Marahan kong iniharang ang braso ko mataos na tumama sa mukha ko ang sinang ng araw. Hindi ko maidilat ang mga mata ko lalo pa at kumikirot nag ulo ko. Sa mga oras na ito, inaalala ko kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Kung ano ang naging dahilan para mapunta ako sa ganitong sitwasyon. Kung ano ang nangyrai noong lumuhod ako sa harapan ng bahay ng nanay kong walang pakialam sa akin. “Gising ka na ba?' Isang pamilyar na boses ang nagtanong sa akin. Dahil sa katanungan na ito, nagsimula na rin akong idilat ang mga mata ko an sa simula ay nanalabo pa. Ngunit nang tuluyag bumungad sa akin ang mukha nito, napagtanto kong tama ngang si Madam Deborah ang babae na ito. “Anong ginagawa ko rito?” tanong ko sa kaniya. Nagtangka pa akong tumayo, pero agad na kumirot ang ulo ko, kaya aga

