Katulad nang mga nakagawian namin ni Orwa, sabay kaming kumakain kapag break time. Pansin ko lang, nitong mga nakaraang araw hindi nagpupunta si madam Seila at Lyka. Mukha atang busy sila ngayon sa shooting nila. Mabuti na rin 'to, hindi ko nakikita si Lyka. Walang lumalandi sa jowa ko.
Abala rin si ms. Deborah ngayon, may inaayos siyang report at mukhang kailangan na niyang matapos, lalo pa na naririnig kong magli-leave siya para sa birthday ng anak niya.
Wednesday, hindi ko alam kung bakit walang gaanong pumapasok ngayon sa café, feeling ko tuloy lahat ng tao ngayon busy.
"Nakakaantok naman ang ganito," saad ni Marga, habang pakunwari na nagpupunas ng lamesa.
"Kanina pa nga ako hikab nang hikab," sagot ko.
Ang sarang ngang humilata ngayon tapos matutulog. Kahit anong gawin kong linis sa paligid, inaantok talaga ako. Ano kayang ginagawa ni Orwa ngayon sa loob ng kitchen? Gusto ko sanang pumasok sa loob, kaso baka pagalitan ako, na nakikipaglandian lang ako. Magkikita rin naman kami mamaya, sabay kaming uuwi at sa iisang bahay kami nakatira.
Ang kailangan ko na lamang mungang gawin ngayon ay magtrabaho, kahit wala naman akong gagawing trabaho. Kailangan kong magpanggap na may ginagawa, baka kasi mapagalitan ako kapag nakatunga-nga lang ako.
Kahitna na napunasan ko na kanina pa ang lamesa, ang ginawa ko ay pinunasan ko itong muli.
“Dalawang araw pala kayong naka-leave no?” tanong ni Marga.
Nnag sabihin niya ito, agad akong napatingin sa kaniya. Hindi ko mawari kung may pang-aasar ba sa mukha nito. Mukhang siya ang hindi pinayagan mag-absent, oo baka naman may maruming bagay ang kaniyang naiisip?
Kanina pa ako naglilinis ng lamesa na nalinisan ko na, mukhang mali ata ang gawain na ganito. Dapat ang inuunang linisan ay ang utak ng mga taong may maruming kaisipan. Well, nagsalita ang babaeng hidni marumi ang utak.
“Oo, mabuti nga at pinayagan ako ng mga boss,” sgot ko sa kaniya. Marahan pa akong natawam para naman hindi niya sabihin na masyado akong seryoso.
“Mukhany may bakbakan na magaganap, ah? Saan kayo?” Ito na nga ba ang inaasahan ko. Alam ko naman na ito talaga ang kaniyang sasabihin. Ganito ang palaging sinasabi at ang tanong sa akin ni Sunny. Mukha nga atang lahat sila ay may maruning kaisipan, kaya maging ang isang inusenteng katulad ko ay nahahawa sa mga iniisip nila. Nakakaawa naman talaga ako. Bakit ba ganito?
“Outing lang naman 'yon.” Hindi ko gustong ipahalata sa kaniya na naiintindihan ko ang mga pinapahiwatig niya. Nagbabagong buhay na nga ako tapos may mga susubok pa sa kakayahan ko? Hindi pwede ang ganito, baka mabawasan na talaga ako sa langit. Kapag namatay ako ipakita sa akin ang mga kahihiyan na iniisip ko sa utak ko.
“Asus! Maliligo lang ba sa dagat? Sa tubig lang ba magtatampisaw?” Mahahalata ang panunuri sa kaniyangmga mata.
“Ay breaktime ko na pala. Sorry ha? Godbless na lang sa iniisip mo.” Pilit akong ngumiti sa harapan niya. Matapos ko itong gawin ay agad akong nagmadali para lamang magtungo sa pantry.
“Kakaloka! Ganoon na ba ngayon ang isipan ng mga tao?” tanong ko sa sarli ko. Mahina lamang ito, para naman ako lang ang makarinig, mamay may kung sino pang makarinig sa sinasabi ko, isipin nilang sinisiraan ko na ang kanilang pagkatao at dangal.
Hindi ko na naman namalayan na break time na pala, ang alam ko lang ay nagkukunwari lang akong masipag sa trabaho. Kunwari isang huwaran na epleyado. Para lang talaga makita na may ginagawa ako.
