parang ito na ata ang pinakamagandang bonding na napuntahan ko,” saad ko habang nakatingin sa kanilang tatlo. Ibinaba ko pa ang hawak kong inumin. “Mas magiging masaya kung palagi tayong magkasama,” wika ni Orwa, dahil sa sinabi niya ay hindi na naman napigilan ng labi ko ang mapangiti. Totoo rin naman ang sinabi niya, walang kahit na anong magiging masaya sa bagay na kaming dalawa lang ang magkasama. “Ikaw lang ang nag-iisa sa akin, kaya paanong hindi iyon magiging mas maganda?” sagot ko sa kaniya na patanong din ang naging dulo. Dahil sa sinabi ko ay agad silang natawa. Pero napatingin pa ako sa kaibigan ko para lang bigyan siya ng senyales na dapat ay simulan na niya ang pagsagot kay Rick. Kung patatagalin pa kasi niya ito, alam kong lilipas na naman ang bukas, tapos wala na ring mangyayari. “Ano bang magandang kanta? Maganda ang botet ni Orwa, hindi ba?” Ito na lang ang unang sinabi ni Sunny. “May dala tayong gitara, hindi ba?” Doon lamang naalala ni Rick na may dala silang gitara. “Kuhanin na lang muna natin ulit?” aya ni Orwa. Dahil silang dalawa na rin ang nagdesisyon, sila na rin ang kumuha. Mabuti na lang at magkakaroon kami ng usapan muli ng kaibigan kong parang nalalamig na. “Simulan mo na ha? Mamaya ipagbukas mo pa 'yan, lumipas na naman.” “Oo na nga. Kinakabahan lang talaga ako. Mamaya talaga, tatagutin ko na tiya.” Humawak siya sa kaniyang dibdib na maaaring ngayon ay halos mahulog na ang puso niya sa kaba. Hindi naman nagtagal ay bumalik na agad ang dalawang lalaki, dala na nila ang gitara nila. Hindi ko alam na marunong pa lang maggitara si Rick, sakto ata ito sa eksena, habang si Orwa ang kumakanta. Bakit naman parang sa kanila ngayon ang spotlight ng outing? “Ano bang gusto niyong kanta?” tanong ni Orwa. Dahil apat lang naman kami, hindi namin sakop ang pabilog. Magkatabi kami ngayon ni Sunny at sa magkabilang gilid namin ang dalawang lalaki. Maganda ang ganitong pwesto. “Kahit na anong kanta ng Ben and Ben,” si Sunny na ang nagbigay ng suhestyon niya. “Maganda 'yan, tutal kapag kinanta ko ito, pipiliin pa rin naman namin kayo araw-araw.” Hindi ko alam kung bakit nagkukuryente ang buo kongkatawan sa mga oras na ito. Nakakainis naman talaga ito, bakit pa ang hirap pigilan ng kilig? Nakakainis na talaga. “Alam ko 'yang tugtugin, dahil may babae rin naman akong pipiliin araw-araw.” Nang sabihin ito ni Rick ay marahan kong siniko si Sunny, na mukhang namumula na ang ukha ngayon sa kilig. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila ba inalis na ng init nang pagmamahal. One of the best moment talaga ito. “Umaga na sa ating duyan 'Wag nang mawawala Umaga na sa ating duyan Magmamahal, oh, mahiwaga “ Nagsisimula na si Orwa na kumanta. Ang boses niyang tila ba nakikisabay ang huni ng gabi at ang mahinahon na alon. Ang madilim na kalangitan ay tila ba nakikisabay na rin sa pag-awin ng mga bituin at ang pag-ibig ng buwan. Ang mga puso namin ay tinatanggay nang agos ng pag-ibig. Kung may mas masaya pa sa pagkakataon na ito, maaari pa nga bang paghabangbuhay na lang din? Hahayaan ko na lang din ang sarili kong magpaahos sa pag-ibig na nararamdaman ng puso ko. Ang alam ko lang, hindi kayang ikumpara sa kahit na anong bagay ang saya namin ngayon. Lao pa at nakikisabay kami sa awitin, naghihintay na rin ako ng magandang balita na manggagaling kay Sunny. Nang matapos ang pag-awit ni Orwa, muli kaming nagkwentuha. Puro kalokohan at puro lang kami tawanan, para kaming bumabalik sa nakaraan naming buhay. “Ang dami pala nating kalokohan no?” tanong ni Sunny habang may mahinang pagtawa. “Maraming alaala na idadagdag natin ngayon,” si Rick na ang nagsalita. Dahil dito, hinawakan na ni Orwa ang kamay ko na para bang may pinapahiwatig siya sa akin. Dahil sa ginawa rin niyang ito, napatingin ako sa kaniya.Tumango lang siya na para bang sinasabi niyang hayaan na muna namin ang dalawa na mag-usap. Muli akong tumingin kina Sunny at Rick na mukhang may saili silang mundo ngayon t para bang pinapabayaan kaming magkasama ni Orwa. Dahil nakikita ko na bumubwelo na rin naman si Sunny, hidni na lang din ako nagsalita at hinayaan na kung ano ang maaaring mangyari. “Ang ganda ngayong gabi no? Anong araw ba ngayon?” Nagsisimula na si Sunny sa mga salitang bibitawan niya. “Friday ata? Hindi ko na alam, parag wala na ata akong alam sa date,” sagot ni Rick na para bang hindi sigurado, marahan pa siyang natawa habang nagkakamot ng kaniyang kilay. “Anong date ba ngayon ulit? Hindi ko na kati maalala.” Maging si Sunny ay para bang isang inosenteng bata. Basta kami ni Orwa, papanoorin lang namin sila, kung paano nila gagawin at kung paano nga ba nila sisimulan ang mga salita na maghahatid sa kanila sa forever. “September 8 na.” Hindi pa rin sigurado si Rick, pero para lang masigurado ang sagot niya, kinuha niya ang cellphone niya para tingnan ang kalendaryo. “Kung Teptember 8 ngayon, ano next month?” Hindi ko makita ang reaksyon ni Sunny, pero feeling ko talaga nakakatawa siya. Hindi ko naman gustong matawa sa kanila, pero bakit ako natatawa kung paano sabihin ni Sunny ang tanong niya. Naplano na namin ito, hindi ganito an dapat na usapan, pero mukhang dahil sa kabado siya, hindi na niya nasunod ang usapan. Gumagawa na siya ng paraan para lang sabihin ang lahat kay Rick. Muli akong humarap kay Orwa, habang hakaw pa rin nito ang kamay ko. Umusog pa ako para lang yumakap sa kaniya. Masyado kayang malamig ang gabi, kailangan ko rin nang yakap. “Malamang ang susunod sa September ay October.” Kunot na noong sagor ni Rick. Dahil siya lang ang nakaharap sa akin, mukha niya lang ang nakikita ko. “October ba? Akala ko monthsary na natin.” Mahina lang ng boses ni Sunny nag sabihin niya ito, pero naging sapat naman para marinig ng kausap niya. Tila ba hindi makapaniwala ang mukha ni Rick, para siyang nakarinig ng isang alita na alam niya ang ibi sabihin pro hindi niya kayang ipaliwanag. “Anong sabi mo?” May pagdududa pero maganda ang ngiti sa kaniyang labi. “Kung ano ang narinig mo.” Ang sarap sabunutan ni Sunny sa ginagawa niya. Para siyang sira-ulo na hindi ko maintindihan. Nasobrahan na siya sa kilig. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Ang mga mata lang nila ang magkatinginanan na para bang may milyong tala ang kumikinang. Tumango si Sunny. “Oo, tinatagot na kita ngayon na. At in now na.” “God!” Hindi na napgilan ni Rick ang kaniyang emosyon. Para siyang isang bulkan na sasabog nang mabilis niyang higitin ng yakap si unny. “Congrats sa inyong dalawa!” Sabay kaming pumalakpak ni Orwa. Kayang ihalintulad sa isang matamis na prutas ang mga ngiti nilang dalawa. Ang mga puso nila ngayon na iisa na ang pinipili. Ngayong araw na ang opisyal na pagiging mag-jowa ng dalawang ito. Alam ko na hindi kayang pigilan ni Rick ang damdamin niya. Ilang taon na rin niyang hinintay ang matamis na oo ng kanibigan ko. Alam ko rin na naging matapang na si Sunny. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Masaya ako na masaya sila. “Baka kasal nio na ang pupuntahan natin kapagbalik dito?” tanong ni Orwa nang maghiwalay ng yakap ang dalawa. “Mukha ngang sa kasal na ang next na balik dito. Dapat andoon pa rin kayong dalawa,” mababakas ang walang hanggan na tuwa sa boses ni Rick. Muli kaming napuno nang tawanan at ang awitan na alam naming dinadama na ng mga puso namin. Walang kahit na anong bagay ang kaya kong ipagpalit sa kaligayahan na ito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD