“Ang ganda grabe!”
Hindi na namin mapigilan ni Sunny ang mamangha sa ganda ng Isla de Potipot, lao la nang maiaapak namin ang paa namin sa pino at putting buhangin.
“Hintayin niyo muna kami,” saad ni Orwa nang makababa ito sa bangka, pero hindi na namin siya pinansin, binalewala na lamang namin siya ni Sunny at iniwan silang dalawa ni Rick, habang bitbit ang mga gamit namin.
Hindi ko rin alam kung bakit ba tumakbo na rin ako kasama ni Sunny, para kamingmga bata na ngayon lang nakapunta sa dagat. Hindi ko lang talaga akalain na ganito pala kaganda ang lugar na ito, lalo pa at isa sa nakikita ko ay ang dalawang kulay ng dagat.
Kakaunti lamang ang tao ngayon at alam kong mas lalo kaming magiging masaya. Parang kapag punta namin dito, nakalimutan ko na bigla ang mga problema ko, ang alam lang namin ay magiging masaya kami sa lugar na ito. Magiging payapa ang kaisipan namin sa ganda ng kapaligiran.
“Ang ganda talaga rito. Kaya pala ang tabi ng pintan ko, mas nakakapag-isit ng maayot kapag andito,” saad ni Sunny na hindi maalis sa kaniyang labi ang magandang ngiti.
“Ang dalawa nating kasama.” Napalingon ako sa likod para lang makita silang dalawa.
Walang ibang mababakas sa mukha nila kung hindi ang pagod. Hindi ko rin maipinta ang mukha nila dahil sa mga bag na bitbit nila. Nang makita namin ito ni Sunny, sabay pa kaming natawa na may kasamang awa. Hindi ko akalain na ganito, hindi ko naman alam na magiging labis ang tuwa naming magkaibigan nang maiapak namin ang paa namin sa buhangin.
“Natutuwa lang talaga kami,” saad n Sunny habang marahan siyang lumalakad palapit sa dalawa. May mahina rin siyang pagtawa na kahit na anong gawin niyang pigil ay hindi niya mahinto.
“Pumunta na muna tayo sa kubo natin,” aya ni Rick at inayos pa nito ang hawak niyang bag.
Oo nga pala, naalala ko na ngayon na rin sasagutin ni Sunny si Rick, paano niya kaya ito uumpisahan? Paano niya kaya sasabihin sa lalaking ito na mahal na talaga niya at handa na siyang sagutin ito? Well, kung ano man ang balak ni Sunny, siya na ang bahala roon.
“Mabuti na lang talaga at libre tayo nakapunta rito.” Hindi pa rin maalis kay Sunny ang pamamangha niya sa buong paligid. Ngayon ay ang dalawang lalaki na ang nauunang lumakad, habang may kausap sila na isang staff. May sinsabi ata sa kanila na hindi ko amintindihan, dahil ang buo kong atesyon ay nasa paligid.
Nag-uusap kami ni Sunny kung ano ang pwede naming gawin, habang kung anu-anong bagay din ang naiisip naming kalokohan. Hindi na talaga maalis sa amin itong magkaibigan. Ito na marahil ang nagdudugtong sa aming pagkatao, ang pagkakaroon ng kalokohan sa aming buhay at ang pagkakaroon ng makulit na kaisipan.
Nang makarating kasi sa kubo na aming tutuluyan, inilapag ng dalawang lalaki ang kanilang mga bitbit na bag. Narinig pa namin ang mabigat nilang paghinga na para bang napagod talaga silang dalawa.
Sa loob ng kubo na ito ay may dalawang kama. Alam naman naming kaming dalawa ulit ni Sunny ang magkatabi na matutulog. Kahit naman na masama at nilulumot na ang aming utak, may pagkakataon pa rin na kaya naming pigilan ang aming malalanding sarili.
“Napapagod ako, gusto ko munang magpahinga,” saad ni Rick at hinihilot pa ang kaniyang likuran.
“Magpahinga na muna kaya kayong dalawa? Tapos aalis lang muna kami ni Sunny, hindi naman kami mawawala, dito lang din kami sa paligid.” Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanilang dalawa.
Kumunot ang noo ni Orwa. “Bakit? Mamaya na lang kaya kayo? O samahan ko na kayo sa labas?” tanong nito, pero kahit na pilitin niyang huwag ipakita na napapagod siya, nababakas ko ito sa kaniyang pananalita.
“Hindi na, kaya na namin ang tarili namin. Kami na lang muna ang gagala. Hindi pa naman magdidilim. Babalik na lang kami rito,” pagsang-ayon ni Sunny sa sinabi ko kanina.
“Sigurado ba kayo?” tanong ni Rick. “Kaya pa naman namin na sumama sa inyo, doon na lang ako magpapahinga sa tabing dagat,” dagdag pa niya.
