"Mahal kita, Betty ko." Salitang kanina ko pa naririnig mula kay Sunny na hanggang ngayon ay hindi inaalis ang pagkakayakap niya sa braso ko. Umiihip ang malamig na hangin na tila ba ng buong pagkatao ko ay niyayakap na rin. Naghihintay ng pagkakataon sa sarili ko na hanapin ang mga bagay na hanggag ngayon ay nahihirapan pa rin akong alamin. ANg pinong buhangin ay nakabaon ang mga paa namin. Hindi ba dapat ang lugar na ito ay para maging masaya ang lahat? Pero bakit tila ba nagiging lugar na rin ito para lang sa kalungkutan na hanggang ngayon ay mananatilin magulo para sa aming lahat. "Mahal din kita, betty. Kahit na anong mangyari napakasaya ko na ikaw ang naging kaibigan ko," saad ko. Tunay na galing sa puso ko ang mga salitang binitawan ko. Nais kong maramdaman niya kung ga

