Chapter 3

1122 Words
Chapter 3 Gariel's Pov 3 months ko na siya iniiwasan. Madalas siya sa bahay, pero hindi ko siya kinakausap. Sa tuwing uwian, nakahabang siya pilit niya ako kinakausap, pero hindi ko siya pinapakinggan. Hindi siya sumuko, kahit tarayan siya ni Kim sabihin ng masasakit na salita, pero patuloy siya nagpapakaawa sa'kin araw- araw. Sobra ako nasaktan hindi ko matanggap bestfriend ko si Jake, pero bakit sa kan'ya pa? Ayaw ko siya harapin dahil ayaw ko may nasabi akong masama sa kan'ya. Mabuti pa manahimik na lang ako. Mahal ko siya, siya lang minahal ko ng totoo. Tangina ng nangyari pa 'to samin dalawa. "Pre! Si Chien!" Napalingon ako sa sinabi ni Harold. Dahil sa Friday ngayon, nasa tambayan kami ng mga kaibigan ko. Nagulat ako nandito siya. Napatingin ako sa kan'ya palapit siya sa'min. "Kausapin mo na kaya pre!" Tiningnan ko lang si Jaxiel. "Pakinggan mo lang siya. 'Wag mo naman pinagtabuyan. Pakinggan mo side niya." Anong alam nila sa nararamdaman ko. "Alis na rin kami." Sabay pa sabi nila. Ako naman nakatingin lang sa mga kaibigan ko. Lahat sila iniwan ako. Nalalapit na si Chien Nagkatinginan kami dalawa. Ako kusa umiiwas sa kan'ya."Pwede ba tayo mag-usap?" Tahimik lang ako. "Ok!" sabi niya ulit. "Hindi naman ako magtatagal. Pakinggan mo lang ako. Masabi ko lang nararamdaman ko sa'yo. Titigil lang ako kapag nasabi ko lahat sa'yo. Gusto ko lang maayos sa ating dalawa. Sorry kung nakukulitan ka na sa'kin. Pero last na 'to promise. Hinding-hindi mo na makita mukha ko sa harapan mo. Kung sakali man magkita tayo. 'Wag ka mag-aalala ako iiwas. Gusto ko lang linawin tungkol sa'tin." Tinignan ko siya namumula na mata niya. Ramdam ko na pinipigilan lang niya umiiyak. "Sorry! Kung may nagawa man ako na nakakasira ng relasyon natin. Anyway, hindi na ako magtatagal. Masyado madrama na ako. Congrats nga pala balita ko kayo na ni kim." Seryoso ako nakatingin sa kan'ya. Umiyak siya habang nakayuko na. "Hindi na kita guguluhin pa. Malaya ka na," sabi niya sa'kin. "Salamat sa lahat lahat. Masakit, pero kailangan ko 'to gawin. Ayaw ko naman na ako lang lumalaban sa'tin dalawa. Nakikita ko naman masaya ka sa kan'ya. Sapat na para iwan ka. Salamat nga pala pinakinggan mo ako. Salamat! Hindi ka umalis. Sige na aalis na ako. Pasensya na sa abala. Alam ko naiinis ka na sa'kin." Tumawa siya mahina. "Hindi na ako lalapit sa'yo 'wag ka mag alala." Tinalikuran na niya ako. Gusto ko siya habulin. Saan niya nabalitaan na kami na ni Kim. Naguluhan ako sa sinabi niya. Natulala ako ng lapitan ako ni Lex. Ngayon ko lang siya nakita seryoso. "Ano masaya ka na?" sabi niya sa'kin. "Gago ka kasi pre! Ang dali mo utuin. Sayang guwapo ka pa naman, bobo nga lang. Nakakasiguro ka ba na may relasyon sila?" "Gago ka ba? Nakita natin nagyayakapan sila. Ano matatawag mo do'n? Sa walang tao pa talaga, pwede naman sila mag usap pero do'n pa talaga pre." "Ok fine! Kung #yan paniniwala mo. Sabagay madali naman kasi sa'yo dahil simula pa lang may feeling ka na kay Kim di ba?" "'Wag mo ibahin usapan? Anong problema mo kay Kim. Mabait siya tao." Tinawanan lang niya ako. "Relax lang. Hindi ako kaaway. Saan na mga kaibigan natin?" "Umalis!" sabi ko sa kan'ya. "Bakit nandito ka?" "Masama ba? Inatid ko lang si Chien nakiusap ang tao eh!" Na tahimik lang ako sa