“Hindi na, may pag-uusapan lang kami na dapat ay kaming daawa lang ang nakakaalam.”
Nang sabihin ko ito ay sabay silang napatigil na dalawa. Mukhang alam na nila kung ano ang ibig kong sabihin. Hindi na rin kami nakarinig pa ng kahit na anong pag-angal sa kanila. Mukhang hahayaan na nga nila kami, dapat lang din naman na magpahinga sila, lalo na si Rick, dahil mamaya lang ay maririnig na niya ang isang bagay na magpapasigla sa kaniyang puso.
“Mukhang hindi naman na namin kayo mapipigilan,” natatawang saad ni Rick.
Dahil sa naging usapan na ito, agad na rin kaming lumabas ni Sunny at ang tuwa sa aming mga labi ay tila ba naabot na ang langit. Ang alam ko lang talaga ngayon ay natutuwa ako sa mga pangyayari na ito. Kahit pala anong dami ng problema sa utak ko, isang bakasyon lang pala talaga ang kailangan ko. Para bang inaayos nito ang kaluluwa kona magawa ang mga bagay na alam kong ikakaayos ng sarili ko.
“Betty, dito na muna tayo ta tabing dagat.” Hinawakan ako ni Sunny sa kamay at iniupo sa pinong bungahin. Hindi naman ito malayo sa kubo namin.
“Anong balak mo? Paano mo ssabihin kay Rick? Mamaya na ba?” Alam kong ito rin naman ang pag-uusapan naming dalawa, kaya ito na kaagad ang tinanong ko sa kaniya. Gusto ko na rin namang malamankung ano nga ba talaga ang balak niya, kung anong bagay ang gagawin niya para lang ipaalam kay Rick na handa na siyang pumasok sa isang relasyo.
“Mamaya ko pa tatabihin ta kaniya, nag-iitip pa ako. Mamaya kaya kapag gabi na no?” Nakakunot ang noo niya habang tinatanong sa akin ang mga bagay na ito.
“Kapag may bonfire tayo mamaya, mas maganda kapag ganyan ang gagawin natin,” saad ko sa kaniya. “Dhil mas sweet ang mangyayari,” dagdag ko pa.
Nang sabihin ko ito ay hindi siya kaagad nakapagsalita, lalo pa at mukhang iniisip din niya ang sinabi ko sa kanya.
“Tama ka nga. Mukhang mat maganda kung gan'yan. Talamat talaga tayo betty.” Matapos niya itong sbaihin ay agad niya akong niyakap.
“ang arte at ang drama mo naman.”
Alam kong babalik na naman kaming dalawa sa usapan namin na ma-drama, ayaw ko pa naman na mag-drama ngayon, ang ganda ng nakikita ko sa paligid tapos paiiyakin lang niya ako? Mukhang hindi ata tama ito.
“Hindi na ako magda-drama.”
“Maliligo na lang ba tayo muna mamaya? Dalawang araw lang tayo rito, sana naman ay masulit natin ang pananatili rito,” iniba ko na lamang ang naging usapan namin, lalo pa na alam kong kapag nagsimula na kaming magdrama, hindi na to matatapos pa.
“Kinakabahan talaga ako. Alam mo 'yon?”
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong natawa sa sinabi niya, ang alam ko lang ay may kung anong kalokohan na naman ang naisip ko.
“Bakit ka tumatawa?” Heto na naman ang pagiging galit na minion niya.
“Hindi ko alam kung saan ka kinakabahan, may iba ka bang gagawin sa isla na 'to?” tanong ko sa kaniya matapos kong huminto sa pagtawa. Alam ko kasi na may sasabihin na rin siyang ikatutuwa niya.
Hindi nga ako nagkamali, dahil natanaw ko na sa ga mata nito ang kalokohan na namumuo sa kaniyang isipan. Nakikita ko na kung anong kalokohan ang binubuo ng kaniyang nilulumot na utak.
“Binigyan mo ako ng idea.” Para siyang isang demonyo na bumubulong sa tabi ko.
“Bnigyan ba kita? O ayanna talaga ang iniisip mo?” panghuhuli ko sa kaniya.
Marahan siyang mapit para lang bulungan ako. “Ano ba ta tingin mo ang tinititid bukod ta dagat?”
“Sunny!” saway ko na kinya. Pero hindi naman nagtagal ay may kung anong bagay rin ang pumasok sa isipan ko. “ano nga ba ang pwede bang sisisrin?” tanong ko pabalik sa kaniya.
Ang mga mata namin ay nagkatinginana, ilang saglit pa ay lumabas sa labi namin ang isang bagay na sinasabi ng utak namin.
“Ang baboy talaga ng iniisip natin,” saad ko sa kaniya na sinang-ayunan naman niya sa pamamagitan ng pagtanong.
“Mukhang hindi na tayo kaya pang pigilan ta pagiging maloko natin,” sagot ni Sunny na may pagtawa pa.
Dahil sa naumpisan na naming pag-usapan ang ganitong bagay, hindi na talaga nawala pa sa amin ang pagpapatuloy ng mga kalokohan. Mukhang maganda na rin ang ganito, para bang nabubuhay ang pagkatao namin na naitago na ng mahabang panahon. May kung ano sa utak namin ang binabanggit ang mga kasalanan.
“Hindi ka dapat ganyan, Sunny. Ang sabi ko ay maging dalagang pilipina ka palagi,” saad ko sa kaniya.
“Dalagang pilipina naman ako. Dalagang pilipina na gutto rin titirin ng itang ginoo,” may mahinang halinghing akong narinig matapos niya itong sabihin.
Dahil sa ginawa niyang ito ay agad akong napalingon sa paligid, mabuti na lang talaga at walang tao na nakakarinig sa amin. Maliban na lang siguro sa buhangin at sa alon na kanina pa namin kasalo sa kwentuhan.
“Kung anu-ano na lang talaga ang sinasabi mo. Ano ka ba? Manahimik ka na nga, mamaya may makarinig pa sa atin.” Muli ko siyang sinita.
“Kunwari ka pa, iniitip mo rin naman ang ginoo ni Orwa.” Napaiwas ako matapos niyang kurutin ang tagiliran ko.
“Ano ba? Baka marinig ka nila, akin na 'yon, isipin mo ang kay Rick.” Maging ako ay hindi na napigilan pa ang paghalinghing. Bakit ba kasi sa dami ng magiging usapan namin na dalawa ay ganito pa? Hindi ba pwede na maging maaos at matino naman ang maging usapan naming dalawa? 'Yon bang makabubuti sa mga kaluluwa naming dalawa.
“Batta ang gagawin lang natin ngayon ay maging mataya. Hindi tayo mag-uutap ng mga bagay na magpapalungkot ta ating dalawa ha?”
“oo naman. Dalawang araw lang tayo rito, kaya gusto kong gawin na natin na maging masaya ang buhay natin.”
Para na ata kaming baliw ni Sunny, kung saan-saan na lang napupunta ang usapan naming dalawa, lalo na kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Kaya talaga ang hirap ipaliwanag kung paano kami naging magkaibigan dalawa.
“Hindi rin ba natin pag-uutapan ang magulang mo?” Nang itanong ito ni Sunny, tila ba naging tahimik ang kapaligiran.
“gusto ko sana,” sagot ko sa kaniya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung gusto ko nga bang pag-uspana namin ang pamilya ko o hindi.
“Tungkol ta mga magulang mo? Hindi ko rin alam kung maganda ba nating pag-utapan ito,” saad niya na kahit maging siya ay tila ba naguguluhan sa nagiging usapan naming dalawa.
Hindi ko alam kung gsto ko nga bang pag-usapan ang mga magulang ko, lalo pa at alam kong maaaring may mga bagay na hindi ko rin maipapaliwanag. Lalo na ang sa DNA test. Iyon talaga ang bagay na hindi ko alam kung paano bibigyan ng linaw.
“Doon sa DNA.” Mahina ko lamang itong sinabi, pero naging sapat naman upang marinig ni Sunny. Bulol lang naman kasi siya at hindi bingi.
“Iyon na nga rin. Hindi natin alam kung tino ang nakakakilala ta magulang mo at magpapadala tayo ng ganoong bagay.”
Nagbuga na lamang ako ng malalim na paghinga, upang pakawalan ang mabigat na bagay na nasa aking dibdib.
Ang sabi ko ay ayaw kong pag-sapan ang mga bagay na magpapalungkot sa akin. Pero bakit nga ba pinili ko pa rin na buksan ang usapan sa mga maguang ko? Ito lamang naman ang mga bagay na nagpapalungkot sa akin. Ito lang ang mga bagay na lalong nagpapagulo sa buhay ko.
Kung tunay nga na buhay sila, bakit kailangan pa rin nila magtago hanggang ngayon? Bakitnga ba kailangan pa rin nilang guluhin ang isipan ko kakaisip kung nasaan sila? Bkait hindi na lang sila humarap sa akin at sabihin ang tunay na dahilan kung bakit nga ba hindi nila ako binalikan noong bata pa ako?
Sa toto lang ay nais ko ring marinig mula sa kanilakung tatanggapin pa rin ba nila ako bilang anak nila, o katulad lamang noon na hahayaan lang din nila akong mag-isa hanggang sa dulo.