Hihintayin kong dumating si Orwa ngayon, dahil sabay kaming kakain. Habang hinihintay ko siya, inayos ko na muna ang pagkain na baon namin. Nang buksan ko ang baunan ay nabalot ng mabagong amoy ng adobo ang buong pantry. Panigurado ako na kapag may pumasok ngayon ay maaamoy ang ulam namin at baka magutom pa lalo.
“Ang tagal naman ni Orwa, dapat ay kanina pa siya andito. Ngugutom na talaga ako.”
Bakit ba kasi hindi pa siya nagpupunta sa pantry? Nakalimutan na rin ba niyang breaktime na namin? Mukhang sa pagpapanggap din niyag maraming ginagawa, hidni na napansin ang oras.
Hindi pa naman ako pwedeng kumain na kaagad, lalo pa at alam kong gusto rin ni Orwa na kasabay ako, at isa akong malandi kaya gusto may kaharap na gwapo kapag kumakain. Mas ganado kainin kapag gwapo, ay este, mas masarap kumain ang gwapo. Ay! Ano na naman ba 'tong naiisip ko. Jusko!
Sa ilang sandali na paghihintay ko kay Orwa, pumasok na rin ito sa loob ng pantry. Nang makita ko siya, parang hindi mapalagay ang puso ko. Para naman hindi kami magkasama sa araw-araw. Ngayon nga lang sa oras ng trabaho kami hindi nagkikita, akala mo ay miss na miss na ang isa't isa. Muli na naman tuloy akong napaisip. Hindi ko na ata makakaya kapag bumalik na siya sa pagiging isang orchid. Mas gusto ko na lang ding maging isang lupa, kung magiging bulaklak siyang muli.
Gusto ko rin maging lupa para nakapatong siya sa akin. Char!
“Kanina ka pa ba, mahal? Pasensya na at may nagpatulong lang sa akin sa kusina.” Malambing ang boses niya. Gusto ko pa sana na magtampo, kaso sa boses pa lang niya, nasuyo na ako. Ehe! Bakit ba ang landi ko masyado?
“Kumain na lang tayo, Mahal. Kanina ko pa naaamoy ang adabo na luto mo. Alam mo naman na sa lahat, ito ang paburito ko,” alok ko sa kaniya at inihain na sa harapan niya ang banuna niya.
Ako naman ang gagawa nito ngayon, baka naman bigla niyang isipin na hindi ko siya pinagsisilbihan. Kahit naman na ilang beses na namin itong napag-usapan at ilang beses na rin niyang sinabi sa akin na hindi na na kailangan na ako ang gumawa ng lahat, mas nais pa nga niyang siya na lang. Pero naisipan ko rin na paano ko makikita ang sarili kong para akong nagsisilbi sa asawa ko kung hindi naman ako nagsisilbi sa kaniya.
“Alam mo bang gusto ko na talaga ang mag-outing. Mukhang magiging masaya talaga tayo doon.” Sa katahimikan namin ay bigla na lamang itong nasabi ni Orwa.
“Ang akala ko kami lang ni Sunny, ang atat para sa outing. Hindi ko alam na gusto mo rin pala mag-outing.” May mahina akong pagtawa nang sabihin ko ito.
Kapag magkakausap kasi kami, ang akala ko talaga ay kami lang ni Sunny ang gusto ang outing na 'yon, ang hindi ko alam ay gusto rin pala talaga niya. O baka naman, gusto lang talag niyang mang-asar sa akin kung sakali?
“Masaya naman yon, alam ko na magiging maligaya ka sa araw na 'yon.”
Hindi ko alam kung bakit iba na naman ang naisip ko sa salitang magiging maligaya. Gosh! Anong klaseng maligaya ba 'yan? Paano niya ako labis na mapapaligaya? Mukhang heto na naman ako sa aking kaisipan na hindi na naman matigil. Bakit ba ganito? Mukhang may kung ano na namang bagay ang hidni kayang pigilan ng aking sariling kaisipan. Bakit ba kunga no na lang ang sabihin ni Orwa, bigla na lamang may kung anong kakaibang senaryo ang nabubuo sa utak ko? Indi na ba mababago 'to?
“Mahal, bakit hindi ka na nagsalita? Hindi ko naman sinabi na isipin mo na kaagad 'yon. Alam mo naman na mas masarap pa 'yon sa totoong pangyayari, kaysa sa iniisip mo lang.”
Bumalik lamang ako sa sarili kong kaisipan matapos na kalampagin ni Orwa ang lamesa.
“Ano bang sinasabi mo? Wala akong iabng iniisip, ah. Baka ikaw may iniisip,” pagtanggi ko. Hindi ako maaaring maging marupok, alam ko kasi na kapag pnakita ko na naman sa kaniya na may kakaiba sa isipan ko, alam kong ako na naman ang gusto nitong pagtripan. Hindi ako papayag na ako na naman ang gawin niyang laruan. Ow... ibang paglalaro ang gusto ko. Charot!
“Halata naman talaga na wala kang ibang iniisip na masama.” Ngunisi ito na alam kong may pang-aasar.
“Wala talaga,” giit ko sa kaniya.
Dahil sa usapan namin, hindi na naman siya natigil sa kaniyang pagtawa. Hindi na naman niya ako tinigilan, hindi na natapos ang kaniyang pang-aasar. Nakakainis talaga minsan 'to. Pero tama rin naman siya, hidni ko naman kayang pigilan ang sarili ko sa mga pagbibiro ng utak ko, bakit kasi ganito ang utak ko? Ang hirap masyadng pigilan.
Nnag matapos na kaming kumain, bumalik na ulit ako sa trabaho. Nang muli kaming maghiwalay ni Orwa, doon ko lamang muling nakita si madam Deborah.Hanggang ngayon ay wala pa ring gaanong tao. Siguro ganito talaga minsan, mukhang sa sahod pa ulit magkakaroon ng mariming customer ang cafe.
Muli akong nag-ayos ng mga lamesa at bangko, nang lumapit sa akin si Ms. Deborah. Mukhang mag-uumpisa na naman ito ng kaniyang chismis. Hindi naman ako mukhang chismosa, bakit sa akin niya madalas sabihin ang mga chismis na alam niya. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang gusto niyang kausap, kung saan wala naman talaga akong alam sa chikahan.
“Pakunwari ka na naman, Sunshine. Hindi ka pamamanahan kahit pa magkunwari kang masipag, pakatotoo ka na,” saad nito habang ang kaniyang mahinang pagtawa ay para bang isang demonyo na nanggaling pa sa ilalim ng lupa ang tono.
“Hidni naman ako nagkukunwari,” sagot ko sa akniya. “Dahil po masipag talaga ako,” dagdag ko pa. Syempre kunwari lang din ang sinabi ko. Baka biglang test lang pala ito, tapaos nakita na nila kaagad ang mga karakas ko, alisan pa nila ako ng trabaho. Kawawa naman ako at baka magkahiwalay kaming muli ni Orwa.
“Tigilan mo na 'yan, mamaya lang din naman uwian na. Wala talaga gaanong pumapasok sa cafe kapag ganito.” Matapos niya itong sabhin ay hinawa niya ang kamay ko na kanina pa rin pinupunasan ang lamesa.
“Hindi naman ako mahigpit, kung wala namang customer, pahinga na rin kahit paano. Dahil kapag dumami 'yan, kahit makipaglandian sa jowa mo, hindi mo magagawa.”
Hidni ko alam kung nagbibiro ba siya.
“Hindi naman po siguro,” sagot ko sa kaniya na kahit hindi ko maintindihan kung ano ba ang sinasabi niya.
Kumunot ang kaniyang noon. “Anong hindi naman?” tanong nito na bakas ang pagtataka sa sinabi ko.
“Kahit naman maraming tao, kaya ko makipagandian sa jowa ko.”
Nang sabihin ko ito ay nakita ko ang muling pag-aliwalas ng mukha niya, ilang saglit pa ay muli siyang natawa.
“Ang landi mo rin, e no? Gusto ko 'yang ganyan,” saad at muling inilaba ang kanyang gilagid.
Hndi ko alam kung bakit para bang unti-unti ko na ring nakakabisado ang ugali ni Ms. Debora. Maliban sa kaniyang pagiging chismosa, alam ko na may kakulitan din siyang itinatago sa akniyang katawan. Siguro may kaunti na ring kalandian na dumadaloy sa kaniyang ugat.
Mabilis na natapos ang oras, dahil sa dami ng usapan namin ng manager ko, hindi namin napansin na wala na pa lang tao sa paligid, maliban sa mga empleyado. Nang makita niya ito, kahit na hindi pa uwian, pinasarado na niya ang cafe. Nais niyang kahit ngayon ay may pahinga kami.
Malapit na nga pala ang outing namin, at alam kong dalawang araw kaming wala ni Orwa. Sana hidni ito magkaroon ng kahit na nong issue, lalo pa at sabay pa kaming aalis. Baka sabihin na ang kapat na masyado ng mukha ko. Una ay si Orwa nagkaroon ng trabaho, sumunod naman ay ang pagkakaroon namin ng sabay na leave.
