Chapter 37 Gariel's Pov "Nakakamiss din pala kapag nandito si Chieno." Tiningnan lang ako ni Chien seryoso ang mukha niya. Simula ng natapos OJT ni Chieno bumalik na siya sa probinsiya para ipagpatuloy niya pag-aaral. Ayaw pa nga niya umalis. Natakot kay Kuya Chiz. Ayon nakapag-impake ng loko. Ilan buwan na lang graduation na ni Chieno. Tulad ng pinangako namin uuwi kami sa graduation niya tsaka binyag na rin ng anak ko. "Saan mo siya namiss sa kalokohan o sa kalokohan?" Natawa ako sa sinabi ni Chien. Kaya naman pala ang seryoso dahil iba naman nasa isip niya. "Actually, sa kalokohan niya, alam mo noon mas kinakatakutan ko si Kuya Chiz hindi katulad ng ni Chieno wala nang ibang inaatupag noon UG. Nagkamali pala ako, mabait naman si Kuya Chiz, medyo lang may pagka-strikto hanggang ngay

