“Bilitan mo, betty. Kanina pa dapat tayo umalit.”
Wala akong kahit na anong marinig kay Sunny kung hindi ang kanina pa niyang reklamo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya ganito kaatat. Dapat kasi ay mamaya pa talaga ang alis namin, nagising lang siya ng maaga, ang gsto niya ay umalis na kami agad.
“Mamaya pa nga tayo dapat aalis,” reklamo ko. Napakamot pa ako sa ulo ko para lang ipakita sa kaniya na medyo dismayado talaga ako sa ginagawa niya.
“Giting na ang mga katama natin, kaya alam kong pwede na tayo umalit.” Pinagpipilitan talaga niya ang gusto niya.
“oo na, sandali lang ha?”
Matapos ko itong sabihin ay padabog akong umalis sa harapan niya. Kinuha ko ang bag na nasa gilid ng drawer ko.
“Lalabat na ako, titingnan ko lang tila,” paalam nito at kahit na hindi pa ako nagsasalita ay agad na rin syang lumabas ng kwarto.
Hayst! Grabe talaga ang babaeng iyon. Hindi ko akalain na ganito siya magiging atat sa outing. Dahil siguro atat na rin siyang sagutin ang manliligaw niya. Ang dapat na outing lang, mukhang magiging sentro na sa kanilang dalawa.
Nang makuha ko ang bag na dadalhin ko, lumabas na rin ako. Naabutan ko silang tatlo na nasa salas at doon nag-uusap. Nagtatawanan pa sila na mukhang ata na ring makapag-outing. Atat din naman talaga ako, ang problema, masyado lang maaga at inaantok pa ako. Dapat ay mamaya pa itong bandang 10 am, pero ngayon ay 6am pa lang.
“Andito na pala si Sunshine, tara na?” aya ni Rick.
“Bilitan na natin. Mamaya kati ay magkaroon ng problema ta byahe, tara na bilit.” Hindi na nakapagsalta pa si rick, dahil agad siyang hinila ni Sunny palabas ng bahay.
“Akin na 'yang bitbit mo. Kanina ko pa dapat ito kinuha kaso sarado ang kwarto niya,” mahinahon na saad ni Orwa. Isangmatamis na ngiti din ang pinakita ko sa kaniya. Para lang lalong maging maganda ang araw naming dalawa.
Iniabot ko sa kaniya ang bag. “Salamat. Good morning mahal.”
“Good morning. Pumasok ka na sa sasakyan, mukhang ang kanibigan mo maiinip na.”
Maging ang pagsasalita niya ay may mahinang pagtawa. Malamang ay kanina pa ganito si Sunny. Kanina pa siya nag-aaya na umalis na. Kaya ganito na lang din kung matawa si Orwa. Hindi ko talaga alam sa kanibigan ko na yon, kapag talaga gusto niya, kailangan ay agaran na magawa.
“Betty, tara na!”
Pagkalabas pa lang namin ng pinto ay siya na agad ang bumunga. Nakasakay na siya sa dalang sasakyan ni Rick.
“Sige na, pumasok ka na sa loob ng sasakyan, akona ang bahala na magsarado ng pinto at ng gate,” saad ni Orwa.
Dahil sa sinabi niya, humakbang na ako palapit sa sasakyan. Dahil sa harapan nakaupo si Sunny, dumiretsyo na ako ng upo sa likuran.
“Akala ko tatagalan mo pa. Gutto ko na talaga makapunta roon,” Pumalakpak pa si Sunny.
“Halata nga na ata na atat na. Hmmpp. . . bakit kaya?” May pang-aasar sa boses ko at sa tingin ko sa kaniya.
“Mukhang ngayon lang ulit siya makakapunta sa outing,” maging s Rick ay natatawa na. Ang indi niya alam, kaya atat si Sunny at dahil sasagutin na siya nito. Ano kaya ang magiging reaction niya mamaya kapag nalaman niyang sasagutin na nga siya ni Sunny? Mukhang hindi na rin nila kami makikita roon. Magkakaroon na rin sila ng sariling mundo.
Mabuti na lang talaga at kasama ko ang jowa ko, gagawa na lang din kami ng sarili naming mundo. Bahala na sila kung anong iisipin nilang gagawin namin sa mundo namin. Ehe!
Dahil sa mga bagay na iniisip ko, hindi ko namalayan na binuksan na pala ni Orwa ang pinto upang umupo sa tabi ko. Nalaman ko lang na narito siya noong nagsalita siya.
“May kalayuan ata ang byahe no?” tanong nito kay Rick.
Bago buksan ni Rick ang makina ng sasakyan, humarap muna ito sa amin sa likuran. “Oo, kaya pwede pa kayong matulog. Mukhang kulang ang tulog ni Sunshine,” sagot nito.
“Pwede naman pala matulog. Matutulog muna ako. Hindi kasi naging sapat ang tulog ko dahil sa panggigising ng isa nating kasama.”
Nilakasan ko talaga ang huling salita na sinabi ko, para lang iparinig kay Sunny ang saloobin ko, pero mukhang mas matibay pa sa bato ang puso at pakiramdam nito, hidni manlang nagbigay ng raksyon. Malamang ay nag-iisip ito ng malupit na paraan kung paano nga ba niya sasagutin si Rick. Kaya nag kaniyang utak ay wala ngayon. Bahala na siya, basta ako, nakakaradam ako ng antok. Kailangan kong matulog muna, baka mamaya maging lutang lang ako.
Nagsimula na si Rick na magmaneho. Nagsimula na kaming umalis at magbyahe. May magandang music din ang tumutugtog kung kaya mas lalo akong nakaramdam ng tuwa, pero humahalo ang antok.
“Matulog ka na lang muna mahal,” saad ni Orwa ay inihiga ang ulo ko sa balikat niya.
Nang gawin niya ito, yumakap din ako sa kaniyang baywang at napapikit.
“Mukhang magiging masaya tayo sa lugar na yon,” saad ko sa kaniya na kahit hidni ko nakikita ang mukha niya, alam kong may matamis siyang ngiti.
Ang dalawa sa harapan, hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila, ang alam ko lang masaya kami ni Orwa rito. Mukha naman na masaya rin si Sunny na kausap si Rick. Mabuti nga at hindi nahahalata ni Rick na nagiging weird si Sunny, sabagay, weird naman talaga ang bulol na yan.
“Ang akala ko ba matutulog ka?” tanong ni Orwa.
“Hindi na ako makatulog.” Nag-iinarte lang talaga ako. Gusto ko maranasan ang lambingin ulit.
“Matulog ka na, mahaba pa ang magiging byahe. Alam ko na baka biglang sumama ulit ang pakiramdam mo.” May pag-aalala sa kaniyang boses.
“Hindi na. Maayos na ako. Baka ang naramdaman ko lang kahapon ay dahil sa pagod. Pero ngayon na nasa bakasyon na tayo, alam ko bggng magiging mas maayos na ang lahat. Mas magiging masaya na tayo at hindi ako magkakasakit.” Ang lahat ng sinabi ko sa kaniya ay para lamang hindi sia mag-alala. Hindi ko naman gusto na sa halip na mag-enjoy kami, puso lang siya pag-aalala sa akin.
l.//
Pero totoo naman, mukhang kulang lang talaga ako sa naging tulog ko kaya sumama ang pakiramdam ko. Ngayon na pupunta kami sa galaan ay nakaramdam na ako ng tuwa at ng gaan sa pakiramdam.
“Sigurado ka ba talaga sa mga sinasbai mo?” Tila ba hindi siya kumbinsido sa mga sinasbai ko.
Bago ako nagsalita, idinilat ko ang mga mata ko at tumingala para lamang tingnan siya. “Oo nga. Maayos na ako, hindi na ako nakakaramdam ng hilo ngayon,” pagdidiguro ko sa kaniya. Tumingin ako sa mga mata niya habang sinasabi ito, para naman makita niyang tnay ang mga salitang binitawan ko.
“Pahinga ka na muna pala.” Matapos niya itong sabihin ay hinalikan niya ako sa noo.
“Ang tweet naman nilang dalawa.”
Napatigil lamang ako nang marinig ang boses ni Sunny. Napatingin pa ako sa kaniya na nakatingin sa amin at medyo natatawa pa. Dahil sa nakakatawa niyang pagmumukha, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na tumawa.
“Ang pangit mo, Sunny. Kunwari ka pa.”
Kung pwede ko lang talaga sabihin ngayon kung ano ang nasa isip ko. Kaso hindi ko siya pwedeng pangunahan. Hahayaan ko siyang gawin kung anong gusto niyang gawin. Hindi ko naman pwedeng sabhin kay Rick agad na sasagutin na siya ng pandak kong kaibigan.
“Wag ka na mainggit sa amin, Sunny. Alam ko naman na. . . 'lam mo na?” pagpaparinig ko sa kanya.
“Matulog ka na lang talaga muna, Betty,” saad nito at muling ibinalik ang tingin sa kalsada.
“Mukhang nakakahalata na rin ako,” I Rick na ang nagsalita na may mahinang pagtawa.
“Antayin na lang natin kung tama nga,” sabat ni Orwa.
Dahil sa naging usapan ng dalawang lalaki, natawa kaming tatlo maliban kay Sunny. Alam kong nagagalit na ito sa akin, dahil nagsasalita na kaagad ako na dapat ay hindi kaagad alam ni Rick.
“Hindi ako ang nag-umpisa, ha.” Pagtatanggol ko sa sarili ko, dahil alam kong mamaya lang ay totoyoin na naman ang pandak na ito.
“matutulog na lang talaga ako. Good night kahit umaga na.”
Matapos ko itong sabihin ay muli akong yumakapkay Orwa at inihiga ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko rin ang paghagot ni Orwa sa buhok ko.
“Tana kanina ka pa natulog.”
ito na nga ba ang sinasabi ko. Umaarangkada na naman ang pagiging toyoin nitong kasama ko. Kaya talaga paburito nito ang adoo, sa utak niya na lang napupunta lahat.
Hindi na ako nagsalita, dahil ayaw ko na rin namang bigyan ng ibig sabihin ang sinabi niya. Alam kong hahaba lang ito at magkakatampuhan kaming dalawa. Ayaw ko naman sirain ang maganda niyang araw, gusto ko maging masaya siya dahil ang araw na ito ang isa sa magiging espesyal niyang araw.
May kahabaan nga ang byahe. Nakapikit lang ako pero hindi talaga ako makatulog, lalo pa at gising na ang diwa ko dahil kay Sunny.
“Gising ka ba?” tanong ni Orwa.
“Bakit?”
ang bobo ko rin sa part na ito. Nagtanong ako sa tanong niya.
“Nagugutom ka ba?” Mahinahon nitong tanong.
Nang marinig ko ito, agad kong idinilat ang mga mata ko at inangat ang ulo ko.
“Kakain na ba?” tanong ko habang ang noo ko ay nakakunot.
“Parang kanina mo pa inaabangan ang pagkain.” Walang tunog ang pagtawa nito, pero gumagalaw ang kaniyang balikat.
“Hinto ko muna nag sasakyan, kain a muna tayo. Medyo malapit na rin tayo.” Ngayon ay si Rick na ang nagsalita.
“Hindi ba pwede na doon na lang tayo kumain?” tanong ni Sunny.
“Nagugutom na ako, baka hindi ako makapagmaneho ng maayos. Hindi ka rin pwede magutom, alam mo naman na baka atakihin ka ng saki mo. Hindi ko naman gusto na hindi ka mag-enoy,” sagot ni Rick.
Alam kong simple lang ang mga sinabi ni Rick, pero ang puso ni Sunny alam kong tumatalbog na kalawakan. Ang harot naman nitong dalawa.
“Kakain pa ba tayo?” tanong ko sa kanila. Mukha kasing wala na silang balak na kumain, gusto na lang ata nilang maglandian.
“Hindi naman ako kokontra sa inyong dalawa. Hindi naman ako naiingit sa landian, pero baka naman? Gutom na rin ako,” dagdag ko.
“Oo nga naman. Kumain na muna tayo,” saa ni Orwa.
“ang OA talaga,” saadni sunny. Hindi ko na siya sinagot, sa halip ay tinawanan ko na lang siya.
Ang ulam namin ngayon ay ang paburito ni Sunny, alam kong ang natutuwa na naman si Sunny. Ang kalahi niyang toyo ang ulan niya ngayon.
Hindi pa rin natapos ang kalokohan namin, kahit na kumakain kami ay inaasar pa rin namin si Sunny. Ang bilis talaga nitong maasar, pero kapag siya ang nang-aasar ang galing-galing.
“Mukhang magiging masaya ang outing na ito.” Ibinaba ko ang plato. “Dahil may something na. . . basta magiging masaya tayo,” dagdag ko.
Hindi ko na talaga gustong sabihin to. Kanina ko pa sinasabi sa sarili ko na hindi na dapat, pero patuloy ko pa ring ginagawa. Lalo lang tuloy sumama ang tingin sa akin ni Sunny.
“Kumain na lang tayo, mamaya mag-away na naman kayong dalawa,” si Orwa na ang umawat na may marahang pagtawa.
Dahil sa sinabi niya ay napatahimik na lang ako. Pinapatuloy ko na lang ang pagkain ko ng adobo. Paminsan pa ay sumusulyap ako sa kaibigan kong kanina pa masama ang tingin sa akin. Mamaya ito magsasalita kapag kami na lang magkasama. Mukhang mababatukan na naman ako nito.
Nang matapos na kaming kumain, bumalik na kami sa sasakyan. Ang sabi ni Rick ay malapit na kaming magkarating sa lugar na pupuntahan namin, kaya sa halip na ituloy ko ang tulog ko, nag-usap na lang kami I Owra.
Nakatingin din ako sa labas habang nakikta ang mga magagandang tanawin sa lugar na ito. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito at masasabi kong maganda talaga rito. Ngayon ko na nararamdaman ang pagiging atat na makapunta sa mismong resort at magliwaiw kahit na saglit na araw.