Kailan ko kay ulit makikita si Ms. Seila? Gusto ko na ulit makita ang maganda niyang mukha.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay parang hidni pa rinpumapasok sa isip ko na andito na ako sa trabaho ko at may pagkakataon na makikita at makakausap ko pa ang artista na idol ko. Ang swerte ko na rin talaga. Dahil dati, umaasa lang ako na makita si Ms. Seila, ngayon naman ay malapit na ako sa kaniya.
Kung may hindi lang ako kinatutuwa sa mga bagay na ganito, ito ay dahil kay Lyka. Hindi ko talaga siya gusto simula pa noon. Bahala na siya kung boyfriend ba niya si Tyron o kung sino man, ang ayaw ko lang ay ang panglalandi niya kay Orwa.
Bahala siya, baka ang mukha niya naman ang punasan ko ng basahan. Pasalamat talaga ang babaeng 'yon at mama niya ang idol ko. Kaya kahit na paano ay may galang pa rin ako. Ayaw ko naman na makitang mabigo si Ms. Seila sa akin.
Iba-iba na ang mga naiisip ko ngayon araw. Siguro dahil ito sa sobrang boring na naramdaman ko. Kapag maraming customer, ayaw kong magtrabaho, pero minsan pala ay mas nakakatamad pa rin ang walang ginagawa. Mas nakakapagod ang ganito. Mukhang sa mga oras na to, kailangan kong nang makita si Orwa. Kailangan ko lang talaga ng lalandiin.
Dahil ilang oras na lang din naman ang hinintay namin, lumabas na si Orwa sa kusina. Naghihintay na lang kami ng tamang oras para lang makapag-bio. Kapag natapos 'to, uuwina rin kami.
“Napagod ka ba, mahal?” tanong ko kay Orwa, habang ang ulo ko ay nakahiga sa kaniyang dibdib.
Hindi naman ako ang napagod, pero parang pagod na pagod ako sa sborang kaartehan ko ngayon. Magkayakap pa kaming dalawa, habang ang ilan sa mga kasama namin ay nakatingin sa amin. Siguro iniisip ng mga ito na ayaw ko na lumayo sa jowa ko, kaya kung makalingkis ako ay wagas.
Hindi lang naman kasi ako ang ganito, si Orwa rin naman, akala mo ay aagawin ako sa kaniya. Samanlang sa aming dalawa, sa kaniya maraming nagkakagusto. Pero bahala na sila, ang mahalaga lang sa akin ngayon ay may kalandian ako.
“Mukhang ikaw ang pagod sa ating dalawa. Sigurado ka bang ayos ka lang? Para kasing nagiging mahina ka,” wika nito na para bang may kung anong bagay kaming ginawa at naging mahina ako.
“Ano bang sinasabi mo? Tumahimik ka na muna, baka may makarinig kunga no na naman ang isipin nila,” saway ko sa kaniya.
Alam kong may kalokohan ito kaya agad ko na siyang pinigilan, hindi ko nais na may kung anong bagay na naman siyang sabihin. Alam ko naman kung ano ang nasa isip ng mga kasama ko kapag naririnig nila ang tungkol kay Orwa, maging kung ano ang usapan namin. Minsan kasi bigla na lamang magbibiro ng marumi sa utak si Orwa, kaya maging ang utak ko ay nagiging maruni na rin talaga. Ang bait ko pa namang nilalalng, tapos ganito lang ang kaniyang gagawin sa akin? Ang linis ng utak ko at hindi ako marupok.
Nang makalabas na kami sa cafe, muli kaming naglakad pauwi. Hunid ko alam kung gusto lang ba talaga naming makasama nag isa't isa o kung wala na talaga kaming pamasahe.
Parang gusto ko ata uli ang balut, masarap siguro kumain ulit n'yan.” Nang sabihin ito ni Orwa, agad kaming napatigil sa bilihan ng balut.
“Bumili ka na lang, mahal. Para naman makauwi na tayo.” Ngumiti lang ako sa kaniya.
“Hindi mo ba gusto?” tanong nito.
“Parang bigla kasi akong nahilo, gusto ko na umuwi,” sagot ko.
Hidni ko talaga alam kung bakit ba bigla na lang akong nakaramdam ng hilo. Baka ito sa antok o dahil sa kung ano mang sabog ng utak ko. Basta nag gusto ko na lamang muna ngayon ay ang makatulog.