Chapter 8

1553 Words
Med'yo mahaba ang naging byahe namin, pero ayaw kong matulog kaya kinuha ko na lang ang phone ko at nag-picture kami ni Orwa. Matapos nito ay nag-post ako sa f*******:, ilang saglit ay ni-like ito ni Sir Tyron. Siya ang kauna-unahang nag-like. Ang updated naman ng tao na ito. Siguro boring na boring na rin siya sa byahe.  Hindi ko na ito binigyan pa ng kahit anong meaning, malay mo naman pag-open niya ito kaagad ang lumabas. Baka mamaya masabihan pa ako na masyado naman akong feelingera.  "Marunong ka bang gumamit ng cellphone?" Tumingala ako at tumingin kay Orwa. "Oo naman, lahat ng bagay dito alam ko." Napanguso ako sa sagot nito. Ngumisi naman siya at agad akong hinalikan. Mabilis lang 'yon, pero sadyang nakakagulat. "Loko ka! Bakit mo ginawa iyon?" "Akala ko kasi nagpapahalik ka sa akin." Sabay hagikgik nito ng mahina. Tumalbog-talbog pa ang ulo ko na nakasandal sa dibdib niya. Nakakainis 'to. Hahalik na nga lang saglit pa? Hindi iyon makatarungan.  Nagpapatuloy ang byahe namin, pero hindi bumitaw sa akin si Orwa hanggang sa makarating kami ng Bataan. Matapos kasi nito ay sasakay pa kami ng bangka. Hinihintay pa lang namin ngayon ang bangka.  "May una ng bangka, sinong unang sasakay?" tanong ni sir Tyron. "Kami na muna sir, kasama sina Sunshine at si bulol." Turo ni Mayora sa amin. "Matagal ba 'yong isa pang bangka?" tanong pa ni Derick, habang nakatakip ang kaniyang palad sa kaniyang noo. Para salagin ang init ng araw na hayag na hayag sa mukha namin.  "Siguro, hindi ko pa alam. Walang available ata," sumingkit ang mata ni Sir Tyron na tumingin sa dagat. Iginala pa niya ang mga mata niya para lang tingnan ang lawak nito, bago niya ibinalik ang tingin sa iba naming mga kasama.  "Kalahating oras pa raw biyahe, kung babalik ang bangka matatagalan tayo nito," sabat ni Lileth. "Sabay-sabay na lang, antayin na natin ang isa pang bangka." Agad namang napatingin sa akin si Sir Tyron. Bakit ba kasi ganito ang mga mata niya, masyadong mapang-angkin? "Puwede naman. Patawagan na lang 'yong isa pang inarkila natin," sagot nito. Kaniya-kaniya namang bigayan ng opinion ang mga kasama namin, ang iingay nila. Pero iisa lang din ang kinalabasan, mag-aantay kami ng isa pang bangka. Para nga raw sabay-sabay na kaming aalis. Bahala na sila, kung ano man ang maging desisyon nilang lahat.  "Doon muna kaya tayo ta lilim? Ang init kaya rito" Aya ni Sunny. "Kaya nga, kaysa naman dito. Nakalimutan ko dalhin ang payong, baka umitim ka," sang-ayon naman ni Orwa. "Dalawa na lang muna kayo pumunta roon, tatawagin na lang namin kayo kung may bangka na," dagdag pa ni Derick. Magsasalita pa sana ako nang hinila na ako ni Sunny. "Tara na Betty." Kumaway pa ako kay Orwa, ngumiti lang ito at ibinaba ang bag na dala namin. Nagtungo naman na kami ni Sunny sa isang puno at doon sumilong. Hindi naman masyadong kaputian pero takot umitim.  "Betty, may napansin ka ba kay Sir Tyron?" tanong ko kay Sunny, habang nakatanaw sa kinatatayuan ni Sir Tyron. May iilang mga kausap kasi ito, na mukhang abala din siya. Ang ilan naman kasi sa mga kasama namin nagsisimula na kumuha ng litrato, atat na sila masyado wala pa nga kami sa isla.  "Oo. Parang palagi tiyang nakatingin tayo, tapot kanina pa noong nakita niya ti Orwa," mabilis nitong sagot. "Sabi na, chismosa ka talaga. May naitutulong talaga 'yang 64GB memory ng malaki mong noo," napasinghap pa siya sa sinabi ko. "Nahiya naman ako ta pitngi mong parang may imbakan ng pagkain, ampayat mo pero ang laki ng pitngi," lait nito pabalik. Hindi talaga papatalo, eh. Pati pisngi ko nadamay. "Pero hindi nga? Parang ang weird niya 'no?" Umayos ako ng tayo habang nakatingin pa rin sa kanila. Tanaw ko ang pakikipag-usap ni sir Tyron sa cellphone, habang sina Orwa at Derick naman ay nag-uusap. Sina Mayora rin at ang tatlong bibe ay nakatingin kay Orwa, malamang pinag-uusapan nila ito dahil kanina pa sila turo nang turo. "Baka naman may gutto na tayo? Yari na! Paano na ti Orwa?" Umiiling-iling pa ito. "Grabe? Baka naman hindi, baka nagtataka rin siya kung paano ko naging jowa si Orwa?" Sumalubong ang kilay nito at humarap kay Orwa. "Tabagay, pwede rin," mabilis kong hinampas ang braso niya. "Sumang-ayon ka naman? Kaibigan kita. Lalaitin mo rin ba ako?" Sabay irap ko rito. "Wag ka na kati magtanong ta akin ng ganiyan, hayaan mo na ti tir Tyron. Alam mo namang mintan may tapak ta ulo 'yan, mintan mabait pero madalat mainit ang ulo." Napatango ako sa sinabi niya. "Sabagay," sang-ayon ko sa sinabi niya. Hindi pa ba ako nasanay sa kaniya? Ganiyan naman talaga siya dati pa. "Baka naman bati na tila ng jowa niya." Halos mabali ang leeg ko sa paglingon kay Sunny. "Sino? Si Lyka? Iyong artista?" Sunod-sunod naman ang pagtango niya. "Oo, 'di ba nag-break tila noong nakaraang taon? Baka naman tila na ulit." Napauwang ang bibig ko at muling tumingin kay sir Tyron. Oo nga no? Nakalimutan ko, artista nga pala ang jowa nito. "Ta tabado nata mall tina Lyka, andoon din idol mo ti Marlo Mortel," muli akong napatingin kay Sunny. "Sa sabado na ba 'yon? Iyong mall show nila? Kasama 'yong mama ni Lyka? Si Seila Sandoval?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Oo nga, holiday kaya makakapanood tayo," napalawak ang ngiti ko sa sinabi niya. "Naks, sa wakas makikita ko na rin si idol Seila at Marlo Mortel," natutuwa kong alog sa kaniya na may mahinang talon. OMG! Sa wakas makikita at maririnig ko na rin ng personal kumanta si Marlo. OMG talaga! Patuloy ang pag-uusap namin ni Sunny patungkol kay Lyka at sir Tyron. Maaari nga kayang nagkabalikan na silang dalawa? Well, tingnan na lang sa sabado kung andoon si sir Tyron baka nga. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko na si Seila Sandoval, idol na idol ko talaga siya. Ang galing niya kasing mag-acting kumpara sa anak niyang si Lyka. Isa pa andoon si Marlo Mortel, mas maganda siguro sa personal ang boses niya. Yari na! Sana pumayag si Orwa, kahit doon lang. "Mahal!" Naputol kami sa sigaw ni Orwa, agad kaming napatingin doon. Kumaway si Rick at tinatawag kami palapit doon. "Andyan na ata ang bangka," aya ni Sunny. Naglakad na kami papunta sa kanila, nakita ko naman ang pagpalakad ng iba kasama ang mga jowa at asawa nila. Iilan lang dito ang walang mga kasamang jowa at asawa. Kasama na doon si Mayora at ang tatlong bibe. "Doon na lang ba kayo sa isang bangka?" Napahinto ako sa tanong ni sir Tyron. "Kahit saan na lang," sagot ni Orwa at pinalupot ang braso sa baywang ko at inilapit ng maigi sa kaniya. "Sige, doon na lang kayo kina Mayora," sambit ni sir Tyron at agad na umalis sa harap namin. Lumingon ako kay Sunny at sabay pa kaming napakibit-balikat. Matapos nito ay sa unang bangka kami sumakay, nakita ko pa si sir Tyron sa kabilang bangka, nakatingin lang ito sa amin pero walang emosyon sa kaniyang mukha. Magkakatabi kaming umupo, sa magkabilang dulo ang dalawang lalaki at sa gitna kami ni Sunny. May gusto sana akong sabihin pero baka may makarinig, mamaya na lang kapag kaming dalawa na lang ang magkasama. Mukhang mapupuno talaga ng chismis ang araw na 'to. "Mahaba ang byahe, kung gusto mo humiga ka muna sa balikat ko. Mahiluhin ka ba sa ganito?" Tanong ni Orwa at parang halos lahat ng babae dito ay lumingon. Kayo tinatanong? Kayo? "Hindi naman, nasanay na ako dito kay Sunny. Mahilig kasi siya sa travel, kaya nasanay na rin," sagot ko dito. Sino ba namang hindi masasanay? Kapag may family reunion sila Sunny, palagi akong kasama. Minsan nga umaakyat pa kami ng bundok, tumatawid sa ilog, at kung anu-anong extreme activity. Ewan sa bulol na 'to, gusto palagi ang nakakatakot at ayaw ng ordinary na buhay. "Sige pala, ako na lang," halos makiliti at magtatakbo ako matapos ihiga ni Orwa ang ulo niya sa balikat ko. Halos ayokong huminga para hindi gaanong malikot. Taena! Bakit ganito? Bakit parang may mga nagtatakbuhang bulati sa tiyan ko? Habang umaandar ang bangka, kasunod namin ang kila sir Tyron. Nakaupo lang siya doon ng seryoso at nakatingin sa pwesto namin. Mediyo naiilang ako sa tingin niya dahil hindi niya talaga inaalis ang tingin sa akin. "Aww!" Mahina kong inda sa kurot ni Sunny. Agad ko itong tiningnan, gusto ko sanang bumawi pero naalala ko na nakahiga pala sa balikat ko si Orwa. Tinaasan ako nito ng kilay at tumingin kay sir Tyron ng pasimple, bago inayos ang pagkakahiga at pagkapit sa braso ni Derick. Tingnan mo pagbaba namin may chismis itong sasabihin, ewan. Bakit kasi ganito pa kung tingnan ako ni sir Tyron? "Mahal," halos manindig ang balahibo ko ng ipulupot ni Orwa ang braso niya sa baywang ko at idinikdik ang kaniyang mukha sa leeg ko, hindi na talaga ako makahinga dahil damang-dama ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. "Wag kang tumingin kung kani-kanino, gusto sa akin ka lang. Sa akin ka lang palaging nakatingin," bulong nito na tuluyang nagpatigil ng paghinga at nagpabilis nang t***k ng puso ko. Ano bang gusto kong gawin? Sumigaw? Magwala? Ewan, basta alam ko nagwawala ang mga bulati sa tiyan ko at hindi ko na makumbinsi ang sarili kong kumalma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD