Malamig ang simoy ng hangin, ang mabangong amoy nito ay kanina pang dumarampi sa aking ilong. Banayad sa pakiramdam ang pakikinig ko sa himig ng mga alon. Madilim na ang kalangitan, ngunit hindi ito naging hadlang upang mapuno ng lungkot ang paligid. Dahil kahit na anong kadiliman man ang bumabalot sa paligid, ang magandang makikinang na bituin ay nagbibigay ng panatag na pag-ibig. Isang patunay na kahit na anong kadiiman ang dumating sa buhay, may mga kaibigan pa rin tayo na magsisilbing bituin, na nagbibigay liwanag sa buhay natin. Sa ganitong kadiliman din ay hindi nawawala ang buwan. At sa kadiliaman ko. Si Orwa ang mananatiling buwan ko. Nasa dalampasigan kaming dalawa ngayon, habang ang ulo ko ay nakahiga sa kaniyang balikat. Sabay naming pinagmamasdan ang maganda mga bituin. Y

