"Mahal tingin mo ba maganda kung mag-bikini ako?" tanong ko kay Orwa habang tinitingnan ko sa salamin ang kulay pula kong bikini. Hindi ko pa ito nasusuot, bigay sa akin 'to ng tita ni Sunny. Galing pa sa Italy. "Wag na 'yan, ayokong may ibang nakakakita ng katawan mo. Gusto ko ako lang." Napaatras pa ako ng bigla nitong hablutin ang bikini at inihagis sa kama. "Mag-rash guard ka na lang." Napasimangot pa ako habang sinusundan siya ng tingin. Lumakad ito papunta sa kama at inayos muli ang mga damit namin sa barrel bag na dadalhin namin. "Sino namang titingin na iba? Isa pa marami rin sa mga ka-team namin ang nakasuot ng bikini." Pag-iinarte kong umupo sa kama. Isinara niya muna ang bag bago ako tiningnan. "Kahit pa. Baka mamaya may magnasa pa sa katawan mo," kumento nito at tinanggal a

