Palubog na ang araw, habang kaming apat ay sa tabing dagat ulit nakatambay. Kanina pa kami nagtatawanan na para bang walang bukas at walang mga kinaharap na problema.
“Ano na ang gagawin natin? Gusto niyo bang maligo na tayo ng dagat ngayon?” tanong ni Orwa.
“Mukhang mas maganda nga kung maligo na lang tayo,” sagot ko.
Kanina ko pa rin naman talaga gustong maligo, hinihintay ko lang silang dalawa. Tapos na rin naman ang kalokohan namin ni Sunny, isa pa, sayang kung dito lang kami at magtitigan. Mas maganda kung nakababad na ang katawan namin sa dagat.
“Mag-bikini ba tayo?” tanong ni Sunny. Nang sabihin niya ito ay agad akong napatingin kay Orwa, alam ko na agagalit ito kapag nagbikini ako. Naalala ko pa noong may team building kami, noong nagalit siya sa akin dahil nga gusto kong suotin ang bigay sa akin ng tita ni Sunny.
“Mukha ngang maganda ang naisip mo, betty. Tara magpalit na muna tayo,” natatawang saad ko.
“Kailangan pa bang magpalit? Maligo na tayo.”
Nang sabihin ito ni Orwa ay agad niyang hinigit ang baywang ko at hinila patungo sa dagat.
Hidi ko na nagawa pang magreklamo dahil agad na rin niya akong nailagay sa dagat.
“Wag ka na magsuot ng kahit na anong bikini, sabi ko naman na ayaw kong may ibang nakakakita ng katawan mo,” bulong nito sa akin na para bang may kung anong nasa kaluluwa ko ang bigla na lamang nanindig.
Hayyst! Bakit ba kasi ganito na lang palagi magsalita si Orwa? Para bang nilalamon niya palagi ang kaluluwa ko, para bang may kung ano sa ga sinasabi niya na bigla na lang magbibigay ng kakaibang malanding pakiramdam sa akin. Ano ba 'yan, Sunshine! Kung anu-anong bagayna naman ang iniisip mo!
“Iniwan niyo talaga kami no?”
Saka ko lang napansin na wala sa tabi namin sina Sunny at Rick noong nagsalita na si Rick, may halong pagtawa pa sa kanilang boses.
“Ang sarap kasing magtampisaw sa malamig na tubig,” sagot ni Orwa.
“Ibang tampitaw ata ang alam ko?” Heto na naman ang mga topic ni Sunny. Ang m******s nitong utak ay ibinabahagi na naman niya. Ang akala ko kanina ay tapos na ang ganitong topic, hindi ko alam na may nais niya pa rin pala ang ganito.
“Lunurin na lang kaya kita?” sarkastiko kong tanong sa kaniya at itinampisaw sa kaniya ang tubig-dagat.
“Grabe ka ta akin, betty. Ikaw nga ang gutto magpakalunod. Magpakalunod ta pagmamahal ni Orwa.”
“Naks! Namumukadkad na,” sabat ni Rick.
Dahil sa ganitong usapan, muling narinig ang mga tawanan nila.
Dahil nga kami lang apat ang narito sa pwestong ito, parang sakop na namin ang buong isla at ang buong karagatan sa pagtawa namin. Bahala na ang mga sirena at mga shokoy na makinig sa mga kalokohan namin, ang alam ko lang ay masaya kaming lahat ngayon.
“Ano na pala ang gagawin natin mamaya? Gusto niyo ba na mag-bonfire tayo?”
Napatigil kaming tatlo sa pagtawa matapos itong sabihin ni Rick, dahil dito rin ay nagkatinginan kaming dalawa ni Sunny. Ang tingin na iisa lamang ang ibig na sabihin.
“Maganda rin 'yan.” Wala na ata akong ibang alam na sabihin kung hindi maganda ang gusto nilang gawin. Bahala na rin sila kung saan kami mas magiging masaya.
“Maganda rin 'yan, nagpapainit ng gabi,” ani Sunny.