sinabi niya. "So! Wala na talaga kayo?" Masama ko si Lex tinitigan mukha may iba sa ngiti niya. "Bakit?" "Wala! masama ba malaman? Sige na alis na ako. Ihahatid ko pa si Chien!" Sabay talikod niya. Nakatayo ako inunahan ko siya. Tangina hindi ko gusto nasa utak ni Lex. Nakita ko nga nakaabang si Chien. Walang sabi hinila ko siya. Nagulat siya nakatingin sa'kin. "Hatid na kita," sabi ko sa kan'ya. "Ah?" "Hatid na kita," mahina ko sabi. Napakunot noo siya napatingin sa'kin. "Ok lang ako, hindi mo na kailangan ihatid ako." "Mag-gagabi na rin," sabi ko sa kan'ya. "Kaya ko sarili ko. Ayaw ko nagkaroon pa ng issue about sa'tin. Masaya na kayong dalawa, atsaka mali may ihahatid kang ibang babae, alam mo may girlfriend ka." Nakakunot noo ako hinarap siya. "Tama siya pre! Ako na maghahatid sa kan'ya. Kasama ko naman siya di ba Chien? tsaka pre hindi siya mapapahamak, sa tangkad kong 'to. Matangkad pa nga ako sa'yo." "5'2" ka lang gago ka." Tinawanan lang niya ako. Sa'min magkakaibigan siya lang tanging 5'2" ang height. Ako nga 5'7" ang height hindi pinagmamalaki sa edad kong 'tong 17. "Ah? Akala ko ba! Nag-cecelebrate kayo?" Tumawa si Lex nakaharap sa'min. "Oo sana, pero nawala na mga gago," sabi niya kay Chien. "Sa guwapo kong 'to iniwan ako." "Bakit?" "Wala!" Sabay hila ko sa kan'ya. "Sakay?" Nakasalubong mukha niya hinarap ako. "Sige na Chien sumakay ka na?" Tinignan niya lang ako. Napasunod din siya sumakay siya sa harapan ko. Tahimik lang kami dalawa. Napalingon ako sa kan'ya nakatulog siya. Maya maya ginising ko na siya ng makarating kami. Napamulat siya nginitihan niya ako. "Pasensya na, naabala pa kita. Salamat sa paghatid." Bumaba siya hindi sa akin nakatingin. "Ingat ka," sabi niya sa'kin bago niya ako talikuran. Napatingin ako sa kan'ya. Hinintay ko siya nakapasok sa loob bago ako umalis. Napatingin ako sa phone ko ng bigla may tumatawag sa'kin. Tinignan ko ng makita ko pangalan ni Lex. Hindi ko sinagot. Alam ko naman bubwisitin niya lang ako. Hindi na ako bumalik. Umuwi na lang ako. Sinalubong agad ako ni Manang. "Nagkita ba kayo ni Chien?" sabi ni Manang. Tumango lang ako. "Bakit po pumunta ba siya rito?" "Hay oo! Jake nga nakausap niya," Napakunot noo ako napatingin kay Manang. "Nandito is Jake?" "Kanina magkasama pa nga sila ni Lex, pero umalis din sila kasama nila si Chien." "Bakit po nandito si Jake?" sabi ko kay Manang? "Hinahanap ka nga niya. May problema ba?" sabi ni Manang. "Wala po, sige po magpahinga na po ako." "Hindi ka ba kakain?" "Hindi po!" sabi ko na lang kay Manang. Nawalan ako ng gana kahit gutom na ako. Nagtataka ako. Bakit magkasama si Lex at Jake? Na padapa ako sa kama. Napatingin ako sa phone ko. Tinignan ko mga picture namin ni Chien. Ang saya-saya namin dito. Lagi siya nakangiti sa bawat picture namin. Namiss ko siya, gusto ko siya yakapin, pero hindi ko magawa. Nang bigla nakatanggap ako ng text. Tiningnan ko sino nagtext sa'kin. Messages: Chien: "Salamat, ingat ka lagi. 'Wag ka magpa-gutom. Goodnight." Nagreply ako sa kan'ya. Me: "Thank you, ikaw din." Goodnight. I love you. Ierase ko na sana ng napindot ko. Nagulat kasi ako sa sigaw ni Manang. Naghintay ako ng reply niya. Hindi na niya ako nagawa ireplyan. Napabangon ako naligo muna ako bago ako natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD