Chapter 38

2049 Words
Bukas na ang byahe namin para sa outing. Dalawang araw kami roon. Kanina pa nag-aayos si Orwa ng mga gamit namin, gusto ko nga sana siyang tulungan, pero ayaw niya. Mas gusto niyang humiga na lang daw muna ako sa kama. Kung pahigain ako akalamo ano, eh. Wala! Bakit ko naman iisipin ang bagay no ganoon. Hidni naman masama at marumi ang utak ko. Pero dahil masakit din naman ang ulo ko kanina, humiga na lang ako sa kama. Kanina ko pa rin rinatawagan si Sunny, ang sabi niya lang sa akin ay kanina pa sila nasa byahe ni rick, para naman dito na sila matulog muli. Bukas din naman ay sabay-sabay kami, kaya alam kong may chismis na naman siyang dala sa akin. Hindi naman nagbabago ang bulol na iyon, chismosa na m******s pa. “Nataan ti betty?” Nang marinig ko ang boses na 'yon, kilala ko na kaagad kung sino ang bagong dating sa bahay. Agad akong napaupo, balak ko na sanang tumayo para buksan ang pinto nang bigla na ring pumasok si Summy. Ito na ang inaasahan kong reaksyon mula sa kaniya. Ang pagiging excited niya sa outing. Hindi pa ako nagsasalita ay agad siyang lumundag sa kama ko. “Malapit na kaming maging kami ni rick.” Napahawak siya sa akniyang pisngi na para bang may kung anong bagay na ang nabubuo sa kaniyang marumi at nilulumot na utak. “Congrats na ba kaagad?” tanong ko sa kaniya. Umayos pa ako nang upo para lamang harapin siya. Ang gusto ko lang naman talaga ay ang asarn siya. “Hindi pa muna. Hindi na paman tayo nagpupunta ta outing. Taka na, kapag natabi ko na ta kanya na tinatagot ko na tiya,” sagot nito na kahit ako ay hirap pa rin siyang intindihin. Kapag kalmado ang kaniyang pechay, nahihirapan na akong intindihin ang pagiging bulol niya, ngayon naman ay nahihirapan na akong intindihin kunga nong sinasabi niya. Nag alam ko lang ay nagwawala na ang mga libido ng kaniyang katawan dahil sa wakas ay sasagutin na niya ang matagal na niyang manliligaw. “Oo nga pala. Kamutta kayo ta trabaho? Anong tabi tayo ng idol mo?” Nang itanong ito ni Sunny, doon ko lang naalala ang pangyayari ulit sa trabaho. “Wala naman sila kanina, kaya wala si Lykandi,” sagot ko sa kaniya na hindi ko mawari kung matatawa ba ako sa pagbanggit ng pangalan ni Lyka o magiging seryoso dahil sa pagiging masama kong ugali. Pero kahit saan doon, ang alam ko lang, walang magagawa si Lyka para landiin ang Orwa ko. “Mabuti naman. Alam mo bang nakita ko ta sss nila na mag-jowa pa rin naman tia ni tir Tyron.” Walang ibang makikita sa mukha ng kaibigan kong ito kung hindi ang kaniyang pagkukumbinsi sa akin. “Sabi ko na nga, isa ka rin talagang dakilang chismosa.” Tuluyan na akong tumawa. “Parang daig mo pa ang mga nasa balita kung sumuri sa dalawang 'yon. Hindi ko namna gustong malaman kung anong mayroon sa relasyon nila. Ang alam ko lang ayaw ko sa lahat ay inaahas ni Lyka ang boyfriend ko,” dagdag ko. Bago pa ako muling makapagsalita ay agad akong nakaramdam ng batok mula kay summy. Gulat akong napatingin sa kaniya. “Bakit? Inaano ba kita? Ano ka nang ano. Wag ka sa akin magpaano.” Para akong isang bata na inaway ng kalaro kong uhugin sa kanto. “Ang tinatabi ko lang tayo, malandi din ti Lyka. Haaay! Ang hirap kautap kapag medyo bobo.” Kung umasta siya, parang sa aming dalawa, siya pa ang problemado na mahirap akong kausap. Sino ba sa amin ang mahirap na intindihin? Pasalamat talaga siya at kaibigan ko siya, isa akong mapagmahal na kaibigan. “Tutal andito ka na, magchikahan na lang tayo.” Alam ko naman na ito lang talaga ang gusto niya. Hidi naman ako nagkamali, dahil nakita ko sa mga mata niyang tunay nga na ito ang kaniyang gusto. Gusto talaga niyang maraming balita tungkol sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Chismosa kami, pero ayaw naming pinagchichismisan. “Ano ba ang kwento mo? Bilitan mo, baka mamaya