Chapter 36 Chien "Naku! Kuya Chiz, kung alam mo lang kalokohan ni Chieno." "Hoy! Ate 'wag kang mapanira, porke't tapos na akong mag-OJT." "Ako tigil-tigilan mo ko Chieno." "Ate naman high blood naman, pero ate sasama ka na ba pauwi? "At bakit ako sasama sa'yo?" Nakaakbay pa siya sa'kin. "Ate sa ayaw at sa gusto mo sasama ka. Nakalimutan mo na ba binyag ni Baby Charley Gaen." Talaga hindi siya nawawalan ng reason. Isang buwan pa binyag ni Baby Gaen. Napalapit si Gariel sa amin. "Kuya Garile oh! Si Ate Chien, ang ingay-ingay na naman." Nagkatinginan lang kami ni Gariel. Hindi ko na alam gagawin ko sa kapatid ko. "Love, kahit anong gawin mo sa kapatid mo wala ka ng magagawa. Ganyan talaga mga bunso hangga't hindi ka naiinis hindi iyan titigilan." Pabulong sabi ni Gariel. "Eh! Si Gar