“Hindi ko talaga alam kung bakit parang lahat na ata ng sinasabi mo kailangan na mahaluan ng kalokohan mo,” sagot ko sa kaniya.
Natawa si Orwa. “Maganda rin naman ang mainit na gabi.”
Dahil sa nakakaloko nitong pagtawa, itinampisaw ko rin sa kaniya ang tubig-dagat. Mabilis naman niya itong iniwasan.
“Tandali lang, may nakalimutan ako ta loob ng kubo.” Muli kaming napatigil ni Orwa dahil sa sinabi ni Sunny.
“Hindi ko pala naalit ang charger ng phone ko, baka pagbalik natin natutunog na ang kubo. Totoong naglalagablab ta apoy ng gabi,” saad nito na hindi talaga maalis ang pagtawa sa kaniyang labi.
“Samahan na kita, nilalamig na rin ako. Kukuha na rin ako ng tuwalya,” saad ni Rick.
“Ingat kayo, baka ibang apoy naman ang magawa niyo,” paalam ko.
Hindi na nagsalita pa ang dalawa, dahil tanging ang pagtawa lang nila ang narinig ko.
Ngayon ay kaming dalawa muli ni Orwa ang naiwan. Kaming dalawa na lang ang maglolokohan ngayon. Char! Hidi pala siya manloloko.
“Tayo na lang dalawa, mahal,” malambing na saad nito at naramdaman ko ang mahinahon niyang paghawak sa baywang ko.
Nasa likuran ko siya at nang ipatong niya ang kaniyang baba sa leeg ko, ma kung anong kuryente ang bumalot sa buo kong katawan.
“Gusto ko maging masaya lang tayong dalawa rito,” dagdag niya. Hindi pa rin ako nito pinapakawalan ng yakap. Parang pati ang alon hindi na kaya pang pigilan ang mga damdamin naming dalawa.
“Palagi naman akong magiging masaya kapag andyan ka. Hindi ko na lang alam kung magiging masaya pa ba ako kapag wala ka na.” Hindi ko naman talaga gustong malungkot o bigyan siya ng kalungkutan din, ang mga salitang binitawan ko ay nagmula talaga sa puso ko. Ang lahat ng sinabi ko ay lahat din ng nararamdaman ko.
“Hndi kita iiwan, mananatili ako sa tabi mo hanggang sa huli,” saad ito. Ilang saglit pa ay inilihis niya ako upang maiharap sa kaniya.
Nang muling magtagpo ang mga mata namin, nakita kong muli ang mga tingin niyang niyayakap ang nanlalamig kong kaluluwa. Ipinatong ko pa ang dalawa kong braso sa kaniyang balikat, habang ang mga tingin namin sa isa't isa ay hindi pa rin nag-aalis.
“Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko sa tuwing titingin ako sa mga mata mo. Nakakabaliw pala talaga ang pag-ibig.” Walang kahit na anong bagay ang mababakas sa kaniyang boses kung hindi ang malambing niyang mga salita.
“Nakakabaliw na rin ang ganito. Hindi ako magsasawa na sabihin na mahal kita.” Kumurba ang matamis na ngiti sa labi ko.
Ilang saglit pa ay bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Nang sndaling maglalapit na ng tuluyan ang mga uhaw naming labi ay may sigaw kaming narinig mula sa pampang.
“Betty! Hindi ba kayo nagugutom? Kumain na muna kaya tayo?!” Kahit naman hindi ako nakatingin sa sumigaw na iyon alam ko na at kilala ko na kung sino siya.
“Istorbo talaga ang bulol na ito,” bulong ko habang dahan-dahan kong inaalis ang kamay ko sa balikat ni Orwa, marahan din akong lumayo sa kaniya at nilihis ang katawan para lang makita ang kaibigan ko na nasa pampang. Balot ang katawan nito ng tuwalya.
Wala akong ibang salitang binitawan. Tiningnan ko lang siya ng masama, para naman alam niya kung ano ang pinutol niyang eksena.
“Umahon na tayo, mukhang kailangan mo na ring kumain, ayaw ko naman na pumayat ka.”
Hindi na ako muli pang nakaangal matapos na hawakan ni Orwa ang kamay ko at maglakad kami patngo sa pampang.
“Balutin mo ang katawan mo, baka lamigin ka pa,” salubongni Sunny at binato sa akin ang hawak niyang tuwalya. Ang isa naman ay inabot niya kay Orwa.
“Minsan din talaga panira ka na?” May panggigigil na bulong ko sa kaniya. Pero ang kaniyang tila ba inusenteng mukha ay nakatuon lang sa akin.
Kung titingnan mo talaga siya, aakalain mo na inusente siya, taos ang utak niya naman daig pang nilulumot na sa sobrang berde.
“Gutto lang naman kita ayain na kumain. Tara na pala.” Lmingkis siya sa braso ko.
Nang magsimula na kaming maglakad ay napalingon ako sa likuran ko kung saan naroon si Orwa at nakasunod sa aming dalawa.
“Ano bang nangyayari sa 'yo? Iguro kinakabahan ka no?” tanong ko kay Sunny. Kilala ko ang babae na ito, kapag kinakabahan siya, hindi talaga siya mapakali. Kaya mabilis na mahalata.
“Tino ba kati ang hindi kakabahan? Paano ko uumpitahan?” bulong niya pabalik sa akin. Para kaming tanga dalawa na nagbubulungan, habang si Orwa nasa likuran lang naming dalawa.
Kaht naman hidi iparinig ni Sunny ang usapan namin, alam ko na alam na ni Orwa kung ano ang usapan na ito at kung saan ito patuno. Mukhang si Rick din naman alam na niyang maaari na siyang magutin ni Sunny, pero hindi niya lang ito pinapangunahan. Hinahayaan na lang niya muna ito.
“Katulad nga ng napag-usapan natin. Kung ano ang usapan natin kanina, 'yon na ang gawin mo.”
Para naman siyang bago nang bago sa usapan namin. Nagbigay na nga ako ng maaari niyang gawin mamaya para lang sabihin na kay Rick. Sa totoo lang mahirap din pala ang pagsagot sa lalaki. Ang sa akin kasi, hindi naman ako niligawan para magkroon ng jowa, basta paggising ko, may Orwa na ako.
“Ang hirap kaya. Batta tuportahan mo ako ha?”
“oo nga. Andoon lang kami ni Orwa, habang pinapanood ka. Hini ako tatawa sa pagmumukha mo, promise.” Itinaas ko ang isa kong kamay ay tumingin sa kaniya.
Bago pa man magsalita si Sunny ay humagalpak na ako sa pagtawa. Hindi ko na napigilan, mukha atang clown ang kaibigan ko na ito.
“Ano ba 'yan! Hindi mo ako tatawanan, pero tumatawa ka na nga ngayon.” Mabibigat ang bawat nitong hakbang.
“Sorry na, hindi ko lang napigilan,” paghingi ko ng tawad sa kaniya, matapos naming huminto sa tapat ng kubo.
“Kumain na lang kayong dalawa, hindi 'yong mag-aaway na naman kayo.” Napatigil lang ako sa pagtawa matapos na marinig ang boses ni Orwa mula sa likuran namin.
“Wag ka na rin kabahan, Sunny, kaya mo 'yan,” dagdag nito at lumakad na papasok sa kubo.
Nang tuluyang makapasok si Orwa sa kubo, nakatinginana pa kami ni Sunny.
“Mukhang nahalata ka na nga nila,” saad ko.
Hindi na ako nagdagda pa ng sasabihin, hidi ko na rin narinig pang nagsalita si Sunny, sabay na lang kaming pumasok sa loob ng kubo.
Kung ano man ang mangyayari mamaya, alam kong isa ang araw na ito sa magiging masayang araw ng mga buhay namin.