ay kakain na. Nagugutom na kaya ako. Ano ba 'yon?” May pagmamadali sa kaniyang boses. Ang akala mo ay hinahabol siya ng aso/ “Ang pangit mo ka-bonding. Hindi minamadali ang chismis. Ano ba kasi 'yan? Hidni ka ba pinapakain sa inyo at gutom na gutom ka?” Kumunot ang noo ko habng binabanggit ko ang mga salita na ito. Kung magsalita ba naman kasi siya, ang akala mo ay hindi pinapakain ng kaniyang lola. “Pinapakain naman ako, pero gutto ko ti Rick kainin ko. Rawr!” Para siyang naging isang tigre. “Ano ba 'yan. Ang baboy mo. Dinudugyot mo ang inusente kong kaisipan.” Nagtakip ako ng tainga, para lamang ipakita sa akniya na hindi ko nais ang mga naririnig ko. Ayaw ko nang ganitong usapan. Hidi ko alam ang mga ganitong bagay. Isang mabuting nilalang akong pinalaki ng aking lola. Ang dapat kong iniisip ay ang kabutihan ng aking bansa, hidni ang mga bagay na ganito. “Kapal ng mukha mo! Kunwari ka pang hindi mo 'yan alam. Tinabi mo na nga yan kay Orwa.” Muli lang akong bumalik sa aking sarili matapos niya akong muling batukan. Wala na ba talaga siyang ibang alam gawin kung hindi ang saktan ako? “Bakit mo ba ako palagi na lang sinasaktan? Tigilan mo nga ako. Hindi ko deserve ang masaktan.” Pag-iinarte ko. “Nagugutom na talaga ako. Hindi ka ba naaawa ta akin? Paano kapag nagkatakit ako.” Marahan na kumurap ang mga mata ni Suny. “Ayown! Ako ang nadali ng pagpapaawa na 'yan. Haaay! Bakit ba ang hirap mong kamasa? Tumayo ka na nga, baka tapos na magluto si Orwa.” Hindi ko na talaga alam kung paano ako mananalo sa kaniya. Paano ba naman ay kapag usapan tungkol sa sakit, ako na ang naaawa sa kaniya. Alam ko naman kasi na ganito talaga siyang umasta. Alam ko rin na kapag inatake siya ng kaniyang sakit, ako rin ang mahihirapan, dahil maaawa talaga ako sa kaniya. “Ang bait talaga ng kaibigan ko na ito.” Matapos niya itong sabihin aykumapit siya sa braso ko. “oo na. Wala naman akong mgagawa.” Isang mabigat na paghinga ang binitawan ko. Dahil kanina pa rin naman ako nakakaramdam ng gutom, sakto na rin ang paglabas namin. Nakita namin ang dalawang lalaki na naghahain na ng pagkain. Ang hindi nila alam, sila lang ang pagkain na gusto naming maihain agad. Char! Hindi na pala maaaring maging marumiang aking isipan. Kailangan ay isang mabuting nilalang ako. Ang kailangan ay magkaroon ko ng maayos na kaisipan at pag-unawa na hindi lahat ng bagay ay iniisipan ng marumi. Pero mahirap din, lalo na kung gwapo talaga ang kaharap. Charot! “Tatawagin pa lang sana namin kayo para kumain.” Si Rick na ang nagsalita, matapos nitong maibaba ang baso. “Kanina pa kami kasi gutom, sakto naman na tutulong sana kami,” pagsisinungaling ko. Ibang klase talaga. Hindi ko akalain na ang mga lalaking ito pa ang magsisilbi sa amin. Hindi manlang nila kami sinasabihan na kami ang babae, bakit kami ang pinagsisilbihan nila. Mukhang iilan na lang ang ganito. “Mabuti naman at luto na ang ulam. Umupo na kayo rito,” alok ni Orwa at hinila ang dalawang upuan na magkatabi. Dahil dito, sabay na rin kaming nagtngo roon ni Summy. Walang naging pakialam si Sunny, ang buo niyang atensyon ay nasa pagkain lamang. Para siyang isang patay-gutom na hindi pa nakakakita ng tinolang manok. “Ang tarap naman nito,” saad niya. Hindi na napigilan ang kaniyang pamamangha sa pagkain. Kawawa naman ang kaibigan ko, mukhang nababaliw na talaga. Dahil malakas ang trip ni Sunny, hinayaan ko na lang siya na mag-inarte sa harapan ni Rick. Dahil isa rin naman akong inggitera, ginaya ko na lang nag pagiging maarte niya. Si Orwa na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko, maging ang pagpiga ng sili sa sabaw ng ulam ko. Ang sarap talaga kapag may boyfriend na katulad ni Orwa. Minsan napapaisip na rin ako kung naging mabuting tao ba ako noong past life ko at inisip na isang pabuya na ang magandang love life. Pero isa rin sa naiisip ko ay ang mangyayari sa hinaharap, kung saan maaari na ring bumalik si Orwa sa pagiging orchid. Teka nga! Bakit ko ba iniisip ang ganito? Bakit ko ba iisipin ang ganitong bagay? Pinapalungkot ko lang talaga ang sarili ko. “Gutto ko na agad tumapit ang bukat.” Sa pananahimik namin ay bigla na lamang nagsalita si Sunny. Minsan talaga nakakagulat ang babaeng ito. Bigla na lamang siyang nagsasalita. “Ako rin naman. Mukhang lahat naman tayo,” sagot ni Rick. Saglit na sumilay sa labi ko ang ngisi. Alam ko na kung bakit nasabi ni Sunny na atat na siya para bukas, mukhang pagbaba pa lang namin sa bangga, sagutin na kaagad nito si Rick. Hay! Ang hirap magkaroon ng isang kaibigan na marupok. “Batta, mat atat ako para bukat.” Hindi na nagpaawat ang marupok. “Oo na, ikaw na nag atat para bukas. Baka hindi ka na makatulog,” pagbibiro ko sa kaniya. “Matulog kayo, dahil baka lalo lang sumakit ang ulo niyo. Oo nga pala mahal? Kamusta na ang kalagayan mo?” Humarap sa akin si Orwa at naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang kamay sa noo ko. “Wala naman akong lagnat, mahal,” pagsisigurado ko sa kaniya. Hindi siya dapat mag-alala sa akin. Dahil hidni naman ako nakakaramdam ng lagnat, sumakit lang talaga ang ulo ko kanina pag-uwi namin. “Bakit? Ano bang nagyari kay Sunshine?” Hindi na rin napigilan ni Rick ang magtanong. “Kanina kasi ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Ang sabi ko naman kasi ay wag na siyang magpuyat pa,” sagot ni Orwa. “Baka naman katti ikaw ang nagpupyat ta kaniya?” Heto na naman muli ang mapanuksong ngiti ng kaibiga ko, hndi na niya talaga kaa pang alisin ang ganitong ugali. Kapag seryoso ang usapan, palagi niyang sinisingit ang kaniyang kalokohan. “oo nga naman, bakit mo ba kasi pinupuyat si Sunshine?” Maging si Rick ay nakisali na sa pang-aasar sa aknit. Kaya bagay talaga ang dalawang ito. “Hindi naman na. Pwede naman kahit umaga,” ani Orwa. Dahil ako na ang talo, napatampal na lamang ako sa aking noo. Kailan nga ba ako nanalo sa kanila? Kailan nga ba ako maaaring manalo sa pang-aasar ng tatlo na ito? Ang hirap nilang makausap ha? Sumasakit talaga ang ulo ko sa kanila lalo. Haayst! “Kumain na lang tayo. Nasa harapan tayo ng pagkain.” Pilit kong pag-iiba sa kanilang usapan. Hidni ko nais na madungisan ang aking purong kaisipan. Hidni ko na gusto pang makarinig ng mga kalokohan nila. Juskodai! Baka nakikinig ang kaluuwa ni lola rito, bigla pa akong isubsob sa plato ko. Pero aaminin ko na masaya ako sa ganito. Aaaminin ko na masaya ako at magakakasama kami. Sana ay ganito na lang kami palagi. Sila lang ang nag-iisang pamilya para sa akin. Kahit na palagi nilang pinapasakit ang ulo ko, sila naman ang nagbibigay ng pag-asa sa akin. Ano na kaya nag mgaiging ganap namin bukas? Atat na rrin akong malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Rix sa oras na sagutin na siya si Sunny. Maging ang magiging masaya naming bakasyon ni Orwa. Ang gusto ko lang naman ay ang makita na masasaya kaming lahat. Marami mang bagay ang hidni namin kontrolado, alam kong marami pa ring paraan para maging masaya kami. Hindi ko talaga alam kung bakit ba bigla na lamang ako magda-drama at makakaramdam ng lungkot. Senyales ba ito na tumatanda na ako? Joke! Hindi ko lang talaga alam kung bakit nitong mga nakaraang araw, ang daming bagay ang bumabagabag sa akin. Idagdag na nag DNA result na nakita ko. Hidi ko alam kung kanino galing iyon at kung bakit ba sa akin iyong pinadala. Kahit na iiwas ko ang isipan ko sa posibilidad na maaaring isa sa mga magulang ko ang resulta na iyon. Kung sakali man na may nakakaalam na nito, bakit ba hidni niya pa sabihin sa akin kung sino ba ang mga magulang ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD